Skip to playerSkip to main content
Muling uminit ang usap-usapan tungkol sa paggamit ng AI ng mga kompanya nang mag-viral ang post ng voice over artist na si Inka Magnaye.

Ayon sa kanya, nawalan ng voice over job ang kanyang ina dahil mas pinili ng isang kompanya na gumamit na lang ng AI kaysa sa totoong tao.

Ang tanong tuloy ng iba pang empleyado: possible bang maging sila ay mapalitan din ng AI? Aling mga trabaho ang posibleng maapektuhan ng ganitong kalakaran?

Alamin sa report ni Tina Panganiban Perez.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:06Hi! Ako nga pala ang papalit sa'yo sa trabaho mo. You're fired! Goodbye!
00:30Pero hindi ito dapat ginagamit na kapalit ng human talent.
00:36Ito rin ang panawagan ng mga manggagawa at empleyadong nangangambang mawala ng trabaho dahil sa paglaganap ng AI.
00:45Aling mga trabaho nga kaya sa Pilipinas ang posibleng maapektuhan ng AI?
00:52Batay sa pag-aaral ng Tokyo-based Think Tank na Asian Development Bank Institute,
00:5876% ng mga trabaho sa Pilipinas ang posibleng maging highly vulnerable sa automation pagdating sa taong 2030.
01:09Sa buong Southeast Asia, Pilipinas ang nangungunang bansa sa may pinakamaraming trabahong highly vulnerable to automation.
01:18Severe o pinakamatindi ang disruption sa service sector, lalo na sa business process outsourcing at sa information technology.
01:27na kabilang pa naman sa major employers sa Pilipinas.
01:32Sa katunayan, ayon sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines,
01:39bumaba ang kanilang inaasahang revenue o kita sa industriya.
01:43Sa kanilang 6-year roadmap noong 2022, $59 billion ang kanilang target revenue.
01:52Pero pagdating ng July 2026, ibinaba nila ito sa $43 billion to $50 billion hanggang 2028.
02:02Sa orihinal din nilang plano, inaasahang 2.5 million workers ang ma-e-employ hanggang 2028.
02:11Pero matapos ang kanilang midterm review ng roadmap,
02:15binabaan nila ang employment projection sa $1.85 million hanggang $2.14 million.
02:23Kabilang daw sa mga dahilan nito ang mabilis na pag-usbong ng AI, mas mabagal na investment flow at mahigpit
02:31na kompetisyon sa industriya.
02:33Pagamat ang mga apektadong empleyado ay nailipat na raw ng ibang posisyon.
02:39Batay naman sa pag-aaral ng International Labor Organization,
02:4412.7 million workers sa Pilipinas ang exposed sa Generative AI o Gen AI.
02:51Ito yung uri ng AI na may kakayahang gumawa ng bago at original content gaya ng text, image, audio, video,
03:01at computer codes.
03:03Hindi raw ibig sabihin ito ay mapapalitan o matatanggal ang mga empleyado,
03:09kundi magiging automated ang kanilang mga tasks o gawain.
03:14Pero 3.6% na mga trabahong may pinakamataas na Gen AI exposure ang mataas din ang tsansa ng job
03:23displacement.
03:26Batay nga sa pag-aaral ng International Confederation of Societies of Authors and Composers,
03:32posibleng bumaba ng 24% ang revenue ng mga nasa music industry.
03:38At 21% ang sa audiovisual creators pagdating ng 2028 dahil sa paglawak ng market ng AI-generated contents.
03:48Pero ayon kay Carl Jo Javier, isang AI ethicist, posibleng mas malaking dagok daw ito para sa mga Filipino creative.
03:58We have arts which historically has been undervalued.
04:04And then you have a tech movement which also pushed to undervalue art, right?
04:09Because they're like, I don't need artists anymore because this thing can generate images for me.
04:14Because the tech people, they actually don't really care about art, right? That's not their concern.
04:17They don't care about cultural preservation.
04:20Ayon kay Javier, ang desisyon ng ilang kumpanyang gumamit ng AI ay madalas bunga ng pagtitipid.
04:27Pero worth it bang ipagpalit ang budget sa kalidad ng output na kayang gawin ng isang totoong tao?
04:33Pwede bang pagsamahin ng AI at ang kakayahan ng isang empleyado para sa mas magandang kahihinatnan ng trabaho?
04:41When everyone had a computer, look at the productivity. The productivity gains.
04:47When you go to the office at lahat kayo may computer.
04:50Kasi dati, in the olden days, not everyone was assigned the computer.
04:54Ngayon, everyone will do more output.
04:56Now that we all have smartphones, we are more productive than we ever were.
04:59But none of those devices involve the removal of people.
05:04Naniniwala pa rin ng ilang eksperto na hindi kayang palitan ng AI ang tao sa trabaho.
05:10Ayon sa Harvard Business School, walang emotional intelligence ang AI.
05:16Kaya hindi nito kayang magresolba ng interpersonal conflict o intindihin ang gusto ang human behavior.
05:24Tao lang daw ang may kakayanang bumuo ng genuine human connection.
05:29Pero hindi maikakaila na malaking tulong ito sa pagpapagaan ng trabaho.
05:35Kabilang sa mga sugestyon ng ILO ang pagkakaroon ng targeted regional at sectoral policies at mga hakbang para matiyak na
05:45matatamasa ng lahat ng industriya ang beneficya ng Gen AI.
05:50Dapat rin daw ihanda ang mga manggagawa sa mga pagbabago sa kanila mga trabaho dahil sa teknolohiya at paigtingin ang
05:59proteksyon ng mga industriyang vulnerable sa AI o mga nangangalib mawala dahil sa artificial intelligence.
06:06I do think that everyone should be pressuring their legislators to pass legislation and regulation and hindi lang parang may
06:22budget for upskilling.
06:23All these technologies continue to change the world. How are we going to imagine and situate ourselves within this world?
06:29And how are we going to imagine our workforce and our economy within that context?
06:34So, kailangan, sana, we have people who are pushing in that direction.
06:40Ayon sa mga eksperto, ang AI ay isang efektibong tool para mas mababilis at gawing mas epesyente ang trabaho ng
06:48mga manggagawa kung ito ay magagamit ng tama.
06:51Ako po si Tina Panganibad Perez para sa GMA News.

Recommended