- 2 days ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras: (Part 3) Pari na nabagsakan ng krus; DFA, pinatawag ang Chinese Amb.; Protesta sa France; 17th anniv ng 'It's Showtime', atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Babala po sensitivo ang nahulikam na trahedya sa Ecuador.
00:05Patay ang isang pare habang nagmimisa nang mabagsakan siya ng nakasabit na cruise sa Alta.
00:21Sa laki ng cruise at sa lakas ng bagsak nito,
00:26binawian ang buhay ang pare.
00:29Napasigaw ang mga dumalo sa misa at agad tumawag ng tulong.
00:34Ang pangyayari naka-livestream sa Facebook page ng mismong pare.
00:40Sa isang pahayag sinabi ng Archdiocese of Quayamil na ipinagluluksan nila ang pagkamatay ng paring si Patricio Sanchez.
00:50Nang paabot din sila ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya at mga kaibigan.
00:58Bibay ng Senate Electoral Tribunal ang nauna nitong pagbabasura laban sa petisyong maalis sa pwesto si Sen. Erwin Tulfo.
01:07Ayon sa isang Berteni Cauce, dapat i-disqualify si Tulfo dahil sa kanya umanong American citizenship,
01:15partisipasyon sa political dynasty at kakulangan sa academic background.
01:19Nauna na iyang ibinasura dahil ng tribunal, dahil po sa insufficient in form.
01:24Pero umapela si Cauce pero sa bagong disisyong inilabas ng tribunal noong nakarang linggo.
01:30Sinabi nitong lagpas na ang paghahain ng mosyon sa panahong nakasaad sa kanilang patakaraan.
01:36Hindi rin naman ito sumunod sa filing at service requirements.
01:40Bagaman pabor sa kanya ang disisyon na dismayah si Sen. Tulfo na tatlong minority senators umanong ng member ng tribunal
01:47ang bumoto-kontra sa pagbabasura sa naturang petisyon.
01:53Walang takas ang lalaking nahulikam na nanloob sa laundry shop sa Maynila.
01:58Ang naging susi kaya siya na-aresto sa pagtutok ni Gabriel Gonzalez.
02:06Gulo-gulo ang mga gamit sa loob ng isang laundry shop sa Tondo, Maynila,
02:10ng madatna ng mga staff nito umagan itong Sabado, October 17.
02:14Sira ang kisame at bubong ng likurang bahagi ng shop.
02:18Nang suriin ang mga kuha ng CCTV, nakitang pinasok pala sila ng kawatan.
02:24Sa kuha ng CCTV mag-aalas 8 ng gabi nitong biyernes,
02:28biglang sumulput ang isang lalaking nakatakipang muka at nakasumbrero mula sa kisame ng laundry shop.
02:34Nang makita niya ang CCTV, kinuha niya ang hagdan at inilihis ito para hindi makita ang kanyang pakay.
02:41Dumaan dun sa dating opisina yun eh. Ngayon, bakante na yun.
02:47Siguro, dun ang naging way ng mga nagnanakaw kasi hindi halata.
02:53Tinungkab nila yung bubong, yiyero. Dun sila dumaan.
02:58Natangay ng sospek ang perang nakatago sa laundry shop, ilang pabango at iba pang gamit.
03:04Nagtungo sa barangay ang may-ari ng laundry shop para i-report ang insidente.
03:09Nakipag-ugnayan naman ang barangay sa pulisya para matugis ang sospek.
03:13Hapo naman itong linggo na mataan ng mga rumurondang pulis ang naturang lalaki sa Fernandez Street.
03:19Nakuhanan siya ng umano'y iligal na droga kaya't agad siyang inaresto.
03:23Ang trabaho kasi ng mga yan eh, paikot-iikot lang eh.
03:26Dito sa lugar namin, alam kasi na lugar namin tahimik eh.
03:31Madaling pasukin.
03:32Ayon sa pulisya, ang tattoo ng lalaking inaresto dahil sa umano'y droga ay pareho sa tattoo ng lalaking na
03:40hulikam na nanloob sa laundry shop.
03:43Nakakulong sa Rahabago Police Station 1 ang sospek na maaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
03:51Hindi na raw magsasampan ang hiwalay na reklamo ang may-ari ng laundry shop.
