Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 2) Update sa Bagyong Rosal; Kaso vs pulis na nanakit ng kinakasama; Isyu sa budget; Ready for Marriage na ba si Sanya?, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May sapat na ebedensya ang mga otoridad laban sa ilang sangkot umano sa mahigit 3 bilyong pisong shabu shipment mula
00:08Laos.
00:08Ang isa sa kanila, konektado pa umano sa isang international na sindikato.
00:14Nakatutok si June Veneracion.
00:19Base sa affidavit ng mga inimbestigahan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency,
00:24ang dating membro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament na si Idrisa Haji na si Rimbang,
00:31ang utak daw ng naharang na mahigit 3 bilyong pisong halaga ng shabu mula Laos papuntasan ng Pilipinas.
00:38We are collaborating with each other and gathering more evidence to identify the other contacts of Sultan Rimbang who appears
00:49to be the mastermind.
00:55Sabi ng PDEA chief sa hearing ng House Committee on Dangerous Drugs,
00:59si Rimbang ang nagplano at nagpondo ng sumablay ni Shabu shipment.
01:03September 1, umano nagsimula si Rimbang na kumontak ng mga tao para magrenta ng eroplano para sa shipment.
01:09May mga nagugulay umano kay Rimbang kay Police Executive Master Sergeant Aileen Mendoza ng PNP Aviation Security Group
01:17kaya nakahanap ng kokontratahing aviation company sa halagang katumbas ng mahigit 7 kalahating milyong piso.
01:25September 23, nagbigay ng pera na nakalagay sa duffel bag ang grupo ni Rimbang kay Mendoza.
01:30And thereafter, Policewoman Mendoza made an initial payment of 5 million to ******
01:39and the remaining balance was reportedly paid the following day, September 24, 2026.
01:46Sabi ng komite, dapat ing imbistigahan ang mga nakataas kay Mendoza.
01:51PEMS Mendoza has already been observed for so many long years in Aviation Security Group.
02:10Sabi ng PIDEA, may sapat na silang ebidensya na magpapatunay na sangkot si Rimbang at iba pang person of interest.
02:16Pero ang kulang daw ay mga transaction document, kauglay ng mga nangyaring bayaran, lalo na sa pagrerenta ng eroplano.
02:23Nag-press ko na po kayo before. Ang worry ng komite ngayon is baka nawala na yung mga taong tinukoy
02:30niyo.
02:31These individuals whose names have been released to the public have already been placed on alert.
02:37Sa impormasyon ng PIDEA, hindi pa naman nakakalabas ng bansa si Rimbang na konektado umano sa isang international syndicate.
02:44Ayon sa isang opisyal ng National Bureau of Investigation, ang paggamit ng eroplano ay indikasyon mo nung nagmamadali ang grupong
02:53gustong magpost-lit ng shabu.
02:55The destination is the Philippines. We have established that. That means there's a big market. There's a big market in
03:03the Philippines.
03:04June, venerasyon na katutok, 24 oras.
03:07Aabot umano sa maygit isang bilyong piso ang na-deliver na pera kay Zaldico.
03:12Batay po yan sa testimonya ng dating personal assistant ng isang dating engineer ng Department of Public Works at IWAS.
03:20Lakat daw ng delivery ng pera may raresibo pero pinupunit pagkatapos.
03:25Nakatutok si Maki Polino.
03:30Ang bawat delivery umano ng pera kay dating ako, Bicol Partialist Representative Zaldico, may resibo raw.
03:38Sabi yan sa pagtestigo sa Sandigan Bayan ni Wirt Walter Rosales na naging personal assistant ni Henry Alcantara,
03:45dating Bulacan First District Engineer ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
03:50Pumipirma umano ang mga staff ni Ko sa mga acknowledgement receipt.
03:54Pagkatapos bilangin ang laman ng diniliver na pera.
03:57Pero ang mga resibo, inuutos daw ni Alcantara ang punitin na pag nakita na niya.
