00:00Isinalang na sa counseling at intervention ang dalagitang nag-post ng posibleng pamamaril o pananaksak sa kanyang high school sa
00:08Tulosa, Leyte.
00:10Naghigpit na sa paaralan na nasa kalapit bayan lang ng Tacloban kung saan may tatlong napatay sa pamamaril.
00:16Nakatutok si Nico Sereno mula sa GMA Regional TV.
00:25Isang araw lang matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City,
00:31nang ipost naman online ang babalang may mangyayari umanong pamamaril o pananaksak sa Tulosa National High School sa kalapit bayan
00:40na Tulosa, Leyte.
00:41Kapansin-pansin ang pinaiting na siguridad sa paaralan nang puntahan ng GMA News Bisdak Team.
00:47Pero wala ang principal na hihingan sana ng pahayag kaugnay ng post ng isa nitong labing apat na taong gulang
00:54na estudyante.
00:55Monitoring pa kami sa bata at saka dun sa school nila.
01:00Palagi po kami may dinideploy dun na mga polis.
01:04Mayroon naman silang mga security guard dun sa school.
01:08At saka tumutulong din yung mga barangay tanod na para maprevent natin kung ano naman mga krimen.
01:14Isinalang na ang dalagitang nagpost ng banta sa counseling at intervention ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO.
01:24Sa pagsusuri ng psychiatrist ay nalamang may iniindang problema ang dalagita na gumawa pa ng ibang social media account para
01:32sa post.
01:33Nakarating ang post kay Sen. Bam Aquino kaya ipinalam kay Interior Secretary John Vic Remulia.
01:40Sa family medyo merong konting problema at saka yung bata nabubuli po siya.
01:47Grade 9 pa lang daw, nabubuli na sa school until now ng mga classmates niya.
01:53Nag-amin po siya na nag-sorry din siya po sa parents niya.
01:58Rekomendasyon ng social worker, huwag munang ibalik sa face-to-face class ang dalagita at isasailali muna sa modular learning.
02:06Kukontinue ko po yung pag-visit sa family, hindi lang sa kanya pati yung family kailangan ma-serve,
02:13tsaka mabigyan din ng karapat-dapat ng servisyo galing sa LGU, tsaka sa government natin, tsaka ongoing din yung counseling.
02:22Nangako naman ang munisipyo na tutulong sa pag-agapay sa estudyante.
02:27Hindi lang hanggang doon lang, so up to the last day na siya itong bata, e makarecover na.
02:35Maging alerto kami ko.
02:38Abiso ng polis maging mapanuri sa mga social media posts.
02:42Huwag tayong magbibigay o magpokus ng mga hindi makakatulong.
02:50Di ba may kasabihan na tayo na think before you click.
02:55Mula sa GMA Regional TV, Niko Sireno, nakatutok 24 oras.
03:01Mga kapuso, kaugnay pa rin sa pagkamatay ni Rene Baterponia at Divine Adili.
03:07Umarap na rin sa National Bureau of Investigation ang presidente ng Ateneo de Manila University.
03:13Nakatutok si John Consulta.
03:19Sa pagpunta kanina sa National Bureau of Investigation ni Father Roberto Bobby Yap,
03:24ang presidente ng Ateneo de Manila University,
03:27isinumitin niya ang mga dokumento na pinasupina ng NBI.
03:30Kaugnay ito sa pagkamatay ng mga Ateneo athletes na sina Rene Baterponia at Divine Adili.
03:36Ayon sa ating source, sinigot daw ni Yap ang mga tanong ng NBI agent on case,
03:40bagamat may ilang tanong na hindi niya direktong sinagot.
03:43We have been since day one with the Baterponia and Adili families.
03:49We have condoled with them, we have apologized, we continue to condol with them, we continue to apologize.
03:56And we have offered and have given support and assistance to them and we will continue to do so over
04:03several years.
04:05Nauna ng humarap sa NBI si Tab Baldwin, ang nakaupong coach ng Ateneo Blue Eagles,
04:10nang mamatay sina Baterponia at Adili.
04:12Ayon sa source, apat na tanong lang umano ang sinagot niya at isinumitin na lang ang kanyang sworn affidavit.
04:19Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, itatrato nila ng patas ang mga sangkot sa pangyayari.
04:24We will be fair, we will be professional dito.
04:27Kung ano at saan tayo dadalhin ang mga imbedensya, doon natin dadalhin niya.