03:55Tumangging magbigay ng pahayag ang lalaki.
03:58Gabriel Gonzalez, Nakatuto, 24 Horas.
04:03Mapanghamon at hindi katanggap-tanggap ang kanyang mga pahayag.
04:08Yan ang diretsyang sinabi sa Chinese Ambassador to the Philippines na ipatawag siya ng Department of Foreign Affairs.
04:16May resolusyon na rin laban sa kanya na inihain sa Senado.
04:21Nakatutok si J.P. Soriano.
04:27Kasunod ang payag na ito ni Chinese Ambassador to the Philippines, Ching Chuan.
04:31If we want to use force, we may easily win.
04:34But no, we will not choose use force.
04:39Pinatawag si Ching ni Foreign Affairs Secretary Teresa Lassarong sa DFA headquarters kanina.
04:45Ayon sa DFA, diretsyahang sinabi ni Lazaro kay Ching na mapanghamon at hindi katanggap-tanggap ang kanyang pahayag.
04:52Lalo lang daw ito nagpapalala sa sensitibong relasyon ng Pilipinas at China
04:56at hindi nakakatulong sa pagsusulong ng mutual understanding at cooperation ng dalawang bansa.
05:02Ang naunang pahayag ni Ching, inawag ni Pangulong Bongbong Marcos na isang banta.
05:08Nanawagan din ng ilang pambabatas na ideklarang persona ng grata ang ambasador kung hindi aniya babawiin ang kanyang pahayag.
05:18Kanina, naghain ang resolusyon si Senate Committee on Foreign Relations Vice Chairperson Sen. Erwin Pulfo.
05:25Kaugnay niyan, sinagot ng Chinese Embassy ang mga batiko sa pamamagitan ng sunod-sunod na social media posts.
05:31Tinawag nilang anti-China politicians ang mga mambabatas na pumuna sa pahayag ng ambasador.
05:37Kung may gusto raw gawin ang mga tinawag nilang anti-China forces, gawin na raw ito agad.
05:43Sabi ng DFA, wala sa posisyon ang isang foreign diplomatic mission na punahin sa publiko o tuyain ang mga opisyal
05:51at mambabatas ng Pilipinas na ginagampanan lang ang kanilang mandato.
05:56Pinahalagahan ng Pilipinas ang freedom of expression at hindi nito tatanggapin ang anumang pagkatangka ng isang foreign envoy na takutin
06:05ang mga gumagamit ng kanilang karapatang magpahayag.
06:09Ang Malacanang ginagalang daw ang mga opinyon ng mga mababatas pero pinipili pa rin daw ng Pangulo ang daan ng
06:16diplomasya at mahinahong pakikipagpugnayan sa China.
06:21Hindi po niya na naisin na magkaroon ng gantong klaseng pagdideklara kahit kaninong paman na representative ng ibang bansa dito
06:30sa ating bansa.
06:32Si Defense Secretary Gilbert Yodoro naniniwalang deliberate ang ginagawa ng Chinese ambassador alinsulot kumano sa gobyerno nila.
06:41Very deliberate. Hindi pag-uugali ng ambasador yan. Pag-uulag gali ng gobyerno nila yan.
06:46You're dealing with that kind of repressive government.
06:49Wala pang pahayag ang Chinese embassy kaungay sa naging pulong nila sa DFA.
06:54Tiniyak naman ang DFA na sa kabila ng nangyayari.
06:57Mananatiling bukas ang komunikasyon nito sa China pero maaari pa rin daw itong magsagawa ng kalagdagang diplomatic action kung kinakailangan.
07:05JP Sorian, Nakatutok 24 Oras.
07:10Naungkat ang reklamasyon ng Taguig City sa Laguna Lake sa pagtalakay sa 2027 budget ng DNR.
07:16Pino na, nina Sen. Alan Peter at Pia Caitano ang mga post ng Laguna Lake Development Authority.
07:23Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
07:27Sa pagdinig ng Senado para sa 2027 proposed budget ng Department of Environment and Natural Resources o DNR,
07:37isa sa natanong ang reklamasyon ng Taguig City sa bahagi ng Laguna Lake.