04:02Dagdag ni Rosales sa korte, may iwan sa mga staff ni Ko ang papel na may detalhe kung anong DPWH
04:08project ang pinagkuhanan ng pera
04:11at magkano ang komisyon mula sa mga ito.
04:14Sa tansya niya, umabot ng higit isang bilyong piso ang na-deliver kay Ko.
04:18Ang isa sa mga delivery, umabot ng 300 million pesos.
04:22Bago ang delivery, iniimpake nila ito sa kung tawagin daw ay secret room sa opisina ni Alcantara sa DPWH Bulacan.
04:31Kasama daw niya sa loob ng secret room si Carlo Rivera, dating DPWH engineer.
04:37Sunod na inupo sa witness stand si Police Major Ermelo Dichoso, dating close-in security ni Zaldico.
04:43Sabi ni Major Dichoso, nahatid na niya si Zaldico sa mga bahay ni Romualdez para sa mga meeting.
04:49Ang tanging diniliver daw ni Dichoso, hindi maleta, kundi damit na regalo ni Ko.
04:54Pero ang mga binanggit niyang mga bahay sa Forbes Park Makati at sa Manila,
04:59dati nang itinuro ng mga naging security ni Ko na mga lugar na dinilivera ng mali-maletang pera.
05:06Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang kampo ni Narumualdez at Ko dahil daw sa subjudice room.
05:11Makipulido na katutok, 24 oras.
05:19Mga kapuso, kuha na tayo ng update sa Bagyong Rosal.
05:23Kasama si Amor La Rosa na GMA Weather Center.
05:27Amor!
05:29Salamat, Emil.
05:30Mga kapuso, humina ang Bagyong Rosal.
05:32Pero iingat pa rin mga kapuso dahil may nakataas pa rin na wind signals sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
05:39Wind signal number 2 pa rin ang nakataas dyan po sa Batanes, pati na rin sa northeastern portion ng Babuyan
05:44Islands.
05:45Paghandaan ng mga pagulan, malakas na bugso ng hangin at malalaking alon.
05:49Samantala, wind signal number 1 naman sa natitirang bahagi po ng Babuyan Islands, ganun din sa mainland Cagayan, pati na
05:56rin sa northeastern portion ng Isabela, Ilocos Norte at pati na rin sa Payawa.
06:01Kumpara nito mga nakalipas na araw, mas lumawak pa ang sakop ng naaabot ng malalakas na bugso ng hangin na
06:08daladala po nitong Typhoon Rosal.
06:10Aabot na yan sa 900 kilometers mula po sa sentro.
06:14Kahit may bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility, marahil po napansin nyo rin na maraming lugar pa rin
06:21naman na nakakaranas ng mainit at maalinsangang panahon.
06:25Well, nasa itaas na bahagi po kasi ng ating bansa, concentrated itong epekto talaga nitong Bagyong Rosala.
06:31Sa mga oras na ito, hanggang bukas na umaga, pinakamalapit dito sa extreme northern Luzon, itong Bagyong Rosala.
06:38Sa latest bulletin po ng pag-asa, 350 kilometers east na lang po ang layo nyan dito sa Mayitbay at
06:44Batanes.
06:45Taglay po ang lakas ng hangin na abot sa 165 kilometers per hour.
06:49So humina po yan mula Super Typhoon ay naging Typhoon na lamang.
06:53Yung pumbugso nito ay nasa 205 kilometers per hour at kumikilos po yan pa-northwest o pahilagang kanluran sa bilis
07:00na 15 kilometers per hour.
07:02Pero kahit po humina yan, yung kategorya po nito ay bumaba from Super Typhoon to Typhoon, e malakas pa rin
07:09pong hangin ang daladala nito.
07:10So ibig sabihin po, e malakas pa rin po talaga yung epekto nito.
07:13Pusibling lumapit ang Bagyong Rosala dyan po yan sa bahagi ng Taiwan.
07:17At inaasahan naman natin na mag-re-recurve o bahagya po yan liliko at lalabas na ng Philippine Area of
07:24Responsibility bukas ng gabi o Sabado ng madaling araw.
