00:00Inimbestigahan ng Bureau of Jail Management and Phenology o BJMP
00:04ang aligasyong nakalalabas ng kulungan si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:08Para pasinungalingan ang aligasyon,
00:11naglabas ang BJMP ng CCTV kung saan makikita
00:14nasa loob ng New Quezon City Jail Male Dormitory si Romualdez.
00:19May timestamp ito na 10.38 kaninang umaga
00:22at bahagi raw ng schedule ng pagpapaaraw at pag-exercise ni Romualdez.
00:27Batay sa kanilang CCTV verification,
00:30wala raw power interruption at tuloy-tuloy ang recording ng CCTV.
00:35Wala rin daw recorded movement na lumabas siya ng kulungan.
00:38Dagdag ng BJMP,
00:40kailangan ng court order para makalabas ang isang Person Deprived of Liberty o PDL.
00:45Tinitiyak din daw nilang pantay-pantay ang pagtrato sa lahat ng PDL
00:50at walang special treatment.
00:52Itinanggi rin ng Malacanang ang aligasyon.
00:54Anila huwag magkalat ng fake news
00:57na ikasisira ng reputasyon ng BJMP.