07:41Nasa ilalim kasi ng DNR, ang Laguna Lake Development Authority na namamahala dyan.
07:47Puna ni Sen. Minority Leader Alan Peter Caitano, tila Taguig City lang ang pinag-iinita ng LLDA,
07:55gayong merong iba pang reklamasyon projects sa lawa ang ibang munisipalidad,
08:01asawa ng Senador si Taguig City Mayor Lani Caitano.
08:05Sagot ng LLDA, nagpalabas din sila ng Cease and Desist Order o CDO sa reklamasyon ng ibang lugar.
08:12I'm asking you about Angguno Rizal. May permit ba yung mga projects doon?
08:17May mga CDO ngayon.
08:20So sa Angguno Rizal, ano yung mga projects doon?
08:23I'm not sure...
08:24You're not that familiar? Okay.
08:26Yung Taguig po, kaya po nasabing alam ko dahil nakita ko po.
08:31Yes.
08:31Nakita ko po. At hindi ko po...
08:32So bakit nyo hindi nakita yung...
08:33Hindi ko po pinipili yung Taguig lang?
08:35Yes. So bakit nyo hindi nakita yung Angguno?
08:38Ang nakita po, yung pinipirma ko ng CDO, yung inialagyan nilang...
08:42No, no, no, no, sir.
08:44You were interviewed...
08:45The project itself...
08:46Sir, you were interviewed and you were speaking about Taguig.
08:51So you know Taguig.
08:51Baka po Mr. Senator na ko yung in-interview.
08:54Hindi lang po Taguig yung sinasabi ko.
08:55Yes.
08:56Hirit naman ni Senadora Pia Cayetano, dapat hindi nagagamit ang mga opisina ng gobyerno sa politika.
09:02Bakit in public, pinapalabas nyo na may masasamang nangyayari sa Taguig?
09:09And nakita ko, umiiling kayo.
09:10Kaya nga, umiiling po kayo.
09:12So I just wanted to point out, sir, so that I can give you an opportunity to explain
09:17na bakit ang sariling Facebook page ng LLDA,
09:22punong-puno ng mga update sa mga investigation nyo sa Taguig.
09:26Why the special interest?
09:28Opo, hindi ako personal na rin sasabi ng against Taguig.
09:32So bakit may ganito yung team nyo?
09:34So baka hindi po kami?
09:36Iniimbestigahan na ng ombudsman ang reclamation ng Taguig City
09:39na talaki rin sa pagdinig ang paghahanda ng gobyerno sa Super El Niño
09:45ayon sa Local Water Utilities Administration o LUWA
09:49na nasa ilalim din ng DNR.
09:51Isa sa hakbang na maaaring gawin ay magtipid ng tubig maging ang malalaking negosyo
09:57maging mga opisina raw ng gobyerno ay magtipid.
10:00Ano po yung plano para sa irrigation at pagdidilig ng mga golf courses,
10:06pagpuno ng swimming pools sa mga water parks,
10:09pagpapatakbo ng mga fountains sa mga resorts,
10:13hihigpitan ba yan?
10:14Kasama na po yun sa memorandum circulars namin na tinitingnan na pwedeng bawasan
10:18or temporarily close yung mga business.
10:23Including yung closure ng valves sa mga government facilities at certain times.
10:30Gusto nga namin gawin na sa LUWA yun eh, just to conserve.
10:33Paglilidaw naman ang LUWA,
10:35hindi naman sila basta magpapatigil ng operasyon ng negosyo
10:38dahil meron ding mawawalan ng trabaho.
10:41Last option raw ito.
10:43Ayon sa DNR, 14,000 na barangay ang pinakamaapektohan ng Super El Nino.
10:50Kasama ang mga barangay sa Masbate, Calapan City, Oriental, Mindoro, Isabela at iba pa.
10:56May mga programa na raw ang DNR para sa kanila.
10:59For every El Nino cycle, sila rin po lagi ang tinatamaan.
11:04So it's a very important map kasi dun sa sinabi niya,
11:08na liba baka itong mga Masbate City, Calapan City, Isabela Cluster, Cagayan Valley,
11:13baka chronically naapektuhan ng El Nino, not just this Super El Nino.