07:28Bukod po sa epekto ng Bagyong Rosal, posibling magpaulan ang localized thunderstorms sa iba pang panig ng bansa.
07:35Base po sa datos ng metro weather, bukas mataas pa rin ang chance ng mga pagulan.
07:39Dito yan sa Batanes at pati na rin sa Babuyan Islands.
07:43May mga malalakas sa ulan at may kasama rin po yan na bugso ng hangin dahil pa rin po sa
07:48bagyo.
07:48Posibling rin yung mga pagulan sa Ilocos Provinces, ganun din sa Mayapayaw, Abra.
07:53Inaasahan po natin, yan po ay mga pagulan na dala pa rin nitong bagyo.
07:58May mga kalat-kalat na ulan din dyan po sa Mindoro Provinces, maging dito sa bahagi po ng Palawan at
08:04pati na rin sa Bicol Region.
08:06Dito naman sa Metro Manila, maaliwalas ang panahon pero maging handa pa rin sakaling maging maulap dahil po may chance
08:12pa rin ng localized thunderstorms.
08:15Sa mga taga-Bisayas at Mindanao, posibli po ang mga pagulan sa umaga dyan po sa Antique, pati na rin
08:20po sa Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Island Region, Summer and Later Provinces.
08:26At pati na rin dito sa May Sulu Archipelago.
08:29Halos buong Bisayas na po ang pwedeng ulanin.
08:31Pag-sapit po yan ng hapon at mararanasan din yan dito sa May Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Davao
08:39Region, pati na rin sa ilang bahagi ng Soksargen.
08:43Yan muna ang latest sa ating panahon mula sa GMA Weather Center.
08:46Ako po si Amor La Rosa, serbisyong totoo ng GMA News.
08:55Less than a week to go at maghatid na ng glam at kilabot sa big screen, ang tuksaan sa Red
09:02Crown.
09:02Dito ulad sa pelikula, pure happiness lang ang feeling ng mga bidang sinasanya Lopez at Ashley Ortega kung kani-kanilang
09:10love life ang pag-uusapan.
09:12E may marriage talks na ba?
09:14Alamin sa chika ni Aubrey Carampel.
09:19Sa guesting ni na Spartal star, Sanya Lopez at Ashley Ortega sa Fast Talk with Boy Abunda,
09:24napag-usapan ng kani-kanilang buhay pag-ibig.
09:28Pareho raw silang masaya sa kani-kanilang relationship.
09:31Si Sanya with her non-showbiz boyfriend.
09:34Habang going strong si Ash and Boy Fee Mabili Gaspi.
09:38Pareho na nga raw nilang napag-uusapan ang pagpapakasal.
09:42But, hindi pa naman mangyayari anytime soon.
09:45Siyempre, I'm not getting any younger na nung dating pa lang kami, of course, I want my next guy to
09:52be my last na if kaya.
09:54Kasi I'm not here to play around rin naman. Gusto ko ng long-term relationship.
09:58Wala naman diba sa kung gaano kayo katagal. Kung kailan yung maiisip na siya ba dapat yung papakasalan ko or
10:03hindi.
10:04Pero napag-uusapan na rin namin yan. Kung baga kung dadating man tayo doon, maganda na prepared din tayo.
10:10And siguro, feeling ko pag kinasala ko yung ako lang ang nakakaalam tsaka siya.
10:15Si Sanya, private ang love life. Habang si Ashley, very public dahil pareho silang artista.
10:22Walang masyado nakikialam. Sobrang yung mga nakakalam lang yung parang bala kayo kung anong malaman nyo.
10:29Ang disadvantage naman, syempre hindi mo siya ma-post kahit na gustong gusto mo siyang i-post.
10:34Nasanay naman na rin kami ni Mavi siguro na pag public kami kang dalawa eh.
10:38So we can't hide it but at the same time, we keep our private things nasa amin lang.
10:43Kung happy and full of kilig ang kanilang buhay pag-ibig, iba naman ang feel ng kanilang pinagbibidahang satirical thriller
10:52film na Red Crown.
