00:00Dinipensahan ng Malacanang ang puna ng ilang grupo sa P22.9 billion pesos na pondo para sa 49th ASEAN Summit.
00:08Humingi naman ng pasensya si Pangulong Bongbong Marcos sa mga naabala sa paghahanda at iginit na may mas malaking beneficyo
00:14para sa Pilipinas ang ASEAN Summit.
00:17Balitang hatid ni Chino Gaston.
00:22Bilang paghahanda sa ASEAN Summit, suspindido ang number coding sa Metro Manila mula lunes hanggang miyerkules.
00:30Nagkabit ng bagong signages tulad sa Edza Makati Southbound Lane.
00:34Sa kabilang lane, inaapura ng mga tauhan ng DPWH ang pagpipintura sa bangketa.
00:40Ilang motorista na rin ang 30 minutong pinahinto.
00:44Ito ang stop and go system para magbigaydaan sa mga dumaraang delegates ng ASEAN Summit.
00:51Traffic na sa ilang bahagi ng Metro Manila.
00:54Na traffic pati ilang senador.
00:57Kaya begdado pati roll call ng impeachment trial.
01:00To afford some of the senator judges facing heavy traffic given the season and perhaps pre-ASEAN preparations to be
01:09able to arrive at a later time.
01:11We shall call the roll at 11 a.m.
01:18Let the journal and the record reflect that intention and that intention of the presiding officer.
01:27So ordered.
01:28Batid ni Pangulong Bongbong Marcos na may mga naaabala dahil sa mga paghahanda para sa ASEAN Summit.
01:35Pansamantala namang ito, kaunting pasensya lang.
01:38Tiyak ko na mas matimbang pa rin ang mga benepisyong matatamasa natin mula sa mga polisiyang mapagkakasunduan at sa mga
01:47trabahong malilikha.
01:48Mga kababayan, ayon sa Pangulo, nakikinabang sa iba't ibang pagtitipon ng ASEAN ang mga lokal na industriya gaya ng paghahabi
01:57at local food manufacturer.
01:59Pati mga hotel, transport provider at maging ang gumagawa ng mga souvenir para sa mga event ng ASEAN.
02:07Pagkakataon din ito para manghikayat ng mga delegado na bumalik sa Pilipinas bilang turista.
02:13Mas malalim pa sa pagiging visa-free natin sa mga ASEAN countries ang dalang benepisyo ng ugnayang ito.
02:21Lalong-lalo na sa panahong ito na marami tayong krisis na hinaharap mula sa pagtaas ng presyo ng langis,
02:28tapos ang ating mga security concerns, tapos itong parating na el ninyo, ay kailangan buo ang paggalaw ng buong ASEAN.
02:37Kaya sa kabila ng pambabatikos ng ilang grupo sa 22.9 billion pesos na budget na inilaan para sa pag
02:45-host ng ASEAN summit,
02:46ayon sa palasyo, sulit ang gasto sa pondo na bubuksan din naman daw sa audit.
02:52Kaugnay naman ang mga inilagay na barrier na inilagay para takpan ang mga ilog at karinderiya sa mga pangunahing kalsada
03:00papuntang airport,
03:01sabi ni Palace Press Officer Claire Castro.
03:04Sa akin nakita, meron tayong nakita ang mga arts na ginawa.
03:09Ito ay pagmamalaki na rin kung ano ang kakayahan ng mga kinikilala nating mga artists sa Pilipinas.
03:16Sinagot din ang palasyo ang mga nagsasabing vanity o yabang lang ng Pangulo ang paghahanda sa ASEAN summit.
03:23To suffer because of the vanity of the president?
03:29Bakit? Ang Pangulo ba nagpapaganda sa sarili niya?
03:32Ano ba ang pinapaganda natin? Hindi ba ang Pilipinas?
03:36Chino Gaston, nagbabalita para sa GMA News.