11:20Tama po yun, Madam Chair.
11:22In fact, we've actually seen modelings that they've done of previous El Nino years
11:28na kung saan po nagkaroon ng drought, na it always comes back to all the same provinces po.
11:34Sandra Aguinaldo, Nakatuto, 24 Horas.
11:42Kunyo pa noong tumama ang malakas na lindol sa Mindanao,
11:46pero hanggang ngayon, hindi pa nakaka-uwi sa kani-kanilang tahanan
11:50ang ilang residente sa malapatan sa Rangani.
11:54Dagdag pahirap ang pananatili nila sa mga tent,
11:57lalo ngayong mainit ang panahon.
12:00Kaya agad kumilos ang GMA Kapuso Foundation para matulungan silang magkaroon ng mas maayos
12:07at mas ligtas na masisilungan.
12:16Sa bayan ng malapatan sa Rangani, nakatira ang katutubong blaan na kabilang sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na
12:25lindol noong Junyo.
12:27Pero hanggang ngayon, sa mga tent pa rin namamalagi ang marami sa kanila.
12:32Kasama sila sa matutulungan ng ipapatayong mga kapuso ni Tori Temporary Shelter Ponds
12:40sa pagtutulungan ng GMA Kapuso Foundation at ni Tori Holdings Company Limited.
12:47Kahit temporary lang, basta mayroon.
12:49Pasalamat kami sa GMA kasi sila ang tumulong sa amin.
12:54Naging posible po yan sa pamagitan ng 30 milyong pisong cash donation
13:00ng ni Tori Holdings Company Limited para sa nasalantan ng lindol.
13:05Ang GMA Kapuso Foundation agad na nagsagawa ng ocular visit at conference
13:10sa mga local government unit beneficiaries sa Soxargen para matukoy ang mga lugar na pagtatayuan.
13:19It really plans to give the LGU a facility to provide temporary home na private, na dignified for the victims
13:31of calamities.
13:32Complete out of the requirements, mayroon MGB clearance.
13:34Lumapit din tayo sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology
13:39upang malaman kung may posibleng panganib sa mga lugar na napili nating patayuan.
13:46As long as we follow, may interventions tayo for the hazards na I've mentioned.
13:51Pero kung walang engineering interventions, magtatayo ka ng bahay doon, pwede kasing kakaroon ng landslide.
13:57We considered yung mga sheltered patch na light materials at it will be constructed closer to the ground
14:04so that whenever there is a jolting or there is a movement, it can resist the movement.
14:11Sa mga nais makiisa sa aming mga projects, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account
14:17o magpadala sa Cebuana Lawyer, pwede rin via QR code ng Gcash at PalawanPay
14:24o mag-donate online sa Gbayanian, Globe Rewards at Metrobank Credit Cards, Lazada at Shopee.
14:39Dagdag na chikahan tayo!
14:41Sizzling hot in her white two-piece, si Rian Ramos.
14:45Isinear niya rin ang iba niyang ganap habang nagbabakasyon sa Balicine Island.
14:51Chris Brunel is bringing sexy back!
14:55Napawaw at sana all!
14:58Ang marami sa flex na yan ni Chris na bunga raw ng kanyang consistent na pag-wo-workout.
15:05Feel na feel ni Shuvie Atrata ang pagiging turista sa Canada.
15:09Sa ilang throwback totals, binalikan ni Shuvie ang kanyang pagbisita sa Lake Louise.
15:16May halos isang buwan pa pero ngayon pa lang pinaghahandaan na ang taonang belenismo ng tarlak.
15:24Katsunayan, may pasulyap na sila sa mga engrandeng disenyo ng mga higante nilang belen ngayong taon na nakatutok si Tina
15:32Panganiban Perez.
15:38Mahukulay, maliwanag at likhaan ng komunidad gamit ang eco-friendly at recycled materials.
15:45Yan ang nagagandahang belen na taon-taong ibinibida sa tarlak na kilala rin bilang belen capital of the Philippines.
15:53Ang tradisyong sinimula noon pang 2007, nananatiling buhay hanggang ngayon at pinaghahandaan na rin para sa selebrasyon ngayong 2026.
