00:00Binuwag na ng lokal na pamalaan ng Quezon City ang Task Force Disiplina.
00:05Kasunod po yan ang insidente ng pamamaril ng isang miembro ito
00:09na ikinasawi ng tatlong magkakaibigan kabilang ang isang minor de edad.
00:15Ayon sa QCLGU, inatasin ni Mayor Joy Belmonte ang lahat ng miembro ng Task Force Disiplina
00:22na bumalik sa Department of Public Order and Safety na nangangasiwa sa kanila.
00:27Pero para manatili sa serbisyo, kailangan munang pumasa sa masusing background check,
00:33neuropsychological exam, drug test at kailangang may NBI at police clearance.
00:39Paglilinaw pa ng LGU, walang baril na ini-issue sa mga miembro ng Task Force Disiplina.
00:46At dahil wala na dapat otorizadong operasyon o pagroronda sa ilalim ng Task Force Disiplina,
00:53hinihikayat ang publiko na i-report sa Helpline 122 kung may makikita silang lalabag
00:59o kung may impormasyon tungkol sa mga sibilyang nagdadala o nagtatago ng hinihinalang iligang na armas.