Skip to playerSkip to main content
  • 2 hours ago
Narito ang maiinit na balita ngayong October 15, 2026


-Lalaking nanghablot ng P55,000 na hikaw ng babaeng naglalakad, arestado; Suspek, aminado sa panghahablot ng hikaw; pitong beses nang naaresto dahil sa pagnanakaw at panggugulo

-Mga palaisdaan sa Dampalit Mega Dike, halos araw-araw nang namamatayan ng mga isda dahil sa mainit na panahon

-Local thunderstorms, posible muli sa Metro Manila; ITCZ, magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa

-2, nasawi sa pagsalpok ng motorsiklo sa tricycle; driver at 3 pasahero, sugatan

-Babaeng motorcycle rider, patay matapos ma-hit-and-run; nakabanggang driver, aminadong nakainom nang nakaaksidente

-Sandamakmak na alamang na napadpad sa dalampasigan sa Barangay 2, pinagpiyestahan

-Head pastor, arestado dahil sa pangmomolestiya umano sa 3 menor de edad; itinanggi ang paratang

-Jillian Ward, may series at may concert sa kanyang pagbabalik matapos mag-break ng ilang buwan

-Isa, sugatan sa sunog sa isang compound sa BF Int'l Village;

5 lalaking sangkot umano sa pambubugaw, arestado; 41 kabilang ang 10 menor de edad, nasagip

-MWSS: Hindi kailangang mag-panic dahil walang water crisis sa Metro Manila kahit pa may Super El Niño; Manila Water: Ilang water treatment plants, kabilang sa mga alternatibong pinagkukunan ng tubig para sa Metro Manila;

-Ilang tauhan ng Police Clearance Team ng QCPD, inireklamo dahil nag-celebrate umano ng birthday sa oras ng trabaho kaya naantala ang operasyon

-BFAR at PCG, nagsanib-puwersa sa pagbabantay laban sa mga paglabag sa pangingisda sa karagatan; Inspeksyon sa mga barkong pangisda, inaasahang magsisimula sa October 23; gagawin ng humigit-kumulang 30 araw

-INTERVIEW: ENGR. WILHELM TIANGCO | OPERATIONS DEPT. MANAGER, NIA

-Usec. Castro: Hindi nag-object ang defense team sa pagbawi ng prosekusyon ng 3 Articles of Impeachment

-DepEd at DILG, lumagda sa joint memorandum para mapaigting ang seguridad sa mga paaralan

-Vatican Press Office: Pope Leo XIV, patuloy na nagpapagaling matapos operahan sa baga; resulta ng blood tests at chest x-ray, normal

-Babae, natagpuang patay at nakasilid sa sako

-Mga reklamong graft, malversation of public funds, at falsification and use of falsified documents vs. Genesis88 Construction Inc., inirerekomenda ng NBI sa DOJ; NBI: Contractor ng 4 na flood control projects sa Davao City, gumamit ng halos pare-parehong larawan para makakuha ng bayad sa iba't ibang proyekto

-Glaiza de Castro, ibinahagi ang highlights ng kanilang married life ni David Rainey kasabay ng kanilang 5th wedding anniversary

-Training at learning resources na makatutulong sa pagtugon sa epekto ng Super El Niño, tinalakay sa Sustainability Summit ng UN GCNP

