00:00Sinuspindi muna ng Bureau of Internal Revenue ang utos sa online sellers at content creators
00:05na mandatory posting ng kanilang registration seal badge.
00:09Sa October 31, dapat ang deadline ng pagpo-post ng registration seal badge
00:14bilang pamalit sa pag-post ng Certificate of Registration.
00:18Ayon kay Sen. Rapia Cayetano, nangangambang ilang online sellers at content creators
00:22that posibleng lumabas ang kanilang personal na impormasyon kapag in-scan ang QR code sa seal badge.
00:28Sabi naman ni Sen. Bam Aquino, huwag na raw dagdagan ang pasakit sa online business owners
00:33lalo na hirap na rin daw sila sa ibang gastusin.
00:36Dahil sa mga agam-agam na yan, sinabi ni BIR Commissioner Charlito Mendoza
00:40na pag-aaralan muna nila ang online seal badge requirement.
00:44Kokonsulta raw sila sa mga apektadong taxpayer at sa National Privacy Commission.