16:05Yung iba naman is nag-aayos na nakatratos na sila sa purchase.
16:09So meron nang nag-unti-unti is nag-develop na ng kanilang mga entes.
16:13Sa November 4 pa magbubukas ang ikalabinsyam na belenismo sa tarlak.
16:18Pero ngayon pa lang, masisilit na kung gaano kalaki at kaeng grande ang mga magiging disenyo sa lugar.
16:26Ayon sa Provincial Tourism Officer, 53 grupo ang lalahok sa iba't ibang kategorya ng belenismo.
16:34Very competitive daw sila, kaya dapat abangan ang kanika nilang entries.
16:39Abang-abang ko talaga yearly ang belenismo. Maraming mga pasabog po yan.
16:44Katulad niya, meron tayong mga Hall of Famer. Mas malaki at mas pasabog po yung kanilang mga entries.
16:51Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
16:56Lalaban ulit para sa gintong medalya si Carlos Yulo sa World Gymnastics Championships na ginaganap sa The Netherlands.
17:03Lalaban siya sa kaparehong aparatos sa 2026 Asian Games kung saan niya nakuha ang dalawang gintong medalya para sa Pilipinas.
17:12Sa qualifiers ng floor exercise, pumangalawa ang Golden Boy habang nasecure niya ang pang-anim na pwesto sa vault.
17:21Gaganapin ang finals ngayong weekend, may tatlo ng World Artistic Gymnastics Championship titles si Carlos.
17:27Una sa floor exercise noong 2019, habang 2021 at 2025 naman sa vault.
17:36Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang bagong Philippine Coast Guard o PCG Commandant si Vice Admiral Romel Supangan.
17:44Siya po ang kumalit kay Admiral Ronnie Gilgaban na nagretiro na sa servisyo.
17:49Si Supangan ay naging miyembro ng Philippine Military Academy, Class of 1995.
17:53May kit tatlong dekada na rin siyang nagsisilbi sa PCG.
17:56Sa turnover ceremony, nangako si Supangan na ipagpapatuloy ang PCG modernization, maritime patrols at cooperation sa Coast Guard ng ibang
18:05bansa.
18:06Isa raw sa unang utos ng Pangulo ang pagpapatuloy ng deployment sa karagatan para protektahan ang sovereign rights ng Pilipinas.
18:15Nagsagawa ng anti-piracy exercises ang mga Coast Guard ng Pilipinas at Japan ay sa PCG.
18:23Makatutulong din ang naturang pagsasanay sa pagsugpo ng mga maritime crime gaya ng smuggling at illegal fishing.
18:32Nakatutok si Befin La.
18:38Dihamak na mas maliit ang BRP Cape San Agustin sa mga barko ng Philippine at Japan Coast Guard na pumaligid
18:44sa may Kurohidor Island.
18:46Maya-maya, may mga mas maliliit na patrol vessel nang dineploy ang mga barko para bumuntot sa Cape San Agustin.
18:53At nang marating ito, sumampa ang mga tauhan ng PCG at JCG at hinalughog ito.
18:59Bahagi yan ng exercises ng dalawang bansa kontra sa Pamimirata at pagnanakaw na may dahas sa karagatan.
19:06Lulan po tayo ngayon ang BRP Melchora Aquino ng Philippine Coast Guard,
19:09isa sa mga barko na kaisa sa anti-piracy exercises ng PCG at Japan Coast Guard sa karagatan malapit sa
19:16Kurohidor Island.
19:17Ang senaryo po rito ngayon ay re-respondehan nila ang suspected pirate ship na BRP Cape San Agustin ng PCG.
19:24It happens on the high seas. Ibig sabihin, hindi siya sa jurisdiction ng teritory natin.
19:31Kahit sa angka, pwede kang hulihin. Kahit anong bansa, pwedeng humili sa iyo.
19:35Ang pakinabang nun ay sana mabawasan yung piracy at saka armed robbery at sea.
19:43Importante kasi yun may coordination kasi maraming cases na pag may miscoordination, nakakatakas yung pirate rate.
