Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 16, 2026


-3 tonelada ng chicken galantina at mishandled frozen meat, nasabat; 18 stall owners, inisyuhan ng confiscation receipt

-Mainit na panahong dulot ng El Niño, dagdag-pahirap sa mga commuter at sa mga nagtatrabaho sa kalsada

-NBI. Dir. Matibag: Hindi ang Casas Con Vistas Resort ang tinutukoy na property ni Rep. Duterte kundi ang katabi nito /NBI, ipinakita ang iba pang iniimbestigahan nilang property na iniuugnay kay VP Duterte

-Peso-Dollar exchange rate: $1 = P63.06 / Economist Emmanuel Leyco: Paghina ng Piso kontra-dolyar, nakakatulong sa export industry at turismo pero nakasasama sa mga importer / Economist Leyco: Posible pang bumagal ang paglago ng ekonomiya habang nananatiling mahal ang mga bilihin

-Mga grupong lalahok sa Street Dance and Arena competition sa Masskara Festival, todo na ang paghahanda/ Ilang kalsada sa Bacolod City, isasara para sa Masskara Festival

-PCG at BFAR, sanib-puwersa para palakasin ang pagbabantay sa mga panuntunan sa pangingisda at paggamit ng yamang dagat


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).




For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:09Transcription by CastingWords
00:31Transcription by CastingWords
01:07Transcription by CastingWords
01:36Transcription by CastingWords
02:02Transcription by CastingWords
02:06Transcription by CastingWords
02:12Sa loob ng palengke, inabutan naman ang mga frozen meat na nakatiwangwang sa mga tray, kahit pa may freezer ang
02:18pwesto. Alam naman daw na nagtitinda na bawal ito.
02:21Dapat talaga nga sa freezer. Kaso marami naman kasing gumagawa niya na nasa labas, ngayon lang hindi na tinago. Ngayon
02:28lang na tiyan po.
02:28Sa isa pang pwesto, nasa lapag naman ang mga kahon ng frozen meat. Paliwanag na nagtitinda.
02:34Makarating lang kaya andyan yun sa abo pa. Kasi nakaayosin naman namin yan sa amin. Kaya dumating sila bigla.
02:43Pero alam mo bawal yun?
02:45Bawal talaga yun. Alam ko na.
02:46May ibang stall owners naman na sumusunod at nakalagay sa mga freezer ang frozen meat. Pasok yan sa guidelines na
02:53itinakda ng NMIS.
02:54Ang frozen meat natin sa meat markets, dapat po control temperature siya.
02:59Mahigit at tuntunilada ng chicken galantina at mishanded frozen meat, ang nasabat ng mga otoridad.
03:04Nagkakalaga ito ng mahigit 634,000 peso sa kabuuan.
03:08Labing walong stall owners ang inisyo ng confiscation receipt. Babala ng NMIS.
03:13Sa susunod ay sasampanan nila na reklamong paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines ang mga mahuhuli.
03:19Sabi ng lokal na pamahalaan, hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga nagtitinda.
03:23Lagi po natin sinasabihan sila, pinaalalahanan, pinadadalahan din po natin sila ng sulat sa proper handling po.
03:30Hindi po sumusunod pero patuloy pa rin po kami kasi nga po may guidelines sa ating NMIS.
03:36Paalala ng NMIS sa mga consumer, maging mapanuri sa mga binibiling karne.
03:40May bantaraw kasi sa kalusugan ng mga hot meat.
03:43Pag hindi dumaan sa pagsusuri inspections, pwede po may makakain ng kontamidado na karne.
03:51Particular rin sa alam naman natin yung manok, common yung mga salmonela.
03:55Pwede po siya magkaroon ng food poisoning.
04:02Sa matalagigan, dadalin sa isang rendering facility yung mga nasabat na karne para ma-i-dispose.
04:08Mas payiktingin naman daw ng lokal na pamahalaan, yung pagpapatupad doon sa mga guidelines ng NMIS,
04:14kaugnay doon sa frozen meat at mga chicken galantina.
04:17Yung manilitas mula po rito sa Malolos, Bulacan.
04:20James Agustin, GMA News.
04:24Ngayon, napakainit ng panahon. Dagdag pahirap yan sa mga commuter at sa mga nagtatrabaho sa kalsada.
04:29Mula sa Quezon City, may unang balita live si Jomer Apresto.
04:33Jomer, paano ang ginagawa nila para maibsan yan?
04:38Maris, good morning. Ramdam na ng ilang pasahero dito sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ang init na dala ng
04:45El Niño.
04:47Madaling araw pa lang, napakarami na ng mga pasahero ang nag-aabang na masasakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
04:53Halos araw-araw ng araw ganito ang sitwasyon dito.