10:54Pareho silang gaganap na beauty queens na makikipagpuksaan para sa corona at sa pera.
11:02Syempre in real life walang puksaan pero sa show maraming puksaan.
11:05Syempre hindi ba naman kayo magpupuksaan sa sinasabi nilang 25 million na grand prize, diba?
11:10Kung may puksaan man, makikipagpuksaan ako. Pero malalaman natin kung yung puksaan na yun hanggang saan.
11:16Saktong Halloween treat nga raw ito na mapapanood sa October 28th and cinemas nationwide.
11:23May kanikanya na rin daw silang Halloween plans.
11:26After maging Victoria's Secret Angels at Bratz, ano naman kaya ang Beck ni Ashley at ng kanyang Sparkle Barkada this
11:34year?
11:35Si Shoovy, si Roxy, si Skye. Kasi ito na yung third year namin na every Halloween meron ka na yung
11:42pakandar.
11:43Si Sanya sa Japan daw mag Halloween break.
11:46Ang cute lang nila. So makikita mo lang yung mga costumes nila doon. Yung parang happy ka na.
11:51Pero malalaman natin, hindi natin alam. Abangan.
11:53Pobri Karambel, updated showbiz happening.
11:58Nasawi matapos matrap sa nasusunog nilang bahay ang bedridden lola sa Pasig.
12:06Nakatutok si EJ Gomez.
12:12Nagnangalit na apoy ang bumulabog sa mga residente ng barangay Muting sa Pasig pasado alauna ng madaling araw kanina.
12:20Agad itinaas sa unang alarma ang sunog at mabilis na tinupok ang bahay na ito sa E. Mendoza Street.
12:28Nagkunan pa sa video ang mga nagpuputok ang linya ng kuryente.
12:32Basta may pumutok, tapos yun. Biglang nagliwanag na.
12:36Ayan lumaki ng lumaki. Ayan nagkagulo na tao.
12:39Nakakita na yung mataas ng apoy, maliwanag na.
12:44Naglabasa na.
12:45Ayon sa kapitan ng barangay, nagkaanak ng nasunogang pamilya,
12:49ligtas na nailikas ang lima mula sa nasusunog na bahay.
12:53Natrap ang 77 na taong gulang na bedridden na lola.
12:57Ang nasa loob ng bahay, yung tita ko, yung anak niya, asawa niya,
13:02asawa ng anak niya, tsaka yung yaya na may kasamang bata.
13:06Kaya may narinig, nasa sala sila eh.
13:09May narinig silang sumabog sa may kwarto ng tita ko.
13:13Pinipilit na nang buksa yung pinto.
13:14Nung mabuksan, usok tsaka apoy ang sumalubong sa kanila.
13:19Kaya natakot na rin sila, hindi na rin sila makapasok.
13:22Si tita, at tita kasi bedridden na nakakalungkot, hindi siya nakalabas.
13:26Ah, malungkot kasi kababata rin namin yan eh.
13:31Hindi namin akalain na siya pala yung sinasabing naiwan.
13:36Pasado ala sa is ng umaga ng ilabas na mga otoridad, ang labi ng biktima.
13:40Natagpuan po natin, ma'am, ang nasawing biktima malapit sa kanyang higaan.
13:45Ngunit na, doon na siya sa may lapag.
13:48Ayon sa Bureau of Fire Protection, gawa sa concrete materials ang ancestral home na natupok ng apoy.
13:54May firewall din ang magkakadikit na bahay, kaya hindi na kumalat ang sunog.
13:59Inaalam pa ang sanhin ng apoy.
14:01Tinatayang aabot sa 1.2 million pesos ang halaga ng pinsala.
14:06Tuluyang napulang apoy kaninang 3.10am.
14:09E.J. Gomez, nakatutok 24 oras.
14:14...budget and management na wala ng unconstitutional sa inihingi nitong budget para po sa susunod na taon.
14:21Pero pangamba ng isang minority senator, baka maapektuhan ang mga foreign assisted project.