04:31Na ihahe na kanina ng PNP CIDG ang rekomendasyon nito para kasuan ng paglabag sa anti-hazing law si Baldwin
04:38at sampu pang membro ng coaching staff at personnel ng Ateneo Men's Basketball Team.
04:43Sa tanong kung pwedeng pagsamahin ang ifinail na reklamo ng CIDG at ihahe ang reklamo ng NBI.
04:49That is the option and the prerogative of the Department of Justice.
04:53Kung ano yung findings namin, we will continue to finish it and submit it with the DOJ.
04:59For them to use it also for proper disposition kung ano yung mga mga fileman na kaso.
05:04Sa lunis inaasang harap ang limang tao pang pinasupinan ng NBI maging ang paglating ng mga karadagang dokumento mula sa
05:10kampo ni Father Roberto Yap para kumompleto sa sinasagaw ang imbisikasyon ng NBI Homicide Division.
05:16John Consulta, nakatutok 24 oras.
05:24Very supportive ang fans sa love life ni Sanya Lopez na recently ay nakakuha rin ng approval mula sa kanyang
05:31kuya Jack Roberto.
05:32Pero di lang yan ang kilig na hatid ni Sanya dahil mag-comeback din ang sambala nila ni Gabby Concepcion
05:38simula lunes.
05:40Makichika kay Athena Imperial.
05:42At dinurma ko to. Melody!
05:44May magbabalik para magpakilig.
05:48Sir, kailan niya naramdaman yung kuryente?
05:52Puti dumating ka.
05:53Dukuunang naramdaman yung kuryente.
05:55Yan ang tambala ni Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa seryeng First Yaya.
06:00Mapapanood na yan simula lunes, June 29, 9.35pm sa GMA at 11.25pm sa GTV.
06:08Bago yan, napalaban sa isang extensive physical activity si Sanya Lopez at ang kanyang fans para sa kanilang 10th anniversary.
06:22Nag-hiking at nagtanim ng mga puno ang grupo sa bahagi ng Sierra Madre Mountains sa Antipolo.
06:28I really wanted to give back to our mother nature.
06:31Ang maganda rin na nangyari kasi syempre nagiging healthy pa tayo at the same time.
06:35Hindi lang yung nature ang napapaganda natin kundi yung mga sarili natin dahil talagang pataas, paakyat, so napapalaban talaga tayo.
06:42Thankful si Sanya sa kanyang supporters na nakasama niya.
06:45As fans na naging friends na rin ni Sanya, happy sila sa relationship status ng sparkle actress.
06:51Mas gusto ko lang rin naman na private muna yung life natin na yun, pero sila naman din, in fairness
06:58sa Sanya Warriors, nakakatuwa sila na alam mo yung support sila.
07:02Kung sino man yan, kung sino makapagpasaya sa'yo, masaya din sila.
07:06Happy rin si Sanya na approve sa kanyang kuya Jack Roberto ang boyfriend na ipinakilala na niya.
07:11Yung kuya ko yung tumayong tatay na sa'kin eh. So ngayon, kung makakahanap man ako ng partner, kung siya
07:18na ba talaga, syempre yung trust ng kuya ko, sana hindi masira yun.
07:23Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings!
07:27Naaresto na ang tatlo sa apat na suspect sa paumaril ng isang college graduate sa Pantukan, Davao de Oro.
07:34Kabilang sa posibleng motibo ayon sa polisya, love triangle.
07:37Nakatutok si Sarah Ilomen Velasco ng GMA Regional TV.
07:47Tinangkapang tumakas at hostage-in ng lalaking ito ang sariling anak, pero naaresto pa rin siya ng mga otoridad.
07:54Isa siya sa apat na sospek sa likod ng pamamaril ng isang college graduate sa Pantukan, Davao de Oro kahapon.
08:02Na-hostage ni anak niya, tinakbo niya, pero sopan na pasipay naman pa ng mga polis natin.
08:07Na-aresto rin ang dalawa pa niyang kasama habang patuloy na hinahanap ang ikaapat na sospek na hinihinalang karelasyon ng
08:15biktima.
08:16Personal na alitan at love triangle ang posibleng motibo sa krimen.
08:20We are looking for personal regards and love triangle which indicate us the most probability na yun ang motibo.
08:30Mag-aalauna ng hapon kahapon nang maganap ang pamamaril habang sakay ang biktima sa isang minivan.