04:56Dagdag na pahirap sa mga commuter ang mainit na panahon tulot ng El Niño.
05:00Si Nelly Revedizo, na pagwawalis sa kalsada ang trabaho, umiinom daw ng maraming tubig at nagsusot ng sombrero para makasurvive
05:07sa araw-araw na duty sa kalsada.
05:09Pagka-uwi sa bahay, agad din siyang naglilinis ng katawan at nagpapalit ng damit.
05:13Ang motorcycle taxi rider naman na si Roel Abuyuan, tubig din ang pananga sa matinding init.
05:18Sumisilong din daw muna siya kapag talagang hindi na kaya ang init.
05:22Ang ilang pasahero naman, may baon na water tumbler na mayroong yelo o kaya'y portable fan.
05:28Una nang sinabi ng Department of Science and Technology o DOST na nagsimula ng El Niño nitong Setiembre.
05:33Mas lalakas pa raw ito sa very strong El Niño hanggang Disyempre at aabot sa unang bahagi ng susunod na
05:39taon.
05:39Ayon naman sa Climate Change Commission, posibleng pumalo sa 45 degrees Celsius o higit pa ang matinding init sa ilang
05:45bahagi ng bansa dahil sa banta ng Super El Niño sa 2026.
05:49Kasabay nito, maaari raw maging kaunti ang ulan at maging extreme ang weather conditions na maaaring maka-apekto sa supply
05:55ng tubig, pagkain at enerhiya.
05:57Gayon din sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.
06:03Tubig lang, tapos ano, sobrero, mas.
06:08Tubig lang ng tubig.
06:10Siyang siyang siyang ilaw, tapos inom lang maraming tubig.
06:13Dahil sa akin, saklong litro yung bahawang araw-araw.
06:19Maris, may mga nakita tayo kaninang libing sakay mula sa QCLGU na nakatutulong kahit papano para mabawasan ang maraming pasahero
06:29na nag-aabang ng masasakyan dito sa Commonwealth Avenue.
06:32At yan ang unang balitan mula rito.
06:34Ako si Jomara Presto, GMA News.
06:37Nilinaw ng National Bureau of Investigation hindi ang resort na Casas Convistas at tinutukoy nilang property umano ni Davao City
06:44First District Representative Pulong Duterte, kundi ang katabi nito.
06:49I-investigahan din ang NBI ang iba pang property umano ng pamilya Duterte.
06:53May unang balita si John Consuta.
07:00Matapos ilabas ng NBI ang drone video ng isang resort na ayon sa ahensya ay konektado kay Davao City Representative
07:08Paulo Duterte,
07:09nag-post ang resort sa Samal Island na Casas Convistas na wala silang kaugnayan kay Congressman Duterte taliwas sa mga
07:16kumakalat online.
07:17Gate ng resort, mga pribadong individual at hindi elected officials ang may-ari ng establishmento.
07:24Iginiit nito na maaari silang magkaroon ng aksyong legal laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanilang resort.
07:31Nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag na hindi ang Casas Convistas ang tinutukoy nilang property na pag-aari umano ni
07:39Congressman Duterte.
07:40Katabi lang daw nito ang Casas Convistas.
07:43Sa litratong ipinakita ng NBI, may layong mayigit 90 meters ang resort sa aktual na sinasabing property ng kongresista.
07:51Patunay raw dito ang Tagalog subtitle ng pag-uusap ng kanilang agent at kausap ng residente sa Samal Island.
07:58Hindi kailangan mag-statement ng Casas Convistas dahil hindi naman sila yung sinasabi.
08:04Hindi sila yung binabanggit, katabi sila.
08:06Ang imbisigasyong ito ng NBI, kaugnay ng hindi umano tamang pagdiklera ni Vice President Sara Duterte sa kanyang Statement of
08:13Assets and Liabilities and Net Worth.
08:16Ipinakita rin ni Matibag ang karagdagan pa mga property na kanila raw iniimbisigahan.
08:20Kabilang ang Prime Bistro sa Davao City na may acquisition cost na 10 million at may assess value na 5
08:27.7 million hanggang 9 million pesos.
08:29Sunod na'y pinakita ang barangay Don Bosco Prañaque property sa Metro Manila na ang nakasulat sa fair market value
08:36sa Salen ay 240,000 pesos at gusali na may git 400,000, acquisition cost na 2.2 million pesos.
08:44Pero ayon sa NBI, may assess value ito na 36 million hanggang 43.2 million.
08:50Meron din umanong limang lote sa Andunao, Samal na may assess value na 9.75 million hanggang 19.5 million
08:57pesos.
08:59Pinakadiklara po sa Andilang Salen. Pinuntahan na nga po eh, yung description yun mismo yung lumalabas, diniyutag yun talaga eh.
09:06So parang ang hirap naman po na kukontrahin natin kung ano yung nakalagay sa TCT.
