00:00Patay ang isang batang lalaki matapos siyang malunod sa bahagi ng dagat sa Baseco sa Maynila.
00:05Balitang atin ni Jomra Presto.
00:14Wala ng buhay ng matagpuan ng otoridad ang grade 2 student na si Jamrik Ashpanes
00:19sa dagat ng Baseco sa Maynila pasado alas 8 kagabi.
00:23Ang batang 8 taong gulang nalunod matapos mapunta sa malalim na parte ng dagat habang naliligo.
00:29Ayon sa barangay.
00:31Pasado alas 5 ng hapon nang dumulog sa barangay ang magulang ng bata na nuoy nawawala.
00:35Nagsagwa ng search and rescue operation sa dagat ang mga tauha ng Philippine Coast Guard, BFP, MPD at barangay.
00:42Gumamit ng drone sa mga otoridad na kayang madetect ang body heat sa dagat.
00:46Yung Philippine Coast Guard naman po, nagconduct na po sila ng dive dun sa area.
00:53Then, dun po sa malalim na part is may barko po kasi dun na hinukay.
01:01So, malalim na area po talaga siya kung saan nakita po yung dagat, yung bata.
01:07Ayon sa nanay ng bata, pasado alas 11 ng umaga kahapon ang umuwi si Jamrik galing sa eskwelahan.
01:13Dumiretso raw siya sa computer shop para maglaro.
01:16Pero hindi alam na mga magulang ng bata, naligo pala sa dagat ang bata kasamang ilang kaibigan.
01:21Hindi nila sinabi, tapos tinago nila yung damit.
01:25Ngayon yung bata na hinahanap namin wala dyan, yung 12 years old.
01:29Kung nagsumigaw sana sila, maraming tao po sa dagat na naliligo.
01:34Nagsasagawa na ng investigasyon ng pulisya.
01:36Dapat yung magulang, lalo na pagpagabi na, dapat hindi na pinapayagan ng mga magulang natin
01:42na pumunta pa sa malalayang lugar o sa madidilim na lugar ang mga bata.
01:46Actually, yung kaso ay inakit na yung investigation sa homicide ng headquarters.
01:53Dinala na sa punerarya si Jamrik at nakatakdang iburol ngayong araw.
01:57Matagal nang ipinagbabawal ang pagligo sa dagat ng Baseko.
02:00Muling nakiusap ang barangay at pulisya sa mga magulang na bantayan ng maigi ang kanilang mga anak.
02:06Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.