00:00Sakto sa banta ng matinding El Niño ang solar irrigation project na pinasinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos Alayte.
00:08Ikinumpara niya ang kakandaan na bansa ngayon kumpara sa mga nakalipas ni El Niño.
00:13Nakatutok si Ian Cruz.
00:17Ang tubig mula sa Tugbong River sa Kananga, Alayte, hinihigop ng pump patungo sa mga lupang sakahan.
00:25Ang pump pinatatakbo gamit ng solar energy.
00:28Ito ang proyektong patubig ng National Irrigation Administration na pinasinayaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:37Magiging mas maganda ang inyong ani. Mas magiging maganda. Mas mapapadalas.
00:41Baka yung mga dati dalawang planting seasons lamang, baka maparami natin, magawa natin ang tatlong planting seasons.
00:51Basta alam naman natin, ang patubig lang naman talaga ang talaga pinaka-importante dyan.
00:55May dalawang sites ng solar pump irrigation project sa bayan ng Kananga.
01:01115 hektare ng lupa ang kayang patubigan nitong bagong inaugurate na solar pump irrigation system dito sa Kananga, Alayte.
01:10Naniniwala naman yung mga nakausap natin na mga magsasaka na malaki na ibababa sa gastusin nila sa produksyon ng kanilang
01:17pananim dahil sa bagong proyektong ito.
01:20Isa si Jennifer Nahine sa mga makakatipid na raw sa biniling krudo na gamit sa pump para mapatubigan ang kanilang
01:28palayan.
01:29Dati, ano, kulang-kulang 20 or 15 galon yung container yung magamit yun sa water pump.
01:39Ano yun? Sa isang taniman lang?
01:40Sa isang taniman lang.
01:41Kano yun?
01:42Eh yung, lalo na ngayon, lalo na maano, yung mahal ng diesel ngayon, kulang-kulang ma 30,000 yata yun
01:51sa diesel lang.
01:52Sabi ng Pangulo, nasa 30,000 na solar pump irrigation na ang nagawa ng kanyang administrasyon sa buong bansa.
02:0070% nga raw ng irrigable lands ay may patubig na.
02:04Kaya kumpara sa nakalipas sa El Nino, mas handa na raw ang bansa sa Super El Nino ngayon.
02:11Ngayon, mas handa na tayo kaysa sa nung 2024.
02:14Ang ating mga dam natin, mas mataas ang tubig kaysa sa nung nagumpisa yung 2024.
02:21Marami tayong hinanda na ganitong mga irrigation system.
02:24Marami tayong mga hinuhukay ng mga sweep para meron tayong patubig.
02:30Sa Eastern Visayas lamang, sinabi ng Regional Director ng Department of Agriculture
02:35na nasa 8,000 hectares ng taniman ng palay at ibang high-value crops
02:40ang nasalantana ng El Nino mula pa Agosto.
02:44Tinatayang 300 million pesos ang pinsala sa pananim na karamihan mga palay.
02:50Kaya naman, napapanahon daw talaga ang solar pump irrigation
02:53para matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng tubig sa mga taniman.
02:58Ngayong inaasahang magiging masidhi ang El Nino.
03:02Napakalaking tulong nito lalo pat may forecasted tayo may imminent threat of El Nino
03:08which in fact many of the areas now are experiencing lower precipitation rate.
03:17Mula sa Lalawigan ng Leyte, Ian Cruz Nakatutok, 24 Horas.