00:00Matagumpay na isinagawa ang ikalabing-anin na bilateral maritime cooperative activity
00:05ng Armed Forces of the Philippines at United States Pacific Command sa West Philippine Sea.
00:11Pero namataan pa rin ang ilang assets ng Chinese Coast Guard habang isinasagawa ang aktividad.
00:18Nakatutok si Chino Gaston.
00:24Lumapit at nagpalipad kahapon ng Agusta Westland Helicopter ang Philippine Navy
00:29sa may Bajo de Masinloc bilang bahagi ng Maritime Domain Awareness Patrol
00:33sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:36Nagmula ang helicopter sa BRP Miguel Malvar, isa sa pinakabagong barkong pandigma ng Pilipinas.
00:42Pero habang papalapit ng Bajo de Masinloc, dalawang Chinese warship at isang Chinese Coast Guard vessel ang namataan.
00:49Maya-maya pa, isang helicopter mula China ang bumubuntot sa nagpapatrol na helicopter ng Philippine Navy.
00:55Kagagaling lang ng BRP Malvar sa ikalabing anim na maritime cooperative activity ng Amerika at Pilipinas,
01:02kasama ang anti-mine warship na USS Warrior ng US Navy at BRP Melchor Aquino ng Philippine Coast Guard.
01:112012 pa, hindi umaalis sa mga Chinese vessels sa Bajo de Masinloc na inaangkin ng China
01:16kahit pa nasa loob ito ng EEZ ng Pilipinas.
01:19Sa karagatan ng Bajo de Masinloc, nangyari ang ilan sa pinakamalalang insidente sa pagitan ng Pilipinas at China,
01:27kagaya ng pangwawater cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng PCG at BIFAR,
01:32ang pagbuntot ng mga Chinese fighter jets sa MDA flights ng PCG,
01:37at ang banggaan ng Chinese Coast Guard vessel at isang Chinese warship habang hinahabol ang BRP Suluan.
01:44Kahapon, sinabi ng Chinese ambassador to the Philippines na mahalagang ibalik ang military-to-military communication
01:50sa pagitan ng China at Pilipinas para maiwasan ang posibilidad ng komfrontasyon sa karagatan.
01:57You know, China, U.S., we have a lot of difficult issues, but for many years, we keep the communication
02:03line open.
02:04Because if you keep the communication line open, you reduce certain misunderstanding.
02:10You prevent certain potential conflicts.
02:14If you don't talk to me, that's the loss. You lose. You face more risks.
02:19Dati ng sinabi ni Defense Secretary Gilberto Tudoro Jr. na tatlong taon nang suspendido
02:25ang military-to-military communication ng dalawang bansa.
02:29Posibling maibabalik lang daw ito kung magpapakita ng sinsaridad ng China,
02:34lubayan ang pag-aangkin sa EEZ ng Pilipinas
02:37at itigil ang mga aniyay predatory tactics nito sa karagatan at himpapawid.
02:44Sino gasto na katutok? 24 oras.
02:49Sino gasto na katutok? 25 oras.