09:12Sinusibukan namin kunin ang palig ni VP Sara, pero nauna na niyang sinabi na hindi sa kanya ang properties na
09:18ipinakita ni Director Matibag.
09:20Ito ang unang balita, John Consulta, GMA News.
09:26Nagbabalang isang ekonomist lalaban sa stagflation o yung kombinasyon na babagal na paglago na ekonomiya at mabilis na inflation.
09:34Lalo na ngayon sumadsad sa panibagong record low ang halaga ng piso kontra dolyara.
09:40May unang balita si J.B. Santos.
09:45Sa kauna-unahang pagkakataon, sumadsad sa 63 peso level ang piso kontra dolyara.
09:52Nagsara ang palitan sa bagong record low na 63 pesos and 6 centavos.
09:57Mula nitong August 28 kung kailan unang beses bumagsak sa 62 peso level ang piso,
10:03siyam na beses nang naitala ng record low ang piso.
10:06Ayon sa ekonomistang si Prof. Emanuel Leico,
10:09kabilang sa mga dahilan ng paghina ng piso,
10:11ang mas mataas ng interest rate sa Estados Unidos,
10:14pagtaas ng presyo ng petrolyo sa gitna ng sigalot sa Middle East
10:18at lumalaking agwat sa dolyar na pumapasok at lumalabas ng bansa.
10:22Kapag mababa ang halaga ng piso, nakakatulong ito sa export industry at turismo.
10:27Mas mura kasi para sa ibang bansa na bumili ng produktong Pinoy.
10:31At sa turismo naman, hindi ganoon kagastos para sa mga dayuhan na bumiyahe sa Pilipinas.
10:36Pero umaaray ang mga importer sa mahinang piso dahil mas mahal ang mag-angkat.
10:41Gayun din ang langis na kapag nagmamahal,
10:44ay may epekto sa transportasyon at produksyon ng mga bilihin.
10:47Ang unong-unong makikita natin yan, ay pataas ang presyo ng petrolyo.
10:54Dahil mababa ang halaga ng piso, tumataas naman ang presyo ng petrolyo.
11:00So double whani ang epekto niyan sa petrolyo.
11:04Kasama sa top imports ng bansa, ang electronic products.
11:08Bakal at plastic, kayun din ang bigas.
11:10Ang ating mga produkto, yung mga pangangailangan natin, binibili natin sa palengkit,
11:19tataas na rin to yan kasi yung mga logistics, ang cost ng logistics tataas na.
11:24Ang cost ng production ay tataas.
11:26So magiging impressionary ang overall epekto ng pagsagsag ng piso.
11:31Kaya kahit tumataas ang peso equivalent ng remittance ng mga OFW kapag mahina ang piso,
11:37tila nabubura rin dahil mahal naman ang mga produktong binibili ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
11:43Dagdag pa rito ang tubig dahil sa Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA.
11:49Maari ring maapektuhan ang gasto sa pagdikha ng kuryente, depende sa kanilang inaangkat na input.
11:55Ayon kay Leiko, pinakamabigat ang epekto ng pagtaas ng presyo ng pagkain lalo sa mahihirap na pamilya.
12:10Bukod sa mga pamilyang nangangailangan ng ayuda,
12:13sinabi rin ang ekonomista na dapat tulungan ng maliliit na negosyo
12:16na hihirapan sa pagtaas ng gasto sa produksyon, logistics at operasyon.
12:25Kailangan din po nila ng tulungan, hindi na nila kaya yung cost of production,
12:30yung logistics, yung cost ng operasyon nila, inapatataas na.
12:34Kabilang naman sa maaaring ikonsidera ng Banko Sentral ng Pilipinas
12:38ang pagtataas ng interest rate upang makatulong namang mapigilan ng inflation at masuportahan ng piso.
12:44Babala pa ng ekonomista, maaring lalo pang bumagal ng ekonomiya
12:48habang nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.
12:51Ito ang panganib ng stagflation o sitwasyong mabagal ng paglago ng ekonomiya
12:56kasabay ng mataas ng inflation.
12:58Mas mabigat na problema po yun.
13:00Yun po ang dapat nating paghandaan.
13:03Opo, na huwag nangyari.
13:05Sinisikap po niyong GMA News ang panig ng Banko Sentral ng Pilipinas.
13:09Ito ang unang balita.
13:12Jamie Santos, GMA News.
13:15Bago ang main event ngayong weekend, todo preparasyon na ang mga grupong lalawo sa street dance
13:21and arena competition sa Mascara Festival sa Bacolod City.
13:25Abiso sa mga motorista, may ilang kalsadang isasara para sa pista.
13:31May unang balita live si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
13:36Maramdam na ang Mascara Fever dito sa Bacolod City.
13:40Inaasahang iba't ibang activities ang magbibigay saya sa mga bisita at makikisaya sa pista.
13:51Ilang araw bago ang street dance and arena competition sa Mascara Festival 2026,
