00:00Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Bakuol Cavite ang Pet Crematorium kung saan galing umano ang 25 alagang hayop na
00:07itinapon sa Bulacan.
00:09Lumalabas po sa embisigasyon na hindi saklaw ng business permit nito ang cremation ng mga hayop.
00:15Nakatutok si Von Aquino.
00:25Masakit para sa firm mom na si Melancholy ang pagpanaw ng kanyang asong si Ivy nitong October 23.
00:32Kasama ang asong si Ivy sa 22 aso at tatlong pusa na natagpwang itinapon sa bakanteng lote sa San Jose
00:40del Monte, Bulacan.
00:41Ayon kay Melancholy, gumasto siya ng mahigit 10,000 pesos para sa burol at cremation ng alaga sa isang crematorium
00:50sa Bakuol Cavite.
01:11Masasama-sama kami ng mga fair parents.
01:16May ikipag-ugnayan ako sa lahat para makasuwang kayo.
01:20Dinala rin daw ni Rose Ann sa parehong crematorium ang kanyang alagang si Brandon na kasama sa mga natagpuan sa
01:27Bulacan.
01:28Nauna na siyang naghahain ang mga reklamong estafa at paglabag sa Animal Welfare Act sa Bakuol Police laban sa may
01:35-ari ng crematorium.
01:36May mga fair parents na nagtunguroon para i-claim ang labi ng mga alaga.
01:41Kagabi, pinulong ng Bakuol LGU mahigit 30 pet owners kasama ang may-ari ng pet crematorium.
01:48Ipinasara na rin ng LGU ang crematorium at sinuspinde ang business permit nito.
01:54Ayon sa Bakuol LGU, walang naipakitang CCTV footage o sapat na dokumentasyon ng crematorium na magpapatunay sa isinagawang cremation.
02:04Hindi saklaw ng business permit nito ang cremation sa mga hayop.
02:08Hindi rin daw tiyak kung ang mga abo na naibalik sa pet owners ay mula sa kanilang mga alaga.
02:14Kaya sabi ng Bakuol Police, posibleng sampahan ng reklamong estafa may-ari ng crematorium kung mapatunayang niloko ang mga pet
02:22owner.
02:24Iniimbestigahan din ng San Jose del Monte Police ang insidente at tinitrace ang sasakyang nagbagsak ng mga hayop.
02:30Posibleng maharap sa reklamong paglabag sa ordinansa ng San Jose del Monte City na nagbabawal sa pagtatapo ng mga patay
02:37na hayop sa public at open spaces, private properties at mga daluyan ng tubig.
02:42Sinusubukan pa naming hinga ng pahayag ang nasabing crematorium.
02:46Von Aquino na Katutok, 24 Oras.