00:03Inuyog ng taong bayan ng isang lalaki sa Maynila na minartilyo sa ulo ang tatlong biktima, kabilang ang dalawang banyaga.
00:10Hindi lang makabayad sa utang ang suspect.
00:12My Spot Report, Jomera Presto.
00:18Nagtakbuhan ng mga residenteng nasa tapat ng isang bahay sa Visayan Avenue sa Sampaloc, Maynila, pasado alas 11 ng gabi
00:24nitong miyerkules.
00:26Maya-maya, isang lalaki ang kinaladkad palabas ng isang babae.
00:29Lumapit ang mga residenteng nagtakbuhan at kinuyog ang lalaking kinaladkad.
00:33Ang lalaking kinuyog, sospek sa tangkang pagpatay sa tatlong tao, kabilang ang dalawang foreign national ayon sa polisya.
00:41Ang sospek, kaibigan pa raw mismo ng isa sa mga biktima.
00:45Base sa investigasyon, inimbitahan ang 26-anyos na lalaking biktima na isang US citizen ang 20-anyos na sospek.
00:52Itong sospek po natin is nagkaroon po ng utang sa kapatid ng biktima natin.
00:58Ang pagkakala po namin is 100,000.
01:00Itong sospek po, nagalit po dahil hindi niya po maibigay yung utang sa biktima.
01:09Kumuha raw ng martilyo ang sospek at hinataw sa ulo ang dayuhang biktima.
01:13Nang palabas na sana ng kwarto ang sospek, naabutan naman ito ang 62-anyos na kasambahay ng biktima na nasa
01:19tapat ng pinto.
01:20Hinataw din niya ng martilyo sa ulo ang senior citizen na kasambahay.
01:24Sinubukan naman umawat ng 23-anyos na babaeng kapatid na dayuhang biktima, pero maging siya ay inatake rin ang sospek.
01:31Noong nagkaroon po ng komosyon po sa loob ng bahay, itong sospek po, pababa na po siya.
01:37Pero nagsigaw-sigaw po yung biktima na maglanakaw, maglanakaw.
01:43Kaya agad daw tumulong ang mga residente para hindi makatakas ang sospek.
01:46Ayon sa barangay, nakalabas na ng ospital ang kapatid na babae at ang senior citizen na kasambahay.
01:52Nasa ospital pa raw yung lalaki, yung napuruan.
01:57Walang problema yung pamilya na yan eh. Actually, they are very cooperative sa barangay.
02:02Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng mga biktima.
02:05Ang sospek, nasa custodial facility na ng MPD at tumanggi mo na magbigay ng pahayag.
02:10Maharap siya sa three counts ng frustrated murder.
02:13Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.
02:22Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.