00:00Inunan ng Commissioner Audit ang P459 billion pesos
00:04naalaga ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways
00:08noong 2024 hanggang 2025.
00:11Ang mga proyekto inaward daw sa mga kontraktor
00:14kahit kaduda-duda ang kapasidad ng mga ito na magpondo.
00:17May unang balita si Bob Gonzalez.
00:232025, nang magkaungkatan ukol sa mga flood control project,
00:27kabilang ang ilang ghost o mano o hindi naitayo pero idineklarang tapos na.
00:31Sa taong yan at sa naon ng taong 2024,
00:34may hiwalay na pagsusuri ang Commission on Audit.
00:38Pinunan nito ang P459 billion pesos na halaga
00:41ng mahigit 11,000 proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:48Inaward kasi ito sa mga kontraktor na kaduda-duda ang kapasidad
00:51magpondo ng mga proyekto.
00:53Una, di kumpleto ang mga isinumiting dokumento ng mga kontraktor
00:57kaunay ng mga ongoing nilang kontrata noon.
01:00Malituloy ang kompetasyon ng Net Financial Contracting Capacity o NFCC nila
01:05na basihan para makita kung pwede silang magbid sa proyekto.
01:09Sa pagkukwenta, dapat ibawa sa pwede pa nilang kuning proyekto
01:12ang halaga ng ongoing projects nila.
01:15198 na kontraktor ang di nasanan nabigyan ng dagdag na proyekto
01:19dahil di pa tapos ang una pero binigyan pa rin.
01:22Isa sa kanila, nakaapat na kontrata pa na 530 milyon pesos ang halaga
01:27kahit dapat 81.59 milyon pesos na lang ang pwede nitong kunin.
01:32Meron din isang kontrakto na nakakuha pa ng pitong proyektong
01:36lampas 1 bilyong piso ang halaga
01:38lagpas sa 189 milyon pesos na pwede nitong kunin.
01:42Base din sa audit report,
01:43pinakamaraming na award na kontrata sa mga bidder
01:46na kulang ang dokumento sa Ilocas Region, Northern Mindanao,
01:50Calabarzon, Cagayan Valley, at Central Luzon.
01:54Pinakamalaking halaga naman ang na-award ng mga kontrata sa Mimaropa
01:57na lampas 65 milyon pesos.
02:00Sabi naman daw ng DPWH,
02:03vinalidate din ang NFCC nila sa post-qualification stage.
02:06Hindi pa rin daw na-award ang mga proyektong ito
02:09ng mag-bid ang kontraktor,
02:10kaya hindi ito kinonsidera sa kumputasyon ng NFCC.
02:14Pero sagot ng kuwa,
02:15pwede namang i-review ng DPWH
02:17ang kwalifikasyon ng mga bidder
02:19sa kahit anong yugto ng procurement process.
02:22May impormasyon na rin aniya ang DPWH
02:24na nakakuha na ng ibang proyekto
02:26ang mga kontraktor na ito,
02:28kaya may basihan para tingnan nila ulit
02:30ang kapasidad nilang kumuha pa ng karagdagang proyekto.
02:34Sabi ngayon ni DPWH Sekretary Giovanni Lopez,
02:37ipinadala na nila ang findings ng kuwa
02:39sa mga implementing office para tugunan ito.
02:42Makikipagugnayan daw sila sa mga ito.
02:45Hinihingan din namin ang pahayag
02:46si nadating DPWH Secretaries Manny Bonoan at Vince Dizon
02:50pero wala pa silang tugun.
02:52Ito ang unang balita.
02:54Mav Gonzalez, GMA News.