00:28ASEAN
00:33Makasaysayan ang pagdating ni President Lula da Silva ng Brazil na Dialogue Partner ng ASEAN.
00:38Si da Silva ang kauna-unahang sitting Brazilian President na bumisita sa Pilipinas
00:43sakto sa walong dekadang diplomatic relations ng Pilipinas at Brazil.
00:47Your historic visit to Manila marks a momentous high point in this year's celebration
00:53of the 80th anniversary of Philippines-Brazil diplomatic relations.
00:58Our cooperation now spans trade and investment, agriculture, energy, defense, tourism, science and technology
01:07and education complemented by vibrant people-to-people exchanges.
01:12Nagkaroon sila ng bilateral meeting ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:16Ayon sa Malacanang, napag-usapan ng dalawang leader ang renewable energy,
01:20pagpapalakas ng livestock production, pagpapalawak ng teknolohiya sa agrikultura,
01:25edukasyon, kalakalan at pamumuhunan, seguridad at pagpapatupad ng batas.
01:31Nakipagpulong din kanina si Pangulong Marcos kay Canadian Prime Minister Mark Carney.
01:35Tinapos dito ang negosyasyon tungkol sa Free Trade Agreement ng Pilipinas at Canada
01:39na nais nilang lagdaan sa 2027.
01:42Posibleng makinabang dito ang mga Pilipinong nagtatrabaho online
01:46dahil maaari sila magkaroon ng mas maraming kliyente mula sa Canada
01:51ng hindi na kinakailangang mga ibang bansa.
01:54Maaari na itong magbigay ng pagkakataon sa mga micro, small and medium enterprises
02:00na makahanap ng bagong mamimili sa Canada.
02:04Mapalawak ang kanilang merkado, madagdagan ang mga order
02:08at magkaroon ng kakayahang palakihin ang operasyon at kumuha ng karagdagang empleyado.
02:17Dumating na rin sa Pilipinas ang Heads of State ng Australia at Timor-Leste
02:21para sa 49th ASEAN Leaders Summit and Related Summits.
02:24Sinabi naman ni Philippine Ambassador to the United States, Bebrum Waldez,
02:28nakasama ni US President Donald Trump sa pagpunta niya sa Pilipinas sa Martes,
02:31si US Secretary Marco Rubio.
02:34Sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa paglaganap at paggamit ng Artificial Intelligence o AI,
02:39binigyang DE ni Pangulong Marcos ang responsabling paggamit ng AI
02:42para matulungan ng maliliit na negosyo at mapahusay ang serbisyong pangkalusugan sa ASEAN.
02:48For MSMEs, we are advancing an approach that brings AI adoption together
02:53with training and practical support.
02:55We are promoting regional cooperation in research and innovation
02:58to support the safe, ethical and equitable development of AI applications for health.
03:04Nilagdaan din ang Pangulo ang Executive Order 131
03:07para bumuo ng AI Governance Framework
03:09at ng National AI Council na mangunguna sa pagpapatupad nito.
03:13Kailangan tiyakin din na ang pagunlad ng AI
03:16ay may konkretong pakinabang sa mga manggagawa,
03:21negosyo, komunidad at buong bansa.
03:24Sa pamamagitan nito,
03:26nais magtakda ng Pangulo
03:29ng iisang direksyon
03:31at malino na pamamahala
03:33sa paggamit at pagpapaunlad
03:35ng AI sa Pilipinas.
03:38Layo ninyo itong tiyakin
03:40na ang AI ay maipapatupad
03:42ng responsable,
03:44ligtas,
03:46ethical
03:46at may sapat na proteksyon
03:48upang mapanatili
03:49ang tiwala ng publiko.
03:53Mahalaga rin ito
03:54para sa mga manggagawa.
03:56Ivan,
03:57ngayong gabi naman,
03:58inaasahan na darating sa Pilipinas
03:59ang mga leader ng Brunei,
04:01Indonesia,
04:01Malaysia
04:02at Singapore.
04:03Yan ang latest mula rito sa Pasay City.
04:05Balik sa iyo, Ivan.
04:06Maraming salamat.
04:08Bea Pinlak.