Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good evening, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:06Pinatutunton at pina-arresto na ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartates Jr.
00:13sa buong polisya, si Sen. Bato de la Rosa,
00:16sa visa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court o ICC.
00:22Pero panawagan ng PNP Chief kay de la Rosa, sumuko na lamang.
00:26Inihingi na rin ang Senador ng Red Notice mula sa Interpol.
00:30Nasa Pilipinas pa naman umano si de la Rosa,
00:33pero ayaw kumpirmahin ang polisya kung nasusundan nila ang mismong lokasyon nito.
00:38Nakatutok si Mariz Umali.
00:44Kasunod ng utos ng Department of Justice,
00:46We will implement the warrant of arrest.
00:48Agad na ang pinakikilos ni PNP Chief Jose Nartates Jr.
00:52ang kanilang puwersa para arestuin sa Sen. Ronald Bato de la Rosa.
00:56Lahat ng PNP units ay binigyan natin ng direktiba.
01:02Ang main manhunt natin, of course, is ang ating intelligence group
01:07as well as our criminal investigation and protection.
01:12Pero mas makabubuti pa rin daw ayon kay Nartates
01:15kung susuko na lang si Sen. de la Rosa sa kinauupulan.
01:18By all peaceful means, he will surrender, yield himself.
01:23Di mas maganda.
01:24Okay?
01:25Para mag-concentrate tayo sa iba pang wanted person.
01:28We have anupang, we have saltiko, we have pantag.
01:32Hindi ginong pirma ng CIDG kung nasusundan nila ang kinaroroonan
01:35o natatrack pa nila ang lokasyon ngayon ni de la Rosa
01:38dahil daw sa isang mahalagang bagay.
01:40The mindset of Sen. de la Rosa is the same as the mindset
01:45ng mga Pilipin National Police personnel na active ngayon.
01:49Okay.
01:50We must remember na dati siyang PNP officer.
01:54So, I'm sure.
01:55And from my expression, body language, and the way I answer,
02:03i-interpret niya yun.
02:05Understood.
02:06He's a good intelligence officer.
02:07Pero pagsisiguro nila.
02:09What I can say is, he is still inside the country.
02:12Binalaan din nila ang sino man tutulong o hahadlang sa pagpapatupad ng warrant
02:16na maaaring makasuhan ang obstruction of justice.
02:19Bukod sa utos na pagpapatupad sa warrant of arrest ng ICC,
02:23ang DOJ humiling na rin daw sa interpol ng red notice laban kay de la Rosa.
02:27Ayon kay CIDG Director Morico, oras na madakip nila sa Senador de la Rosa
02:32ay dadalhin nila ito sa CIDG at dadaan sa karaniwang booking procedure at medical examination
02:38bago i-turnover sa DOJ para sa mga susunod na hakbang.
02:42Maris Umali Nakatutok, 24 Oras
02:47Iginit ngayon ni Sen. Robin Padilla hindi niya itinakas kundi pinaangkasan niya sa kanyang sasakyan
02:54si Sen. Bato de la Rosa, paalis ng Senado noong Huwebes.
02:59Ang sabi pa niya, ibinaba niya si de la Rosa sa Makati at doon ito sinundo ng sariling sasakyan.
03:06Ang rutang kanilang tinahak, alam eh, sa pagtutok ni Ian Cruz.
03:13Ilang oras matapos magkaputukan sa Senado.
03:19Huling nakita sa Senado si Sen. Bato de la Rosa
03:22kasama si Sen. Robin Padilla habang palabas ng Senate Building.
03:27Pagkatapos, sumakay ang dalawang Senador sa sasakyan ni Padilla
03:30at lumabas sa parking ng Senado 2.32 ng madaling araw.
03:39Pero may nabanggit na clue sa isang pahayag ng opisina ni Padilla.
03:44Bumaba umano si de la Rosa sa Makati kung saan siya sinundo ng kanyang sasakyan.
03:49Hindi na umano tinanong ni Padilla kung saan ito pupunta.
