00:00Sa Tondo, Maynila naman, arestado ang isang lalaking ng loob sa isang laundry shop
00:05na tukoy ang suspect dahil sa kanyang tattoo ng mareso siya dahil sa iligal na droga.
00:10Balit ang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:14Gulo-gulo ang mga gamit sa loob ng isang laundry shop sa Tondo, Maynila.
00:19Nadatna ng mga staff nito umaga nitong Sabado, October 17.
00:23Sira ang kisame at bubong ng likurang bahagi ng shop.
00:27Nang suriin ang mga kuha ng CCTV, nakitang pinasok pala sila ng kawatan.
00:33Sa kuha ng CCTV, mag-aalas 8 ng gabi nitong biyernes,
00:37biglang sumulpot ang isang lalaking nakatakipang muka at nakasumbrero mula sa kisame ng laundry shop.
00:44Nang makita niya ang CCTV, kinuha niya ang hagdan at inilihis ito para hindi makita ang kanyang pakay.
00:51Dumaan dun sa dating opisina. Ngayon, bakante na yon.
00:59Siguro dun ang naging way ng mga nagnanakaw kasi hindi halata.
01:05Tinungkab nila yung bubong, yero. Dun sila dumaan.
01:10Natangay ng sospek ang perang nakatago sa laundry shop, ilang pabango at iba pang gamit.
01:16Nagtungo naman sa barangay ang may-ari ng laundry shop para i-report ang insidente.
01:21Nakipag-ugnayan naman ang barangay sa pulisya para matunggis ang sospek.
01:26Hapo naman itong linggo, namataan ng mga rumorondang pulisang naturang lalaki sa Fernandez Street.
01:32Nakuhanan siya ng umano'y iligal na droga, kaya't agad siyang inaresto.
01:37Ang trabaho kasi ng mga yan, paikot-iikot lang. Dito sa lugar namin, alam kasi lang, lugar namin tahimik.
01:45Madaling pasukin.
01:47Ayon sa pulisya, ang tato ng lalaking inaresto dahil sa umano'y droga ay pareho sa tato ng lalaking na
01:54hulikam na nanloob sa laundry shop.
01:57Nakakulong sa Rahabago Police Station 1 ang sospek na maaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
02:06Hindi na raw magsasampan ang hiwalay na reklamo ang may-ari ng laundry shop.
02:10Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang lalaki.
02:13Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.