00:03RDRMC Emergency Operations Center
00:57RDRMC Emergency Operations Center
01:00Nang ready-to-eat food boxes sa nasa mahigit isang daang pamilyang lumikas mula sa barangay Anoling sa Kamalig Albay
01:06dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
01:09Agad ding nag-deploy ang DSWD ng Social Welfare and Development o SWAD Team at Disaster Response Management Division para
01:17magsagawa ng profiling at matukoy ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
01:22Agarang nagpakilos ng mga emergency response operations ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan kasunod ng moderately explosive eruption ng Bulkan
01:31Mayon at pagtaas ng Alert Level 3.
01:34Iniutos ng pamahalang panlalawigan ng Albay ang mandatory evacuation sa mga residenteng nasa loob pa rin ng 6km Permanent Danger
01:42Zone.
01:42Naghahanda naman ang DSWD ng food packs at inuming tubig habang namahagi ang Provincial Health Office ng libo-libong face
01:50mask at itinaas sa Code Blue ang alert status nito para palakasin ang servisyong pangkalusugan.
01:56Nagsagawa ng flashing operations ang Bureau of Fire Protection sa bayan ng Ginobatan, Albay para linisin ang mga naipong abo
02:03kasunod ng pagputok ng Bulkan Mayon.
02:05Layunin ang operasyon na alisin ang mga abo sa mga kalsada at iba pang apektadong lugar para matiyak ang kalinisan
02:12at kaligtasan ng mga residente.
02:14Nag-deploy ang Philippine Red Cross o PRC ng mga tauhan para tumulong sa paglikas ng mga residente at mamahagi
02:22ng face mask kasunod ng pagtaas Alert Level 3 ng Bulkan Mayon.
02:26Hinimok din ng PRC ang mga residenteng nasa loob ng 6km Danger Zone na sumunod sa mga babala ng otoridad.
02:34Maghanda ng mahahalagang gamit at umiwas sa mga ipinagbabawal na lugar.
02:39Floyd Brenns, Para sa Bayan.