03:52Hindi rin binanggit kung saan ito sa Makati.
03:55Pero ayon sa isa naming mapagkakatiwala ang source, dito nakarating ang sasakyan ni Padilla
04:00sa tapat ng isang gusali malapit sa kanto ng Ayala Avenue at HV de la Costa Street.
04:06Pero paano umabot sa Makati ang dalawang Senador?
04:10Ayon pa rin sa ating source, mula sa Senado ay tinahak muna ng SUV ni Padilla
04:15ang Jose Jocno Boulevard papuntang Edsa.
04:18Mula Edsa Makati naman ay kumaliwa ito sa Arnaiz Avenue
04:23hanggang marating sa kanto ng Ayala at de la Costa kung saan bumaba si de la Rosa.
04:28Bine-verify ka pa rin natin yan.
04:30Patuloy ang backtracking ng pulisya kung saan na napunta si de la Rosa
04:34para ma-arreso sa visa ng warrant ng International Criminal Court o ICC
04:39bilang co-perpetrator sa kasong Crimes Against Humanity.
04:44Inilabas din ang opisina ang ilang pahayag ni Padilla
04:47kabilang ang pagtangging hindi niya itinaka si de la Rosa dahil wala naman umanong warrant.
04:53Hindi anya siya nakatanggi nang sabihin ni de la Rosa ang sasabay siya
04:57lalo't walang sasakyan si de la Rosa dahil inihatid lang sa Senado
05:02ng sasakyan ni Senate President Alan Peter Cayetano.
05:06Ian Cruz nakatutok 24 oras.
05:09Huling araw na ng service contracting program para sa mga pampublikong sasakyan
05:14pero may mga chuper na hindi pa umano na babayaran.
05:18Nakatutok si Marisol Abduraman.
05:23Madaling araw pala, nakapila na ang mga jeepning ito sa monumento sa Kaloocan.
05:28Pagtupad nila ito bilang bahagi sa service contracting program ng gobyerno.
05:32Na huling araw na ngayon, ang usapan, magsasakay sila ng mga pasehero
05:37ng may 20% discount sa mga takdang ruta kapalit ng 30 piso kada kilometrong biyahe.
05:433,000 piso bayad sana yan para sa sampung ikot sa rutang may kabuang layo na isang daang kilometro.
05:49Ang kaso...
05:50Wala pa kasing bayad sa amin eh.
05:52Mag ano na, 20 days wala pang bayad sa amin.
05:57Alas lot kami dito sa Munoz SM Monumento.
06:03Opo, opo.
06:04Pakiusap po lang po, sana may bigay na yung bayad sa amin sa contracting
06:08para makinabang din naman kami.
06:11Wala pa po eh.
06:12Sabi eh, sansimper pa tao eh.
06:15Parang, parang marapo na ka.
06:17Eh, sana naman, mapibigyan kami eh, para makaroon naman kami eh.
06:23Tulong sana ang programa hindi lang sa mga driver,
06:25kundi sa mga pumipilan nalang para mag-commute sa gitna ng pagmahal ng petrolyo.
06:30Bukod sa traditional jeepney, lumahok din ang ilang modern jeepney,
06:34city bus at mga bumibiyahe sa busway.
06:36Ayon sa LTFRB, umabot sa 16,000-17,000 operator units ang nakinabang sa SCP.
06:44Umabot naman sa 23-24 million ang mga pasahero ang nabigyan ng diskwento sa ilalim ng nasabing programa.
06:52Nag-meet dito yung very reason or objective of having po itong SCP.
06:56Yes po, tama po yun na masaya ang operator, masaya ang pasahero.
07:02May mga operator na hindi po nagbigay ng 20%.
07:05Ang pinalit naman po namin sa kanila ay SHOPOS.
07:08Pinagpaliwanag po namin, sinuspindi rin po namin yung kanilang pag-SCP at the time of issuance of the SHOPOS.