14:26Lalo't may pondo nitong nakalista sa unprogram appropriations, ang bahaging sinita ng Korte Suprema.
14:34Nakatutok si Mal Gonzales.
14:39Dahil idiniklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang ilang unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025 national budget,
14:47pinag-uusapan na sa Senado kung paanong di ito dapat maulit sa pagbalangkas ng 2027 national budget.
14:54Ano ang mga adjustments at kailangan natin baguhin sa kasulukuyang version ng budget upang maiwasan ang anumang constitutional infirmities.
15:04Tiniyak ng Department of Budget and Management na wala na sa hinihingi nitong 2027 national budget ang mga programang pinuna
15:12ng Supreme Court o SC.
15:13We don't have sagip anymore even in the 2027 unprogrammed appropriations.
15:20The Supreme Court has also laid down some guardrails, the four guardrails to make the unprogrammed appropriations constitutional.
15:29Among these, there shouldn't be any lump sum.
15:31Ang Unprogrammed Appropriations o UA ay mga inilistang gagastusan na wala pang pagkukunan ng pondo sa panahon ng pagpasa ng
15:39budget.
15:40Pero pwedeng pondohan kung may sumobrang kita ang pamahalaan tulad sa koleksyon ng buwis at iba pa.
15:47Noong 2024, pumili ng 281 billion pesos para sa ganyan ng ehekutibo.
15:53Pero lumobo ito sa 731 billion pesos matapos dumaan sa kongreso.
15:58Noong 2025 naman, wala 158 billion pesos ay dumoble ito sa 363 billion.
16:06Meron pa rin UA ngayong 2026 pero hindi nalagpas at mas mababa na sa hinihingi ng Pangulo.
16:13Meron din para sa 2027, bagaman pinakamababa na mula 2019 at sisiguruhin umano ng kongreso na pasok sa kondisyong inilatag
16:22ng korte para maging konstitusyonal.
16:24Bottom line, hindi pwede, tama ba? Sekretary, hindi pwedeng lumampas ang kongreso sa proposal ng Presidente, both unprogrammed and programmed.
16:32Bottom line.
16:33That is how we view the decision, Your Honor.
16:37Hindi rin daw muna nagre-release ng pondo ang DBM mula sa Section 1A at 1B ng Unprogrammed Appropriations ngayong
16:44taon hanggang walang tiyak na sobrang kita ang gobyerno.
16:47Mali ba na lang sa mga para sa mga proyektong may pondo mula sa ibang bansa o foreign assisted projects
16:53o FAP na dapat ay may parte mula sa pondo ng gobyerno?
16:57In other words, the Unprogrammed is only designed for foreign assisted.
17:03Now the point I'm trying to make is we don't want to approve a budget here that is unconstitutional.
17:09We commit to work with the Senate and Congress to fine-tune the special provision for Unprogrammed to make sure
17:16we will fully subscribe and follow the Supreme Court.
17:20Paalala ni Sen. Amy Marcos, dapat mabayaran ng obligasyon para dyan.
17:25Siguraduhin natin yan, nakakahiya talaga yan.
17:28We would like to assure the good senator and the committee na wala pong tatalbog na cheque for foreign assisted
17:33projects.
17:34Dahil ito po ay under a direct financing scheme.
17:39Direkta pong binabayaran ng ating mga development funders, development institutions, ang ating pong mga contractors.
17:46Wala na rin i-release na pondo para sa UA noong 2024 dahil expired na ang validity.
17:51Habang ang 17.99 billion pesos UA noong 2025 namang sinita rin ng SE, hindi pa nagagalaw.
17:59Ang dami pang unreleased, particularly yung 2025, otherwise available still.
18:05That's correct, Your Honor.
18:06There are also unobligated allotments on the part of the agencies.
18:10And there are also unpaid obligations.
18:13That's correct, Your Honor.
18:13Pero hindi naman na dapat problemahin ang mga nakaraang budget.
18:17Batay sa pakikipag-usap o manon ni Sen. Kiko Panglinan kay SE Associate Justice Marvick Leone na siyang may akda
18:24ng desisyon.
