00:00Bistado sa operasyon ng pulisya ang dalawang gasolinahang iligal na nag-ooperate sa Lipa, Batangas.
00:06Batay sa investigasyon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group,
00:10walang compliance certificate at license to operate mula sa Department of Energy ang dalawang gasolinahan.
00:16Isa sa mga gasolinahan ay nasa Barangay San Sebastian kung saan 2 milyong pisong halaga ng produktong petrolyo ang nakumpiska.
00:24Arestado ang supervisor nito.
00:267 milyong pisong halaga ng produktong petrolyo naman ang kinumpiska sa isa pang gasolinahan sa Barangay Sabang.
00:33Inaresto rin ang isang babae.
00:36Mahaharap ang dalawang inaresto sa reklamong paglabag sa Presidential Decree No. 1865
00:40na nagpaparusa sa mga iligal na gawain kaugnay ng mga produktong petrolyo.
00:46Wala silang pahayag.
Comments