00:00Bago ngayong gabi, muling sumiklab ang sunog sa Malibay Pasay na idineklarang naapula na mag-aalas 8 kanina.
00:07Maygit isang daang pamilya ang naapektuhan ng sunog na malapit pa naman sa isang warehouse ng LPG.
00:13May report si Jamie Santos.
00:18Nagnangalit ang apoy na tumupok sa magkakadikit na bahay sa barangay 157, Apelo Cruz, Malibay Pasay City ngayong hapon.
00:25Sa looban, nagsimula ang sunog habang nasa likuran ng mga nasusunog na bahay ang isang warehouse ng LPG.
00:33Mahalagang maagapan ng apoy para hindi ito umabot sa imbaka ng LPG.
00:37Pero bukod sa masikipang lugar, nasa looban pa ang mga bahay na nasusunog.
00:42Kaya nahirapan ng mga bombero na makalapit at makapagposesyon ang kanilang mga firetrak.
00:48Hindi rin naging sapat ang tubig ng mga unang rumesponding firetrak.
00:51Kaya maging ang mga residente, nagtulong-tulong sa pagsalok at pagpapasahan ng mga timba ng tubig para makatulong sa pag
00:58-apula.
00:59Umabot sa ikatlong alarma ang sunog.
01:01Sa totoo lang po, nahirapan po ang ating mga kabumberohan kasama po ang ating mga fire volunteers.
01:06Dahil kita rin naman po natin na masikip po yung daan at medyo nasa gitna nga po itong area ng
01:10nangyari na sunog.
01:12Habang abala ang mga bombero sa pag-apula ng apoy, kanya-kanyang labas ng maisasalbang gamit ang mga residente.
01:18May nagsigawang bigla na. Sunog. At nalabas yan na may sunog.
01:24Tinatayang 25 na bahay ang natupok. Nasa 100 hanggang 150 families ang naapektuhan ayon sa kapitan ng barangay.
01:32Ang impormasyon nila hinggil sa pinagmula ng apoy.
01:35Mario daw, kandila. Nag-iikot kami ngayon para malaman namin kung kailan talaga.
01:43Iniimbestigahan pa ito ng Bureau of Fire Protection.
01:46Idineklarang fire out ang sunog ng 7.42 ng gabi.
01:49Walang naitalang nasaktan.
01:51Ang ilan sa mga nasunugan, pansamantala munang tumuloy sa katabing elementary school.
01:56Pinadalhan na sila ng tulong ng lokal na pamahalaan.
01:59Jamie Santos, GMA News.
02:01Música
02:03Música