00:00Pinuna ng Commission on Audit ang may git-4 na rang bilyong pisong halaga ng mga proyekto ng Department of
00:05Public Works and Airways.
00:07Inawan kasi ang mga ito sa mga contractor, nakaduda-duda umano ang kapasidad na magpondo ng proyekto.
00:13Nakatutok si Ma'am Gonzalez.
00:192025, nang magkaungkatan ukol sa mga flood control project,
00:23kabilang ang ilang ghost umano o hindi naitayo pero idineklarang tapos na.
00:27Sa taong yan at sa naon ng taong 2024, may hiwalay na pagsusuri ang Commission on Audit.
00:33Pinuna nito ang 459 billion pesos na halaga ng mahigit labing isang libong proyekto ng Department of Public Works and
00:41Airways o DPWH.
00:43Inaward kasi ito sa mga contractor, nakaduda-duda ang kapasidad magpondo ng mga proyekto.
00:49Una, di kumpleto ang mga isinumiting dokumento ng mga contractor kaunay ng mga ongoing nilang kontrata noon.
00:55Malituloy ang kompetasyon ng Net Financial Contracting Capacity o NFCC nila na basihan para makita kung pwede silang magbid sa
01:03proyekto.
01:04Sa pagkukwenta, dapat ibawa sa pwede pa nilang kuning proyekto ang halaga ng ongoing projects nila.
01:11198 na kontraktor ang di na sana nabigyan ng dagdag na proyekto dahil di pa tapos ang una pero binigyan
01:17pa rin.
01:18Isa sa kanila, nakaapat na kontrata pa na 530 million pesos ang halaga kahit dapat 81.59 million pesos na
01:26lang ang pwede nitong kunin.
01:28Meron din isang kontrakto na nakakuha pa ng 7 proyektong lampas 1 bilyong piso ang halaga,
01:33lagpas sa 189 million pesos na pwede nitong kunin.
01:38Base rin sa audit report, pinakamaraming na-award na kontrata sa mga bidder na kulang ang dokumento sa Ilocas Region,
01:44Northern Mindanao, Calabarzon, Cagayan Valley at Central Luzon.
01:49Pinakamalaking halaga naman ang na-award ng mga kontrata sa Mimaropa na lampas 65 billion pesos.
01:56Sabi naman daw ng DPWH, vinalidate din ang NFCC nila sa post-qualification stage.
02:02Hindi pa rin daw na-award ang mga proyektong ito nang mag-bid ang kontraktor,
02:06kaya hindi ito kinonsidera sa komputasyon ng NFCC.
02:09Pero sagot ng kuwa, pwede namang i-review ng DPWH ang kwalifikasyon ng mga bidder
02:15sa kahit anong yugto ng procurement process.
02:17May impormasyon na rin aniya ang DPWH na nakakuha na ng ibang proyekto ang mga kontraktor na ito,
02:24kaya may basihan para tingnan nila ulit ang kapasidad nilang kumuha pa ng karagdagang proyekto.
02:29Sabi ngayon ni DPWH Secretary Giovanni Lopez,
02:33ipinadala na nila ang findings ng kuwa sa mga implementing office para tugunan ito.
02:38Makikipagugnayan daw sila sa mga ito.
02:40Hinihingan din namin ang pahayag sinadating DPWH Secretaries Manny Bonoan at Vince Tizon,
02:45pero wala pa silang tugun.
02:48Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments