00:00Inabutan ng isa na namang State of the Nation address o SONA
00:03ang pagpapanagot sa mga sangkot sa flood control scam
00:07na unang binanggit ng Pangulo noong 2025.
00:10May 45 namang nakasuhan na,
00:13pero nasaan na ang estado ng paghahabol sa mga sangkot?
00:17Alamin sa pagtutok ni Joseph Moro.
00:22Isang taon na ang nakalipas mula noong huli akong tumayo rito
00:26upang ilantad ang katiwalian na nadeskubwi namin sa mga flood control project.
00:33Gaya ng aking ipinangako sa inyo,
00:36nagsagawa tayo ng malawakan at malalimang investigasyon
00:40na walang pagkikiling kahit kaninuman.
00:44Yan ang sabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA kahapon.
00:47Pero ano na nga ba ang estado ngayon ng mga kaso kaugnay ng flood control scandal?
00:53Tinignan namin ang GMA News Research
00:55kung ilang mga mambabatas, kontraktor at mga individual
00:58ang nakakasuhan na kaugnay ng mga maanumalyang flood control projects
01:03at lumabas na maliit na bahaglan pa lamang nito
01:05kumpara sa mga nabanggit na mga pangalan noon.
01:08Kahit ang ombudsman aminado na maliit na porsyento pa lamang
01:12ang nakakasuhan nila.
01:13Unang kinasuhan si dating Congressman Saldico
01:16pati-direktor ng Department of Public Works and Highways
01:18o DPWH Memoropa
01:20at siyam na iba pa at mga opisyal ng SONLIS Corporation.
01:24Simula noon ay apatnaputlimang individual ang kinasuhan,
01:29gayon din ang dalawa lamang sa labing limang kontraktor
01:31na pinangalanan ng Pangulo na Sangko sa flood control scam.
01:36Apat na batch ng kaso o nasa Sandigan Bayan
01:38labang kinadating Sen. Bong Revilla,
01:40Sen. Jingoy Estrada,
01:42dating Congressman Saldico
01:43at Uswag Ilonggo Parties Representative James Jojo Ang.
01:48Dalawang batch ng mga kaso ang nililiti sa Regional Trial Court
01:51sa Cebu at Malolos,
01:52laban sa mag-asawang Sara at Curly Diskaya at iba pa.
01:56Sa 33 kinasuhan DPWH official naman,
01:59pinakamataas sana si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
02:03Pero pinauurong ng ombudsman ng kaso laban sa kanya
02:06para gawin siyang state witness.
02:09State witness na si na dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
02:13dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara,
02:16dating DPWH NCR Regional Director Gerardo Polencia
02:19at SYMS contractor Sally Santos.
02:22It's a very small percentage pa lang.
02:25Pero hindi naman kami tumitigil.
02:26We're doing this every day.
02:28Para sa isang public governance expert,
02:30mabuti ng hindi nagpapadalos-dalos sa pagkakaso.
02:33Kung talagang gusto nating seryosong makasuhan yung mga tao,
02:37dapat very meticulous yung pagkikase build up against them.
02:42Given the reality of this case,
02:45it involved several agencies.
02:48Dahil bali wala naman Ani ang kaso kung hindi matibay
02:51para may mapanagot.
02:53Critical stage dyan yung
02:55maibabalik ba?
02:57Maibabalik ba yung pera?
02:59Binanggit kahapon ni Presidente,
03:0125 billion yung assets and funds
03:06that are recovered, frozen, legally secured, etc.
03:11Pero 800 million pa lang yung nasa treasury.
03:15So, 800 million and 25 billion.
03:18Joseph Morong, nakatutok 24 oras.