00:00Kumusta yun naman natin ang sitwasyon sa Quezon City na kabilang po sa mga binahang lugar dahil sa ulang dala
00:05ng haing habagat.
00:07Makausap natin, Pichi de Leon, tagapagsalita ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office.
00:13Ma'am Pichi, magandang umaga po sa inyo.
00:16Magandang umaga, Ivan.
00:17Ma'am, kumusta po ang Quezon City? Meron pa po bang baha sa mga oras sa ito as we speak?
00:23Okay, since yesterday po, ng mga 2.50 a.m. subsided na po lahat ng flooded areas,
00:30although meron pa po kaming mga evacuees sa 107 na evacuation centers po as of 5 a.m. po.
00:38Alin mga barangay po, ma'am, ang worst hit?
00:41Meron nga mga images na, of course, kumalas sa social media.
00:44Yung barangay Apolonyo-Samson, for example, nakita natin hanggang basketball court na uhalos yung taas ang baha doon.
00:52Opo, yan, kasama po Apolonyo-Samson, Fairview, North Fairview, Bagong Silangan, Manresa.
00:59Yan po yung mga flood-prone areas na talaga pag malakas ang buhos ng ulan at matagal,
01:04talaga po asahan nyo na tataas po ang tubig baha.
01:08Ma'am, ano po yung nakikita nating mga nagpalala sa baha sa QC?
01:11May mga baradong drainage ba? May problema sa flood control projects? Basura? Ano ba?
01:17Yung pong mga flood-prone areas po, na-map na po talaga ng Quezon City Government yun.
01:22Na parang nagsiserve silang catch basin eh.
01:26So pag malakas po talaga yung buhos ng ulan at matagal,
01:30merong isang araw na equivalent to two days po yung heavy rainfall niya,
01:34ma-overwhelm po talaga yung drainage system kahit na anong linis mo,
01:39at dredging at de-clogging mo, kung talagang sobrang tagal po at malakas ang buhos ng ulan,
01:44hindi po talaga kakayanin ng water system.
01:48Pati po yung mga tubig, water system na malapit sa mga areas na yun,
01:53eh talagang nag-overflow na po kasama po yung pag-over spill po ng Lamesa Dam
01:58at yung pag-alert level 3 po ng San Juan River po.
02:02May datos po tayo ma'am, ang ilang residente apektado ng mga pagbaha sa lungsod
02:06at ano po ang mga pinakakailangan nila ngayon, lalo na yung mga nasa evacuation center pa?
02:11Okay, as of 5 a.m. po, meron pa po tayong 5,282 families,
02:17totaling to 19,036 individuals na nasa evacuation centers pa rin po.
02:24At simula nung pumunta sila sa evacuation center,
02:27they were being served hot meals po, breakfast, lunch, and dinner.
02:31Meron din clean drinking water, may hygiene kits po na provided.
02:36Ang amin pong city health ay naka-standby po sa lahat ng evacuation centers,
02:42monitoring and assessing po ang physical and mental condition po ng mga evacuees,
02:48pati po ang city vet nandoon din po para din po ma-monitor ang conditions din po
02:54ng mga pets na kasama pong na rescue or nag-evacuate.
02:58Hindi naman po humihinto yung Quezon City Government under the leadership of Mayor Joy Belmonte
03:03para po maalagaan sila at ma-sure na safe po sila inside the evacuation centers.
03:09Nabanggit nyo po yung health, may mga lumulusong po sa baha, natural, hindi humaywasan.
03:13Meron po ba tayo enough supplies ng doxycycline?
03:16At di ba pang gamot sa inyong mga health centers?
03:18Yes po, lahat po ng health centers namin open since noong Saturday.
03:24Tapos lahat po ng evacuees na lumusong sa baha ay nabigyan po ng doxycycline
03:32at meron din po nabigyan ng antitetanus.
03:35Bago po namin bigyan ng doxycycline, meron po konting pagtuturo kung ano po yung effect nito
03:42at paano po ito inumin.
03:44At may mga vitamin A's din po na provided sa mga evacuees at other medicines
03:50and basic assistance po na kailangan nila.
03:53Ma'am, may mga weather disturbance pa po tayong binabantayan.
03:56Baka may mensahe po kayo sa ating mga kababayan.
03:59Please address the Q-Citizens. Go ahead.
04:02Sa mga Q-Citizens po, unang-una po, pakimonitor na lang po sa QCDRRMDFB page
04:08ang weather situation po natin.
04:10At pakiusap lang po sa mga residente na malapit po sa mga waterways,
04:17ilog, creek, na huwag po nating pabayaan o payagan ng ating mga anak na maglaro
04:22o lumangoy sa mga waterways po na ito dahil ito po ay delikado
04:27at maaring mag-cause ng aksident or pagkalunod.
04:31Dahil syempre pag malakas po ang ulan, malakas din ang agos ng tubig.
04:35Kaya iwasan po natin ito para hindi po sila rin magkasakit ng mga waterborne diseases
04:40like leptospirosis at iba pang mga kasakitan po.
04:44Ma'am Pitchie, maraming salamat. Ikat po kayo.
04:46Thank you, Ivan.
04:48Nakakausap po natin Pitchie de Leon, tagapagsalita ng Quezon City DRRMO.