00:00Sa Metro Manila naman, pabugsubugsong pag-ulan ang naranasan simula pa kaninang madaling araw.
00:06Sa Las Piñas, gutter deep na baha ang naranasan sa isang kalsada na nagpabagal sa daloy ng trapiko.
00:12Humupa rin daw yan matapos ang 30 minuto.
00:15Sa Quezon City, malakas na buhos ng ulan ang naranasan sa ilang kalsada na nagpahirap sa biyahe ng mga pasahero.
00:22Ilang bahagi rin po ang halos mag-zero visibility na dahil sa lakas ng ulan.
00:27Wala namang naitalang pagbaha sa ilang kalsada sa Maynila kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
00:33Hanging habagat pa rin po ang nagdudulot ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon.