00:00Sinimula na ang i-review ng Budget Subcommittee sa Kamara ang panukalang 7.2 trillion pesos na national budget para
00:07sa 2027.
00:08Kabilang sa mga inirekomenda nila ang mahigit 2 billion pesos na dagdag pondo para sa Department of Transportation.
00:14Yan ang unang balita ni Gabriel Gonzalez.
00:19Formal nang nag-convene ang Budget Amendments Review Subcommittee ng House Committee on Appropriations kahapon.
00:26Binubuo ito ng mga kinatawan ng iba't ibang parotido, party list coalition at minority bloc.
00:33Tinalakay nila ang mga hiling na pondo ng mga kagawaran at ahensya ng gobyerno.
00:38Kabilang sa mga sinuri, ang apat na line items ng Department of Transportation na walang pondo sa National Expenditure Program.
00:47Si Northern Summer 2nd District Representative Edwin Ong Chuan ang nag-rekomendang paglaanan ng pondo ang mga ito.
00:54Batay sa hiling ni Transportation Secretary Giovanni Lopez.
00:58Kabilang sa mga inirekomenda, 1 billion pesos na pondo para sa Fuel Transport Subsidive Program.
01:0575 million pesos para sa NCR Busway Program.
01:09At 500 million pesos para sa Service Contracting Program.
01:14774 million pesos naman ang inirekomendang pondo para sa iba't ibang locally funded projects ng DOTR.
01:21I just want to clarify also that though zero po siya sa NEP, may existing requests naman talaga from the
01:28agencies na, just for transparency purposes.
01:32Ayon kay Barsi Chairperson Mika Swansing, nagulat sila na walang pondo sa NEP ang mga ito.
01:38Partikular ang Fuel Subsidy Program, lalo't may kinakaharap na krisis sa langisang bansa.
01:44Dagdag pa niya, hindi na galawang pondo para sa Fuel Subsidy Program noong 2024 at 2025, pero nakonsumo ito noong
01:53sumiklab ang tensyon sa gitnang silangan.
01:56Nagulat po tayong lahat na zero siya sa NEP given that the previous allocation was totally wiped out because of
02:05the Middle East crisis.
02:06So kung hindi po natin nalagyan ngayon dito po sa Barsi, as in wala po talagang pondo for Service Contracting,
02:13walang pondo for the EDSA Busway, walang pondo para sa Fuel Transport Subsidy.
02:19Sa kabuan, mahigit 2.3 billion pesos ang karagdagang pondo ang inirekomenda ng Barsi para sa DOTR.
02:27Batay sa 2027 NEP, mahigit 300 billion pesos ang budget ng DOTR, na mas mataas sa budget nito noong 2026,
02:36na mahigit 197 billion pesos.
02:39Tukoy na ng Barsi ang mga programang posibleng matapyesan ng pondo para mapondohan ang mga line item na inamiendahan nila.
02:47Yung mga mababa po, yung utilization, yung slow moving po ng mga programa, yun po yung titignan natin na basihan.
02:56Ang budget po kasi ay isang zero-sum game, para mapondohan yung ibang items, kailangan po tanggalin, bawasan po yung
03:05pondo na ibang mga items.
03:07Tiniyak din ang Barsi na transparent ang budget process at walang pondong mapupunta sa katiwalian o anomalia.
03:13Ito ang unang balita. Gabriel Gonzalez, GMA News.