07:17Pero walang malinaw na tugon kung kailan babayaran ang mga driver, maliban sa maaari silang dumulog sa Land Transportation and
07:25Franchising Board o LTFRB.
07:27Wala rin linaw kung palalawigin pa ang programa kung sakali, giit naman ni Bella, bayaran sa takdang panahon ang mga
07:34driver.
07:35Sa ngayon, tututok ang LTFRB sa ipinapatupad ng fuel subsidy na mas maraming umanong makikinabang.
07:41Mas pabor na rito ang ilang driver.
07:43Doon na lang ako sa fuel. Oo. Sisi, diesel yun eh. Sa driver talaga eh.
07:51Marisol Abduraman. Nakatuto, 24 oras.
07:55Bumisita sa Pilipinas ang higanting warship ng The Netherlands.
08:00Kasabayan ang pagdiriwang ng anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
08:05Pero habang naglalay ang Pamaynila, nilapitan umano ito ng helicopter ng Chinese Navy.
08:11Nakatutok si Von Aquino.
08:16Ito ang higanteng warship ng The Netherlands na His Netherlands Majesty's Ship Teruyter.
08:22Isa itong air defense and command frigate na may kapasidad para sa anti-submarine warfare, anti-surface warfare at anti
08:30-air warfare.
08:31Mayroon itong smart L radar na nakadedetect ng aircraft, stealth targets at ballistic missiles, mga missile launcher at close-in
08:39weapon system.
08:41Nakalapag sa barkong isang NH-90 helicopter.
08:44Bumisita ito sa Manila Port kasabay ng pagdiriwang ng ikapitumputlimang anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at the Netherlands.
08:53Na ikwento ng commander ng frigate ang paglapit sa kanila ng isang helicopter ng Chinese Navy habang naglalay ang Pamaynila.
09:00We were approached by a helicopter but that was really professional on both sides.
09:05They just came to see who we were and left again.
09:08They asked who we were and we replied and that was enough.
09:12Kaugnay sa mga ginagawa ng China laban sa mga barkong ng Pilipinas sa West Philippine Sea
09:17na nawagan ang Embahada ng Netherlands sa lahat ng partido na sumunod sa international law.
09:22Philippines and Netherlands are both partners in defending the international rule of law and especially the 2016 Arbitral Award.
09:32I think it is an essential part of the international law of the sea and we call upon all parties
09:41to abide by it.
09:42We are doing multiple port visits in this area and the main reason is to strengthen the ties between our
09:49two nations
09:49on the economic, diplomatic and security level to promote freedom of navigation and support the United Nations Convention on the
09:58Law of the Sea.
09:59Nang tanongin ng Netherlands Ambassador kung bukas sa paglagda ng isang visiting courses agreement ang the Netherlands.
10:05Stability and security in this region is also important for the Netherlands.
10:09That's why we are considering all options and I think the frigate visit is a first step.
10:14Mag-courtesicle sila sa kanilang counterparts sa Philippine Navy at magsasagawari ng interoperability activities.
10:22Von Aquino nakatutok, 24 oras.
10:26Nahaharap sa patong-patong na asunto si Reina Mercedes, Vice Mayor Harold Respicio,
10:34mula sa probinsya ng Isabela.
10:37Inareklamo siya ng reklamong inciting to sedition, rebellion, unlawful use of means of publication
10:43at unlawful utterances sa National Bureau of Investigation o NBI.
10:48Inihai.
10:50Inihai na mga yan ng Cybercrime Investigation Coordinating Center o CICC laban kay Respicio.
10:57Dahil yan sa mga posts online at pahayag ni Respicio sa isang pagtitipon
11:03na iniingganyo umano ang publiko na mag-rebelde sa gobyerno.
11:08Sabi ng NBI, pwede rin maharap sa disbarment si Respicio na isang abugado.
11:15Nakatakdang ipatawag ng NBI si Respicio kagunay sa mga aligasyon.
11:20Sinisika pa ng GMI News na kuna ng pahayag si Respicio.
Comments

Recommended