Skip to playerSkip to main content
‘Machong Chismisan’ podcast na inilarawan ang anak ni Kris Aquino na si Josh na ‘walan kuwenta’ at ‘nakatunganga lang’, binatikos 


Patawang hindi nakakatawa!


Ganiyan tinawag ng Autism Society of the Philippines, ang isang podcast na ginawang katatawanan ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh na nasa Autism Spectrum.


Ang komento nilang “walang kuwenta” at “nakatunganga lang”, pinalagan ng marami.


Isa na riyan ang National Bureau of Investigation na pinaiimbestigahan ang mga host ng podcast para sa karampatang kaso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patawang hindi nakakatawa.
00:03Ganyan tinawag ng Autism Society of the Philippines
00:07ang isang podcast na ginawang katatawanan
00:10ang panganay na anak ni Chris Aquino na si Josh
00:13na nasa Autism Spectrum.
00:16Ang komento nilang,
00:18walang kwenta at nakatunganga lang.
00:22Pinalagan ng marami.
00:24Isan na rin yan ng National Bureau of Investigation
00:26na pinaimbestigahan ng mga host ng podcast
00:29para sa karampatang kaso.
00:32Nakatuto si Mark Salazar.
00:37Sa pagbati ni Chris Aquino sa 31st birthday
00:40ng kanyang panganay na si Josh,
00:42tinawag niyang inspirasyon ang panganay na anak.
00:45Nagpasalamat din ang aktres kay Josh
00:47sa pag-aalaga nito sa kanya
00:49sa panahon ng kanyang karamdaman.
00:51Sa mga panayam,
00:53bukas din si Chris sa pagtalakay sa kondisyon ni Josh.
00:56Na ipinanganak na may Autism.
00:58Ayon sa World Health Organization o WHO,
01:02ang Autism ay isang kondisyon
01:03na may kinalaman sa pag-develop ng utak
01:06na nakaka-apekto sa paraan ng pakikipag-usap,
01:09pakikisalamuha,
01:10at pagkilos ng isang tao.
01:12Iba-iba ang kakayahan
01:13at pangangailangan ng bawat taong may Autism.
01:16Kaya mahalagang maunawaan
01:18at masuportahan sila
01:20sa paraang angkop sa kanila.
01:22Pero ang kondisyong ito ni Josh
01:24ang ginawaumanong katatawanan
01:26sa podcast na Machong Chismisan.
01:29Sa isang episode nito,
01:31habang nagtatawanan ang mga host,
01:33maririnig ang mga salitang walang kwenta
01:35at nakatunga nga lang patungkol kay Josh.
01:39Bumahan ang galit
01:40mula sa mga na-offend para kay Josh
01:42at sa kanyang pamilya.
01:44Nag-react pati ang mga senador
01:45at ang kongreso,
01:47ang Department of Social Welfare and Development
01:49at iba pang grupo.
01:51Ang TV host na si Boy Abunda
01:53ang isa sa mga unang tumindig
01:55laban sa panlalait kay Josh.
01:57Habang pinapanood ko po ang clip na ito,
02:00hindi ko alam
02:01how this bunch of podcasters
02:05na mukhang mga matatalino,
02:08edukado,
02:10ay
02:12magagawa ang ganitong
02:13kakruwel
02:14na komentaryo.
02:17Alam niyo po ang masakit
02:19ay
02:20yung
02:23he was being compared to BIMB.
02:26Nakatunga nga lamang,
02:28walang kwenta,
02:29and you are talking about
02:31a young man
02:32with disability.
02:35You're talking about
02:36a special boy.
02:37Tinawag ng Autism Society of the Philippines
02:40na patawang hindi nakakatawa
02:42ang joke ng machong chismisan.
02:45Hindi raw punchline ng disability
02:47at ang pamamahiya ay
02:49hindi raw entertainment.
02:50Tinukoy nito ang Magna Carta
02:52for Persons with Disabilities
02:54na nagbabawal sa pangungutya,
02:56panlalait o panunukso
02:58sa mga persons with disability
02:59dahil sa kanilang kapansanan.
03:02Paalala nito,
