Skip to playerSkip to main content
Mistulang ghost town ang dinarayong beach destination na Liwliwa sa Zambales. Ang mga resort doon, sarado muna matapos lamunin ng dagat ang dalampasigan at napinsala pa sa pag-uulan nitong habagat.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Miss Tulang Ghost Town, ang dinarayong beach destination na Liuliwa sa Zambales.
00:05Ang mga resort doon, sarado muna matapos lambunin ang dagat ang dalampasigan at napinsala pa sa pag-uulan nitong habaga.
00:12At mula sa San Felipe, Zambales, sa Katutok Live, si EJ Gomez.
00:17EJ.
00:20Ivan, malaking bahagi ng beachfront sa ilang parangay sa Liuliwa, Zambales,
00:25ang na-wash-out ng malakas na hampas ng alon dulot ng patuloy na pag-uulan.
00:30Ilang beach resort, ang ilang buwan nang hindi nakakapag-operate, o yan e dalawang buwan na yung karamihan sa kanila.
00:36Dahil yan, sa lablubha o laki ng pinsalang tinamun nila.
00:44Sa lakas ng hampas ng alon mula sa dagat, patumos sa beachfront sa Liuliwa sa San Felipe, Zambales,
00:51nasira ang ilang resorts at establishmento.
00:54May mga gumuhong istruktura matapos ma-wash-out ng dagat.
00:58Na-wash-out din ang malaking bahagi ng lupa sa ilang kalsada sa barangay Santo Niño,
01:04kung saan naroon ang hilera ng mga beach resort.
01:07Nasira rin ang bahagi ng lumang dike na ito.
01:10Pangaban ng mga residente, posibli itong magpalubog sa lugar kung tuluyang gumuho.
01:16Ang mismong village na ito ng mga resort, nagmistulang ghost town.
01:21Karamihan sa mga negosyo, dalawang buwan ng sarado dahil sa pinsala.
01:26Kami ma'am talagang masyado po kami nabahala kasi lalong-lalo na po eh medyo malapit na po sa amin
01:34yung dagat.
01:35Rain or shine, open naman kami ma'am.
01:37Pero ganito po yung sitwasyon ngayon, medyo nabawasan po yung mga customers po namin.
01:42Walang humpay ang malakas na ulan, kaya ilang lugar ang baha pa rin.
01:46Ang bakanting loting ito, nagmistulang ilog na dahil sa napondong ulan.
01:52Dito sa Old Liwliwa, ang mga kalsada lubog sa baha.
01:56Ito yung mga kalsada na kailangan lakari ng mga guests o kaya mga residente na empleyado sa iba't ibang establishmento
02:02o beach resort.
02:03Dito lang sa aking likuran, na kapag nilakad, eh doon na sa dulo yung beach front.
02:10Kahit palumusong sa baha, ang magkakaibigan ito ng first time daw sa Liwliwa, itinuloy pa rin ang bakasyon.
02:17Hindi na namin ma-postpone yung leave namin, nakapayal na siya matagal na.
02:20So tinuloy na namin. Celebrate sana namin ngayon yung birthday ko.
02:24Malakas ang alon, so hindi kami nakapag-swimming na rin.
02:27Nasira rin ang ilang bahagi ng dike sa may Santo Tomas River, dulot ng habagat.
02:32Ayon sa LGU, tumaas ang level ng tubig sa ilog dahil sa ragasan ng tubig mula sa mga karatig bayan.
02:40Apektado rin sila ng pagragasan ng lahar sa barangay Santa Fe sa San Marcelino.
02:45Hindi lang yung rainfall. Pag bumababa itong tubig namin, may mga kasamang sediments ito, silt, lahar.
02:54Considering that, medyo mabigat ang agos ng tubig.
02:58At itong mga dikes namin na may mga damage sa baba.
03:02Katulad doon sa dulo, makita nyo may tinambak na kami doon ng mga ripable rock na tinatawag
03:08just to prevent yung ma-aggravate yung damage.
03:16Ivan, wala namang baha dito sa aming kinaroroonan.
03:19Malapit yan doon sa munisipyo, dito lang sa aking likuran.
03:22At ang ulan, wala na din naman sa nakalipas na dalawang oras.
03:26At yung abon, e pabalik-balik lang.
03:28Yan ang latest mula rito sa San Felipe sa Zambales.
03:32Ivan?
03:33Maraming salamat, EJ Gomez.

Recommended