08:38Apat na bala ang tumama sa biktima.
08:40Stable na ang kanyang kondisyon.
08:43Tutulungan siya ng munisipyo na nakikipag-ugnayan na rin sa investigasyon.
08:47Mula sa GMA Regional TV, Sarah Hilomen Velasco, nakatutok 24 oras.
09:06Hindi pa rin binuksan o minarkahan sa pre-trial conference ang selyadong kahon ng tax records ni Vice President Sarah
09:14Duterte at kanyang asawa sa gitna ng pagtutol ng defense team.
09:19Pero may pwede pang gawin, ayon po yan sa dating commissioner ng Bureau of Internal Revenue.
09:25At nakatutok si Sandra Aguinaldo.
09:38Natapos ang pre-trial conference kahapon nang hindi nabuksan o namarkahan man lang ang kahong ito na naglalaman ng tax
09:45records ni Vice President Sarah Duterte
09:48at kanyang mister na si Atty. Man Scarpio.
09:51Ito rin ang kahon galing sa Bureau of Internal Revenue o BIR na ipindirisinta noon sa House Committee on Justice.
09:59Sinubukan noong buksan pero natalo ang mosyon ng pagbutuhan ng mga miyembro ng kumite.
10:04Sa pre-trial conference, sinubukan muli ng prosecution na pabuksan ang kahon at pamarkahan ang mga dokumento pero tinutulad ito
10:13ng defense team ng Vice.
10:14Ang naging huling pasya, sa mismong impeachment trial na lang ito talakayin.
10:20Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, nasa custody ng kanyang opisina ang naturang kahon.
10:25Sabi ni Senate President Sherwin Gatchalian, pwede naman daw magmarka ng ebidensya kahit gumugulong na ang trial na magsisimula sa
10:33July 6.
10:34Hindi naman yan magkakaroon ng delay dahil hindi naman una-una kung magkakaroon ng pasya ang impeachment court ay doon
10:42na rin imamark yan.
10:44Pwede naman imark yan during the morning. Ginawa yan yung during the corona impeachment.
10:50Sabi ng prosecution, wala dapat kwestiyon kung anumang ebidensya ang nais pamarkahan nila.
10:55It only speaks to us one thing. Parang takot sila mabuksan itong box na ito. Baka ito yata yung smoking
11:05gun.
11:05Very important po yan doon sa unexplained wealth. Kung this is the only way we can actually explain kung tama
11:14ba po yung nakareflect sa SALEN na declared asset, declared liability at saka yung legal lawful income na tinatanggap na
11:23ating vice-presidente.
11:24Sagot naman ang kampo ng vice, walang kapangyarihan ng clerk of court na maglabas ng ruling sa anamang mosyo nila.
11:31Impeachment court daw ang magre-resolban nito. Nararapat din daw na mabigyan sila ng pagkakataong sumagot sa manifestation ng prosecution.
11:40Bagay na isusumiti nila sa araw na ito.
11:43Si dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Menares,
11:47nagbabala na malinaw sa batas na hindi basta-basta binubuksan ang tax records na isang tao dahil sa karapatian nito
11:55sa privacy.
11:56Dahil na isumiti na raw ito sa impeachment court, may paraan daw para mabuksan ito.
12:01If you want to disclose it, you have to, BIR, have to ask for permission from the President of the
12:10Philippines.
12:12Then secondly, you can only disclose it because there's a foreign government because of the exchange of information.
12:21So in this instance, all you have to do is ask permission from the President.
12:25Sa July 6 na ang simula ng paglilite sa BICE.
12:29Sabi ni Sen. Panfino Lacson, isa sa tatayong Sen. Judge sa trial,
12:34dapat payuhan ng impeachment court ang defense at prosecution na iwasang magkomento sa merits ng kaso.
12:42Hirit ng Senador, nagsimula na raw kasi ang ANEA trial, hindi sa korte, kundi para makuha ang loob ng publiko.
12:51Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
13:00Kapos man ang kita, patuloy na ginaggapang ng mga nakilala namin sa Dawaw Oriental at Sibuyan Island
13:07ang edukasyon ng kanilang mga anak.
13:09Kaya bilang suporta sa kanilang pagsisikap, hinatira natin ang ilang mag-aaral doon ng mga gamit pang eskwela.
13:21Pagkokopra, ang pangunahing kamuhayan ni Thelma na taga San Isidro sa Dawaw Oriental.
