00:00Magpapatupad ng bagong operating hours sa mga shopping malls sa Metro Manila simula November 16
00:05para maibsan ang pagsikip ng trapiko ngayong holiday season.
00:10Batay sa napagkasundoan ng MMDA at iba't ibang mall operators,
00:15magbubukas ang shopping malls mula alas 11 ng umaga hanggang alas 11 rin ng gabi simula November 16 hanggang December
00:2225.
00:23Inatasan din ang mga mall operators na limitahan ang kanilang delivery operations
00:28habang ililipat naman sa weekend ang mga mall wide sale.
00:32Ayon sa MMDA, bahagi ito ng kanilang hakbang para mapabilis ang daloy ng mga sasakyan
00:38particular sa mga lugar na nakapaligid sa mga shopping malls.