Skip to playerSkip to main content
Binago ng jail warden ng BJMP QC Male Dormitory ang sinabi niyang dahilan kung bakit pinayagang makapasok sa kulungan ang assistant ni dating House SPeaker Martin Romualdez. Ang sabi ngayon ng warden, kailangan kasing bantayan ang blood pressure ng kongresist at ang paggamit nito ng aparato na tumutulong sa paghinga habang natutulog. 


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binago ng Jail Warden ng BJMPQC Male Dormitory
00:03ang sinabi niya ang dahilan kung bakit pinayagang makapasok sa kulungan
00:06ang assistant ni dating House Speaker Martin Romualdez.
00:09Ang sabi ngayon ng Warden, kailangan kasing bantayan ang blood pressure ng kongresista
00:13at ang paggamit ito ng aparato na tumutulong sa paghinga habang natutulog.
00:19Saksi, si Mackie Pulido.
00:24Sa bail hearing, dating Speaker Martin Romualdez kanina,
00:27tila naubos ang pasensya ni Sandigan Bayan 3rd Division Chair Associate Justice Carl Miranda
00:33kay Jail Superintendent Maria Lourdes Pashon, Jail Warden ng BJMP Quezon City Male Dormitory.
00:39Si Pashon ang nagsabing pinayagan niyang magkaroon ng assistant si Romualdez sa loob ng kulungan
00:44para alalayan ang kongresista dahil hindi stable ang mental health nito.
00:48Pero kanina, binawi niya ito at nagbigay ng ibang dahilan kung bakit kailangan ng assistant ni Romualdez.
00:53Kailangan daw kasing i-monitor ang blood pressure, pag-inom ng gamot at paggamit ng CPAP machine ni Romualdez.
01:01Pinagsabihan tuloy ng magistrado ang Jail Warden na tigilan ang pabago-bago niyang storya at magsabi lang ng totoo.
01:08Sinabi rin ni Pashon noong guling hearing na wala na sa loob ng kulungan ng assistant
01:12pagtapos na ang visiting hours ng 5 p.m.
01:15Pero tanong ni Associate Justice Miranda, hindi ba sa pagtulog ginagamit ang CPAP machine,
01:21isang medical device na tumutulong sa paghinga habang natutulog?
01:25Nabisto pang kahit hindi araw ng dalaw, nakakapasok ang assistant ni Romualdez.
01:31Kita sa kuha ng CCTV na nasa loob ng detention facility ang assistant sa araw na wala dapat dalaw.
01:37Paliwanag ni Pashon, sinasamahan kasi si Romualdez kung ito'y nagpapaaraw.
01:42Inatasan na ng Korte ang Ombudsman at ang Bureau of Jail Management and Phenology o BJMP
01:48na mag-imbestiga at maghain ang kaso kung kinakailangan.
01:52Ayaw mo nang magkomento ng BJMP tungkol dyan bilang paggalang daw sa Sandigan Bayan
01:57dahil gumugulong na ang proseso sa Korte.
02:00Rerespetuhin daw at makikipagtulungan ang BJMP sa proceedings
02:03at hahayaan daw nitong gumulong ang nararapat na judicial process kaugnay ng usapin.
02:09Nauna rin sinabi ng Jail Warden na may mga CCTV sa loob ng detention facility
02:13na hindi gumagana kaya maraming blind spot.
02:16Sabi ngayon ng BJMP na aprobahan na ang budget para dito nitong Kulyo
02:20at ngayon ay nasa procurement process na.
02:23Sa pagdinig rin kanina, humarap ang mga financial investigator
02:27ng Anti-Money Laundering Council o AMLC
02:29sa pagdinig ng 7.4 billion peso plunder case
02:32kaugnay ng maanumalya umanong flood control projects.
02:36Sabi ni Atty. John Mark Busa na monitor nilang pagpasok
02:39ng 560 million peso sa bank accounts ni Romualdez
02:43habang nakaupo itong speaker mula 2022 hanggang 2025.
02:47Pero sa pagtatanong ng depensa,
02:50sinabi ni Busa na walang findings ang AMLC
02:52na may kinalaman nito sa flood control projects.
02:55Ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.

Recommended