13:56siniguro na ng walong contidiyan sa barangay kategory na 100% na ang kanilang performance.
14:02Challenge accepted para sa first runner-up ng nakaraang taon na barangay bata na makuha ang titulo ngayong taon.
14:09Ang ilang dancers at propsmen ng barangay bata, dito na si Jim natutulog.
14:13Wala na ni turning back, sir. We're ready.
14:16Come with me. Rain or shine, go for gold.
14:20Yes, bahakman or bagtik laban.
14:23During preparation, nagkikafocus ka lang sa saot.
14:26Abala na rin sa blockings at rehearsals ang pito pang contidiyans sa barangay kategory.
14:32Hindi rin siyempre magpapahuli sa performance ang labing isang contidiyan sa school kategory na maglalaban-laban sa Sabado.
14:38Siyempre, bisanano itong problem. Mga about Sabto niya, mas namin, kadyang kakalipay kagadyay.
14:45All set na rin ang venue at stage sa Rizal Street, Bocolon City, kung saan gaganapin ang kompetisyon sa Sabado
14:51at Linggo.
14:52Ngayong araw, magpapatupad ng ilang road closures sa Laxon Tourism Strip upang makapag-set up na rin ang organizers para
14:59sa iba pang aktibidad ng Mascara Festival 2026.
15:07Igan, mahigpit na rin ang isinasagawang siguridad sa mga activity areas, katulad na lamang dito sa Bocolon City Public Plaza.
15:16Payo ng otoridad na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay, katulad na lamang ng patalim, baril at iba pa
15:24upang maiwasang makaabala sa mga nakikisaya sa Mascara Festival.
15:31Yan munang latest mula dito, Igan.
15:34Marami salamat, Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
15:39Sanib pwersa ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para palakasin ang pagwabantay ng mga panuntunan
15:48sa pangingisda at paggamit ng yamang dagat.
15:51May unang balita si Oscar Oida.
15:56Inilunsad ng pinagsarid na pwersa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Philippine Coast Guard
16:01ang Joint High Seas Boarding Inspection sa pamamagitan ng isang send-off ceremony sa Pier 13th, South Harbor, Manila.
16:09Illegal and reported and unregulated fishing threatens the sustainability of our marine resources, undermines those who follow the rules, and
16:20places the livelihoods of fishing communities at risk.
16:23Gamit ang BRP Teresa Magbanwa, aakyatin at sisilipin ng mga sinanay at otorizadong inspektor ang mga sakyang pangisda para matukoy
16:33kung may mga paglabag sa mga batas at panuntunan sa pangingisda.
16:37Isa sa gawa ang naturang misyon sa loob ng humigit kumulang 30 araw at inaasa ang sisimulan sa October 23,
16:46pagtitiyak ng PCG.
16:48This is the same ship and many of the same men and women who held their position at Escoda Show
16:57for five months in 2024 under extreme, under immense pressure.
17:05They know what it means to remain disciplined when circumstances are very difficult.
17:12They know what it means to carry the Philippine flag with courage and restraint.
17:18Layunin din ang misyon na pangalagaan ng mga isda at matiyak ang responsabling paggamit ng yamang dagat.
17:26Sa sentro ang operasyon sa karagatan ng Mindanao at hindi sa pinagtatalo ng lugar sa West Philippine Sea.
17:32Ganun pa man, wala naman daw silang pipiliin kung local o foreign vessels basta't may paglabag.
17:40Ito po ay sa loob ng Western and Central Pacific Fisheries Commission o tiyatawag po nating WCPFC Convention Area.
17:49So ang area po neto ay yung sa may southeastern Mindanao going to Palau o tiyatawag po nating High Seas
17:56Packet 1.
17:57Tato pong barko ng Philippine Coast Guard ang kinomission po natin dito kasama yung pagkitrain po ng ating mga tauhan.
18:04Tutulong ang BIFAR sa pagpapatupad na malituntunin sa pangingisda habang magbibigay ang PCG ng sasakyan at support ang pangkaragatan.
18:14Inaasahang sa pamamagitan nito ay mas mapalakas ang pagbamantay sa karagatan at mga pangalagaan ang kabuhayan ng mga mangingisda.
18:22Be firm yet, be fair. Be vigilant yet, be respectful. Be decisive but always be guided by the law.
18:36Remain calm, professional yet unyielding. Even in harm's way, chill but prevail.
18:47Above all, bring home each other safely.
18:53Ito ang unang balita. Oscar Oida, GMA News.

Recommended