18:25Dapat lang, sumunod ang mga susunod na budget.
18:28He actually said that as far as 2024 and 2025 is concerned, the doctrine of post-operative fact will apply.
18:38Mav Gonzales, nakatutok 24 oras.
18:42Mahigit isang linggo bago ang undas, may mga dumadalaw na sa ilang sementeryo sa probinsya.
18:48Maaga namang nagpaskil ng mga paalala para sa mga dalaw sa mga sementeryo sa Metro Manila.
18:54At nakatutok si Dano Tingpungko.
19:01Mahigit isang linggo bago mag-undas, puspusan na ang paghahanda sa mga sementeryo para sa taonang dagsa ng mga bibisita
19:07sa mga yumaong mahal sa buhay.
19:09Sa San Juan ngayong umaga, nag-ikot si Mayor Francis Zamora sa San Juan City Cemetery para sa mga paghahanda
19:15nito sa paparating na undas.
19:17Sa lunes pa lang, October 26, magsisimula na ang extended hour sa sementeryo na 6 a.m. to 12 midnight.
19:23So extended hour siya from October 26 to November 2 because we expect na ito yung panahon na dadagsa talagang
19:31ating mga mamamayan
19:32upang dumalaw sa kanilang mga mahal sa buhay na nakahimlay dito po sa San Juan Cemetery.
19:38Base raw kasi sa kasaysayan ng San Juan Cemetery, pinakamarami man ang mga dumadalaw sa araw mismo ng undas,
19:44marami rin ang itinatapat ang dalaw sa ibang araw kung kailan inaasahang mas konti ang kasabay.
19:49Historically, on November 1, ang ating bilang ng dumadalaw is somewhere between 35,000 to 40,000 in just one
20:02day.
20:02Pero yung buong kahabaan ng October 26 to November 2, we expect somewhere between 60,000 to 70,000 people
20:09that will be visited.
20:11Tulad ng lumabas sa pulong ng MMDA at Metro Manila Council o ang 17 LGU ng buong Metro Manila,
20:18magpapakalat ng security personnel sa mismo mga sementeryo at sa paligid nito kasama ang San Juan Cemetery.
20:24Tuloy-tuloy na raw ito hanggang sa matapos ang undas.
20:27At para raw masigurong tahimik at payapa ngayong undas tulad sa maraming sementeryo,
20:32bawal magdala ng baril o matalas na bagay, alak, droga, mga may ingay.
20:37Bawal magsugal, magkalat, magkabit ng kuryente, magpasok ng bisikleta at motor at magtinda kung walang mayor's permit.
20:44Sa Manila North Cemetery, nakapaskil na sa gate ang isang paalala kung ano ang dapat at hindi dapat dalhin sa
20:50loob ng sementeryo.
20:52Nakaredy na rin ang mga movable fence na gagamitin barikada para sa maayos na daloy ng foot traffic.
20:57Ready na rin ang mga iba't ibang karatula na magsisilbing gabay ng publiko para panatilihin ang maayos at payapang paggunita
21:04sa undas.
21:05Ang Manila Police sa sementeryo nag-inspeksyon na rin bilang bahagi ng pagtitiyak ng siguridad dito.
21:11Sa Lawag City, nagsimula ng dumagsa sa ilang sementeryo ang ilang residente para maglinis at mag-ayos ng puntot.
21:17Inagahan daw nila para makaiwas sa siksikan.
21:20Ayon sa pamunuan ng isang pribadong sementeryo, inaasahan na dadagsa ang mga maglilinis sa susunod na linggo.
21:26Dahil sa inaasahan dagsa ng tao, nasa 141,000 ang inaasahang ipapakalat ng mga otoridad para tiyakin ang mapayapang paggunita
21:34sa undas.
21:3672,000 dito ay mga polis ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Alan Ray Co.
21:41Naka-full alert ang PNP mula October 30 hanggang November 2.
21:45Danating ko, nakatutok 24 oras.

Recommended