13:28Tatlongpong piso ang kita niya sa bawat basket na puno ng nyug.
13:33Kulang na kulang para sa tatlong niyang anak na nag-aaral na mag-isa niyang itinataguyod.
13:40Anam-anamon lang po na ako sa pagpalit, ma'am. Anam-anamon. Mahati-hati po sila ha.
13:45Importante yun po makalampos, ma'am. Makatabang po sila sa kupuhod.
13:50Pagtatanim ng kamoteng kahoy naman, ang naisip ni Deza na pagkakitaan para matulungan ang mister na manging isda sa Sibuyan
14:00Island sa Romblon.
14:02Maliit na bangkalang muna ang ginagamit ng kanyang asawa sa pamamalaot para hindi na gumamit pa ng gasolina.
14:11Mahal po dito ang gamit. Ang isang peraso po ay nasa 30 pesos po. Notebook, tsaka yung papel.
14:19Bago pa man magsimula ang pasukan, sinikap ng GMA Kapuso Foundation na makapaghatid ng kumpletong school supplies sa mga kinder
14:29at grade 1 students
14:30sa 72 eskwelahan sa Davao Oriental at 27 na eskwelahan sa Sibuyan Island.
14:38Mataas ang presyo ng mga school supplies dito dahil sa city pa binibili, Manila o kaya Rojas City.
14:46Kami po ay nagpapaabot ng aming pasasalamat sa GMA Kapuso. Malaking tulong sa mga eskwela namin.
14:53Sa kabuan, 6,000 mag-aaral ang ating natulungan doon.
15:00Sa mga nais makiisa sa aming mga projects, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa
15:07sumuwa na luluere.
15:08Pwede rin via QR code ng GCash at PalawanPay.
15:12O mag-donate online sa G-Bayanihan, Globe Rewards, Metro Bank Credit Cards, Lazada at Shopee.
15:24Nag-donate ng 2.5 million peso sa GMA Kapuso Foundation ang global icon na F Forever.
15:32Sina Jerry Yan, Vanes Wu at Vic Chu at Ashin.
15:37Ang donasyon ay mapupunta sa Operation Bayanihan,
15:41particular sa relief at rehabilitation efforts para sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
15:49Taos, puso po kaming nagpapasalamat sa kanilang kabutihang loob.
15:56Pumarap sa Quezon City Regional Trial Court ang isang state witness para sa mga kaso kaugnay ng missing sa Bungero
16:04na inilipat na roon mula sa Korte ng Santa Cruz, Laguna.
16:09Sa labing siyam na complainant, tatlo na lang ang dumalok na katuto.
16:14Si Oscar Oiga.
16:19Naka bulletproof vest at helmet at gwardyado ng mga tauhan ng Department of Justice o DOJ
16:25si Ella Kim Patidongan nang nagmamadali siyang ipasok sa Quezon City Hall of Justice.
16:31Isa siya sa mga state witness para sa kaso kaugnay ng mga missing sa Bungero
16:36na inilipat na sa Quezon City Regional Trial Court mula sa Santa Cruz, Laguna.
16:42Dito na itutuloy ang pagdinig ng mga kaso, bagay na hiniling ng ilan sa mga complainant.
16:47Medyo madali na po kasi sa aming pumunta dito, mas malapit na po kesa dun sa Santa Cruz.
16:54Kaya mas madali po namin mapupuntahan.
16:58Yun nga lang, ayon kay Dayan Loyola, tatlo na lang umano silang dumadalo sa mga pagdinig
17:03mula sa dating labinsyam na complainant.
17:06Siguro ano, yun na po talaga yung desisyon nila.
17:09Hindi naman na po namin yun mababago kahit na ano pong mangyari.
17:12Pero kami po yung mga natitira, patuloy pa rin po kaming lumalaban.
17:16Ngayong araw din ang schedule ng pagpapatuloy sa pagdinig ng petisyon ng mga kusado
17:21na makapagpiansa.
17:22Pero nang kumustahin ang isa sa mga abogado ng mga kusado,
17:26tumanggitong magbigay ng anumang pahayag sa harap ng kamera.
17:29Anya may umiiral na gag-order at iniiwasan nilang makontempt ng korte.
17:36Namataan din ang media ang pagpasok ng abogado ni Atong Ang
17:39na si Atty. Gabriel Villarreal pero di na ito nagbigay ng pahayag.
17:45Oscar Oida, Nakatutok, 24 Horas.
Comments