03:03may itinatakdang parusa ang batas
03:05para sa mga paglabag dito.
03:07If Chris would ask me,
03:08we haven't had a chance
03:10to speak about this,
03:11I would tell her,
03:12go to court.
03:13Demanda mo?
03:15Dahil ito'y labag sa batas.
03:17Hinihingan pa namin
03:18ng pahayag si Chris.
03:19Pero kanina,
03:20binasa ni Abunda
03:21ang mensahe sa kanya
03:22ni NBI Director Melvin Matibag.
03:25Melvin told me
03:26na iuutos niya
03:27sa Cybercrime Division
03:28at Special Action Unit
03:30ng NBI ngayong araw
03:32na imbestigahan
03:33ang hosts ng podcast
03:35na Machong Chismisan
03:37at sampahan ang mga ito
03:39ng karampatang kaso
03:40na aayon po sa batas.
03:42Ang binabatikos na episode
03:44ng podcast
03:45agad na tinakedown.
03:46At sa isang pahayag
03:48ng pod network,
03:49sinabi nitong
03:50pinutol na nila
03:51ang kontrata
03:52sa Machong Chismisan podcast
03:53at inalis na rin ito
03:55sa kanilang network.
03:56Tinerminate raw nila
03:57agad ang kontrata nila
03:59sa naturang podcast.
04:00Kaya wala na ito
04:01sa kanilang network.
04:02Sa isang pahayag
04:04ng isa sa mga hosts
04:05ng podcast,
04:06nag-apologize si Tito P
04:08para sa kanyang mga sinabing
04:09pangmamaliit kay Josh
04:11na nakasakit sa kanyang
04:12mga mahal sa buhay
04:13at sa mga taong
04:14nakaka-relate sa kanya
04:16bilang isang individual
04:17na nasa autism spectrum.
04:19Maging siya man daw
04:20ay may ADHD
04:21o Attention Deficit
04:23Hyperactivity Disorder
04:24at ang kondisyon niyang ito
04:26ang dahilan daw
04:27kung bakit minsan
04:28hindi niya na-filter
04:30ang mga sinasabi niya.
04:31Hindi raw ito pangangatwiran
04:33at sinasabi niya lang ito
04:34para malaman ng taong
04:35wala siyang mali siya
04:36o intensyong makapanakit.
04:39Papakinggan din daw niya
04:40ang mga payo
04:40kung paano siya magiging
04:42mas accountable
04:42at mas magalang
04:44sa hinaharap.
04:45Nag-sorry rin
04:46ang co-host niyang
04:47si Makoy Pare
04:48sa PWD community
04:49at sa pamamagitan daw
04:51ng private channels
04:52hihingi rin sila
04:53ng paumanhin
04:54sa pamilya ni Josh Aquino.
04:56Wala pang pahayag
04:57ang tatlo pang podcaster
04:58nakasama nila.
04:59Pero sa isang pahayag
05:01na pinost sa Facebook page
05:02ng Machong Chismisan
05:04direkta silang humingi
05:05ng tawad
05:06kina Chris,
05:06Josh
05:07at sa buong Aquino family.
05:09Lubos daw silang
05:10nagsisisi
05:11at tauspusong humihingi
05:13ng kapatawaran
05:13sa kanilang mga
05:14pagkukulang
05:15at pagkakamali.
05:17Isang gabay
05:17mula sa isang
05:18child protection specialist.
05:20Hindi katatawanan
05:22yung ganitong kondisyon.
05:24So malungkot siya kasi
05:25parang
05:25with every content
05:27like this
05:28napopush back
05:29for a few years
05:30yung advocacy
05:30to develop
05:32understanding
05:33of the condition.
05:34So hindi siya
05:35dapat
05:36binibigyan
05:36ng espasyo
05:37sa entertainment.
05:38At bilang panghuli
05:39sa pahayag
05:40ng Autism Society
05:41of the Philippines,
05:42ang mensahe
05:43ay para sa mga
05:44content creator
05:45na nagpapatawa
05:46na kapag
05:47ang nakakatawa sayo
05:48ay panlalait
05:49sa kapwa,
05:50hindi ang reaksyon
05:51ng nasaktan mo
05:52ang problema
05:52kundi ikaw
05:54na naniniwalang
05:55ang kalupitan mo
05:56ay nakakatawa
05:57para sa iba.
05:58Mark Salazar
06:00Nakatutok 24 Horas

Recommended