19:53Mahalaga raw ang iisang adhikain na mapanatiling ligtas ang karagatan, particular sa Asia.
19:58Asian state must have some arrangement to cooperate because no one country can really secure entire ocean passage for their
20:07maritime trade.
20:07Ang ganitong pagsasanay ay mahalaga rin daw sa paghasa ng kahandaan ng Coast Guard para mamonitor at masugpuang iba't ibang
20:15maritime crime, gaya ng illegal smuggling at fishing.
20:19Bea Pinlock, nakatutok 24 oras.
20:23Sa kanilang pulong kanina, ipinaabot ni Chinese Ambassador Jing Kwan kay Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro,
20:31ang kanyang pagpalag sa pagtawag na threat o pagbabanta ang nauna niyang pahayag.
20:36Sabi ni Jing, pagbabanta raw kung sinabi niyang sasaktan kita kung hindi kasusunod.
20:42Pero ang sinabi raw niya ay kahit kaya nila, wala raw siyang intensyong gumamit ng dahas dahil magkaibigan at malapit
20:49na magkapitbahay ang Pilipinas at China.
21:0217 firm acting and counting ang It's Showtime!
21:07Buwan naman ang pasabog sa kanilang anniversary celebration ng paandar na beauty and wit sa Miss Q&A ng ilang
21:14sparkle artist at ex-PBB housemates.
21:17Kilalanin sila at ang kanilang pageant alter ego sa chika ni Athena Imperia.
21:25What is up, Madlang People?
21:31I am Ralph Amay Gento, yes!
21:37As in, Gento, Gento.
21:39Premyo sana dito ay Gento.
21:42Ang celebrity talakera mula sa kainta, na naniniwala sa kasabihang,
21:47kalimutan mo na ang iyong diyowa, kalimutan mo na rin iyong pamilya.
21:51Pati ulam sa lamesa, huwag lang kalimutan ang host ng Maalaala Mo Kaya!
22:00Nagbamalas ng wit at pagiging talakera si na Born to Shine cast member Ralph Miyako
22:06at Delivery Boy star Vince Maristela
22:09bilang mga buena manong kandidata sa special episode ng Miss Q&A
22:14sa unang araw ng week-long 17th anniversary celebration ng It's Showtime.
22:20Kasama ng dalawa ang PBB boys na si na River Joseph.
22:24My name is River, Jin Fa.
22:28Ralph De Leon.
22:29Ako ba si Masa Ralph?
22:32Mmm, De Leon!
22:36At It's Showtime host, Ryan Bang.
22:39Saranghe, Romino!
22:44Game na nagpa-interview sa GMA News ang Sparkle Artists as their Contesera Alter Ego.
22:50Hindi raw pala biro ang preparations at ang mismong pagsalang sa stage ng mga contestant.
22:55Ito, masakit na yung paa ko!
22:58Masakit na yung ulo ko!
23:00Wala, ang hirap talaga.
23:02Fulfilling kasi opportunity to para mag-immerse kung gaano kahirap sumali ng queer pageantry.
23:08And siyempre, bigyan na din ng support ah, yung mga sumasali dito.
23:12Nahirapan po ko maghanap ng hills kaya today lang din po ako nasanay.
23:16Kaya naman hit na po siya.
23:17Nasanay na.
23:18Na-utal na po ako sa sobrang kabado as in.
23:23Kaya super taas kamay po talaga ako sa mga sumasali po ng pageants.
23:27Lalo na po kapag may Q&A portion po.
23:30Kasi super bigat ng pressure po kapag alam mong all eyes on you.
23:38Tulad ng pasabog na opening number featuring It's Showtime hosts kanina,
23:43asahang maghahatib pa ang noontime variety show ng bonggang production numbers
23:48sa mga susunod na araw kung saan bibida ang ilang OPM hitmakers.
23:54Kwento ni Unkabogable star Vice Ganda,
23:57marami silang inihandang sorpresa sa mga madlang kapuso at kapamilyang patuloy silang sinusuportahan.
24:04Iisang araw ang kanilang goal every day.
24:10Nakasulat yun sa labas ng studio namin.
24:12Pagpasok mo pa lang makikita mo nakalagay, make the madlang people happy.
