Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pwede na muling daanan ang ilang bahagi ng busway na isinarak ang makailan para sa Phase 2 ng EDSA Rehabilitation.
00:06Nag-inspeksyon doon kanina ang Department of Public Works and Highways at Department of Transportation.
00:11May unang balita live si EJ Gomez.
00:14EJ!
00:19Egan, good morning.
00:20Binuksan na nga ngayong umaga sa mga motorista yung bahagi ng busway.
00:27Ay mula yan sa southbound lane ng Mega Q Mart Bus Station patungo sa EDSA Kamuning Flyover hanggang dito sa
00:34Guadalupe.
00:35Kasunod yan ng ginawang re-blocking works ng DPWH at DOTR nitong long weekend na bahagi ng Phase 2 EDSA
00:45Rehabilitation ng Pamahalaan.
00:50Nag-inspeksyon kaninang alas 4 ng badaling araw ang Department of Public Works and Highways
00:56at Department of Transportation sa Boning Avenue hanggang Guadalupe na parte ng Phase 2 ng EDSA Rehabilitation.
01:03Naroon si na DPWH Secretary Giovanni Banoy Lopez, DOTR Secretary Vince Dizon,
01:08Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano at iba pang opisyal na mga ahensya.
01:14Sinamantala raw ng DPWH at DOTR ang long weekend para sa patuloy na Phase 2 EDSA Rehabilitation.
01:20May isinagawang re-blocking work sa southbound lane, partikular sa bahagi mula Mega Q Mart Bus Station paglampas ng EDSA
01:27Kamuning Flyover hanggang Guadalupe.
01:30Nagkaroon ng breaking of pavement at hauling of debris, base preparation, installation of rebars and concrete pouring operations.
01:38Meron ding isinagawang cutting, sealant application, curing and housekeeping activities.
01:43Kailangan talagang ayusin mula sa ilalim para kapag i-asphaltohin po ito, mas suwabe ho at hindi po talagang mababagsak
01:52yung asphalto natin.
01:53May ginagamit din silang technology ngayon, yung sinasabi nila one day cement lang daw, yung one day curing at matibay
02:00naman talaga.
02:01Nagkaroon ng pansamantalang lane closure sa mga apektadong lugar para bigyang daan ng pagkukumpuni.
02:06At kaninang pasado alas 5 ng madaling araw, binuksan na muli ang dalawang lane ng busway.
02:12Pagkatapos ng re-blocking, gagawan pa ng aayusin pa ito, i-asphalto pa ito para makinis.
02:18I-open namin yung busway sa private vehicles.
02:22So habang hindi pa natatapos mula NEPA Q Mart hanggang dito sa Boni, makakadaan ang private vehicles dito.
02:31Mga dalawang linggo siguro yan.
02:32Samantala, nagkaroon din ang retrofitting ng Santolog Bridge flyover sa C5 sa Pasig na sinimula noong October 30.
02:39Sinamantala po namin yung panahon ng undas.
02:42At talagang minadali namin mamayang gabi, yung northbound magbubukas na po ng 8pm.
02:49Tapos yung southbound naman magbubukas na ngaroon 4am bukas.
02:55Talagang inahabol namin yung pabalik ng mga motorista galing probinsya.
02:59Bubuksan na rin mamayang gabi sa mga motorista ang C5 Boni Serrano flyover kasunod ng repair works dito.
03:06Ininspeksyon din kanina ang Guadalupe Edsa busway station na nagkaroon ng extension para sa mas maluwag at maaliwalas na waiting
03:13area para sa mga commuter.
03:19Igan, ayon pa sa DPWH at DOTR, kasunod ng ginawang re-blocking works ay mas matibay na raw ang structural
03:26integrity ng mga inayos ng kalsada
03:29at hindi na raw magbabaha na posibleng namang magpaibsan ng mabigat na daloy ng trafico dito sa Edsa.
03:35At pakita natin very quickly itong sinasabing extension dito sa Guadalupe bus station.
03:41Itong dating waiting area ng mga tao, ayan yung nasa likod, nakikita natin may bubong, yung may orasan.
03:48Yan lang yung sukat niya dati, na nasa less than 2 meters pero ito na, yung lawak naman ngayon.
03:54Ang sukat niyan, nasa 4.5 meters na.
03:58At ito, nakikita naman natin, meron ng basurahan, may booth para dun sa mga staff na mag-monitor ng lugar.
04:05At ito, nandito nakalagay yung bus fare dito yan sa station.
04:12Ayan, pinapakita nila yung mga announcement, yung before and after na ginawang repair works.
04:16At ayon pa sa DOTR, dahil papunta na tayo sa pagtatapos ng taon at holiday season,
04:23simula ngayong araw, inanunsyo nila na magdadagdag sila ng tatlong bagon ng trends dyan sa MRT
04:30na posibleng magpaangat ng kanilang daily passenger capacity up to 6,000.
04:35At handa rin daw silang magdadag pa sa susunod na buwan at gayon din ng mga bus dito sa Edsa
04:42busway.
04:43At very quickly rin, pakita natin ang daloy ng trafico dito yan sa northbound lane sa May Guadalupe, sa Makati.
04:49Ayan, nakikita nyo naman, onti pa lang ang mga sasakyan, dere-derecho at hindi pa mabigat.
04:56Ganyan din ang sitwasyon dito sa southbound lane.
05:00At yan, ang unang balita mula po rito sa Guadalupe, sa Makati.
05:04EJ Gomez, GMA News.
05:07Ganyan din ang mga sasakyan, dere-derecho at hindi pa mabigat.

Recommended