24:16So sa umaga pa lang, pagdating namin, yun ang makikita namin.
24:18Hanggang sa pag-uwi namin, paglabas namin ng studio, mababasa pa rin namin.
24:21Kaya malinaw sa amin kung ano yung intention.
24:23Thanko lang it's Showtime sa pagsasani puwersa ng ABS-CBN at GMA Network
24:29para patuloy na maghatid ng saya sa madlang people.
24:32We're very happy that we are blessed with a partner, GMA.
24:36If not for GMA, nasa na tayo ngayon?
24:38Facebook, YouTube, diba?
24:40Ang laking bagay yun, nung pagtanggap at pagyakap sa atin ng GMA.
24:45Kaya we are forever going to be very grateful to GMA.
24:49Athena Imperial updated sa Showbiz Happening.
24:53Your delivery rider has arrived on national TV.
24:57Sabay-sabay pinunood ng cast ng Delivery Boy ang world premiere ng series kanina.
25:02At may bonus pang chant mula sa mga bidang si Will Ashley at Mika Salamanca.
25:07Ito chika yan, ni Aubrey Karamden.
25:13Pilot episode pa lang ng Delivery Boy maa-action na ang eksena ng karakter ni Will Ashley na si Boy.
25:19Ipinakita na rin na mayroon siyang dyslexia.
25:22Kahit may ganitong kondisyon, patuloy siyang lumalaban sa buhay para maabot ang pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya.
25:30Siyempre napaka-importante na may hatid yung mga parcels sa tamang address.
25:35Pero kasi dahil nga mayroon siyang dyslexia, mayroon mga pagkakataon talaga na nagkakagulo-gulo yung mga letra.
25:42B.I. Boy! B.I. Boy!
25:45Ang pilot episode na puno ng kilig, dawa at good vibes,
25:49sabay-sabay na pinanood ng cast sa pangunguna ni Will Ashley at Mika Salamanca.
25:54Present din si Nevinz Maristela, Yasser Marta, Nicoy Morales, Gio Alvarez at Eric Kizon.
26:02Masaya raw si Will sa mga natanggap ng magagandang komento tungkol sa serye.
26:07Eh, nakakatuwa, nakakataba ng puso. Grabe.
26:10Hindi ko ma-explain, hindi ko ma-explain yung feeling, lalo first time din talaga ito.
26:15I'm very blessed na makasama yung mga cast ngayon na mapanood ng first ep ng Delivery Boy.
26:22Lagi po namin nababasa kanina is nakakatawa daw po, nakakatuwa, light yung vibe ng serye namin.
26:29Which is yun din po yung gusto namin paramdam sa mga tao.
26:31Tulad ng lagi namin sinasabi na tuwing napapanood nila, ngiti talaga yung makikita nila.
26:36Habang nanonood, may sinisigaw pa ang cast na madalas daw nilang i-chant sa set.
26:42Be like boy! Be like boy!
26:45Si Boy po kasi yung character niya dito, mabait po talaga siya.
26:48Kung baga kahit ano nangyayaring trahedya sa buhay niya, nakangiti lang siya, positive lang siya.
26:53So yung mga tao, lagi namin sinachance sa set, parang be like boy!
26:57Ipinasilip na rin ang karakter ni Mika na si Cheryl, na soon ay makikilala na rin.
27:03Bukod sa magandang tanggap ng serye, proud din si Mika sa pagkakataong magkatrabaho at matuto
27:09mula sa mga manghuhusay na artista, lalo na sa kanyang leading man.
27:15Nakaka-proud po talaga kasi nakikita mo siya, harap-harapan na umaarte.
27:20Nakaka-inspire maging magaling na artista, pagkasama mong umaarte, mga magagaling na artista.
27:25Lagi ko naman sinasabi sa kanya, na-appreciate ko talaga yung bukod sa mga sinasabi niya sa akin,
27:32yung presence niya of course, napakalaking bagay for me.
27:35Kaya every time talaga na may gagawin kaming scene, sobrang smooth lang.
27:40Sobrang smooth talaga. Kasi sobrang palagay na ng loob namin sa isa't isa.
27:45Aubrey Carampel, updated si Showbiz Happening.