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:00.
00:01.
00:01.
00:09.
00:10.
00:10Horas na para sa maiinit na balita.
00:29Mga kapuso, ingat lagi at maging mapagmatsyag.
00:32Isang babae sa Quezon City ang nahablutan ng kanyang mamahaling hikaw habang naglalakad sa kalsada.
00:38Ang suspect, pitong beses na ang naaresto dahil sa pagnanakaw at panggugulo.
00:44Balita nga tin ni James Agustin.
00:49Naglalakad ang isang babae sa barangay Balinga sa Quezon City ng sunda ng isang lalaki.
00:54Maya-maya pa, biglang may hinablot ang lalaki sabay takbo sa EDSA.
00:59Hinabol siya ng babae hanggang sa bahagi ng busway.
01:02Ayon sa pulisya, bahagyang nasugatan sa tenga ang 27 anyos na biktima
01:06na isang freelance model.
01:08Yung biktima ay naglalakad sa area ng Balintawak
01:12at bigla na lang siya nakaramdam ng pananakit sa kanyang mga tenga.
01:16Yun pala, hinablot na ng magnanakaw yung earrings niya.
01:22At ito'y tumakbo ng mabilis ang magnanakaw,
01:27ngunit hindi na rin inabutan ng biktima.
01:30Buti na lang, nandun yung mga patrollers natin at humingi ng tulong yung biktima
01:36para habulin yung sospek.
01:38Arestado ang 32 anyo sa lalaking sospek na dinala sa Laloma Police Station.
01:43Nabawi sa kanyang ninakaw na hikaw na nagkakalaga ng 55,000 pesos.
01:48Yung modus ng sospek ay lalakad-lakad sa mga area na maraming tao
01:55at kung may makita ng mga hikaw, mga cellphone, kwintas,
02:03bigla na lang niya itong hablutin kung may pagkakataon.
02:08Ito na ang ikapitong beses na naaresto ang sospek ayon sa polisya.
02:12Kabilang sa mga kaso niya ay pagnanakaw at mayroon ding alarm and skandal.
02:16Aminado siya sa pangahablot ng hikaw.
02:26Sinampana ang sospek na reklamong robbery.
02:28James Agustin nagbabalita para sa GMA News.
02:34Nangangamatay na ang mga isda sa ilang palaisdaan sa Malabon
02:37dahil sa mainit na panahon.
02:38Makikita sa video ang naglutangang mga isda na nangangamoy na raw.
02:44Ayon sa ilang manging isda, mula noong bumaha hanggang ngayon,
02:47halos wala na raw silang makuhang isda.
02:50Sa mga palaisdaan sa Dampalit Megadike,
02:52halos araw-araw ay may namamatay ng mga isda.
02:55Isinisisiyo ng mga manging isda sa mainit na panahon na epekto ng El Niño.
03:00Ayon sa Association of Fresh Fish Traders of the Philippines,
03:03pangunahing maapektuhan ng pag-init ng tubig
03:06ang mga itinuturing na small pelagics gaya ng Galunggong at Sardinas.
03:11Pumaapila ng tulong mula sa gobyerno ang mga manging isda,
03:14lalo ngayong El Niño.
03:21Meron pong aasa ang thunderstorms sa mga sandaling ito
03:24sa ilang bahagi ng Marinduque, Romblon at Oriental Mindoro.
03:28Ayon sa pag-asa, tatagal ang thunderstorm advisory sa mga nasabing lugar
03:31hanggang alas 11.30 ngayong umaga.
03:3511.39 naman sa ilang panig ng Palawan,
03:37habang aabot pasado alas 12 ng tanghali
03:40ang thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng Iloilo,
03:42Aklan, Antique at Capiz.
03:45Pati na sa ilang panig ng Laguna,
03:47Quezon Province at Rizal.
03:49At sa ilang lugar,
03:50sa Negros Oriental at maging sa iba pang bahagi ng Palawan.
03:55Isinailalim sa thunderstorm watch hanggang alas 10 mamiang gabi
03:58ang Occidental Mindoro, Palawan,
04:01halos buong Visayas at Davao Region.
04:04Ayon sa pag-asa,
04:05Intertropical Convergence Zone o ITZZ
04:07ang magpapaulan ngayon sa Quezon Province,
04:10Palawan, Bicol Region, Visayas at Mindanao,
04:14Northeasterly Windflow naman sa Ilocos Region,
04:17Cordillera, Cagayan Valley at Central Luzon.
04:20Mas makahaasa muli sa maayos at maroon na panahon tayo rito sa Metro Manila
04:24at natitirang bahagi ng Luzon,
04:26pero posibli pa rin ang mga local thunderstorm.
04:30Patuloy mang lumalapit sa Philippine Area of Responsibility
04:33ang binabantayang tropical depression sa Pacific Ocean,
04:35nananatiling mababa ang chance nitong pumasok sa PAR ayon sa pag-asa.
04:40Wala rin itong inaasang epekto sa lagay ng ating panahon.
04:44Huling namataan ang nasabing bagyo,
04:46mahigit sa 1000 km silangan ng Extreme Northern Luzon.
04:55Dalawang nasawi matapos sumalpok ang isang motorsiklo sa isang tricycle sa General Santos City.
05:01Ayon sa Traffic Enforcement Unit sa Gensan,
05:04nagsagawa ng speed contest o karera ang nasawing rider kasama ang dalawa pang motorsiklo.
05:10Bumanggaraw ang rider sa tricycle sa unahan.
05:13Nasa wiri ng lalaking pasahero ng tricycle matapos siyang tumilapon.
05:17Sugata naman ang driver at tatlo pang pasahero ng tricycle.
05:21Patuloy ang investigasyon at hinahanap pa ng polisya
05:23ang ibang kasama ng rider sa pangangarera.
05:27Kinukuhanan pa ng pahayag ang pamilya ng mga nasawi pati ng mga sugatan.
05:33Patay naman ang isang babaeng motorcycle rider na na hit and run sa magsingal Ilocosur.
05:39Noong unha, inakala pang self-accident ang nangyari.
05:42Nang silipin ang mga CCTV,
05:44hindi kita ang mismo aksidente pero may natukoy na pick-up na bumangga at kumalagkad pala sa biktima.
05:51Natuntun at naaresto ang driver nito na umamin sa krimen.
05:55Nakainom daw siya noong gabing yun at inaantok habang nagmamaneho.
05:59Naramad naman daw niyang may nabangga siya pero nagtuloy-tuloy pa rin daw siya sa takbo.
06:04Pumihingi siya ng tawad sa nagawa.
06:06Nahaharap ang suspect sa patong-patong na reklamo.
06:16Sandamakmak na alamang ang napadpad sa dalampasigan ng barangay 2 sa Sipalay Negros Occidental.
06:23Pinagpestahan niya ng mga residenteng kanya-kanyang kuha ng alamang at lagay sa kanilang balde at talagyan.
06:29Ayon sa Sipalay City Agriculture Office, taon-taon nangyayari yan sa naturang dalampasigan.
06:35Paliwanag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, resulta ito ng biglang pagbabago ng temperatura ng tubig.
06:41Bumababa ang oxygen level sa seabed kaya nagpupunta ang mga alamang sa mababaw na bahagi ng dagat kung saan mas
06:47mataas ang oxygen level.
06:49Itinutulak naman ang mga ito ng alon papuntang dalampasigan.
06:56Arestado sa Baras Rizal ang isang head pastor ng umunoy ng molestya sa tatlong minor de edad na anak na
07:01mga membro ng kanilang simbahan sa Marikina.
07:04Maring itinagin ang pastor ang akusasyon.
07:07Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
07:12Sa visa ng warrant of arrest mula sa Marikina Family Court Branch 7, inaresto kahapon ang isang lalaki sa tapat
07:19ng isang clubhouse sa Baras Rizal.
07:21Ang lalaki, head pastor ng isang simbahan sa Marikina na inaakusahan ng pangmumolestya umano sa tatlong batang babae na anak
07:30ng kanyang mga miyembro.
07:32Ayon sa pulisya, nangyari ang mga umano'y pangmumolestya sa mga biktima noong 2023 hanggang 2024.
07:40Pero ngayong taon lang nakapagreklamo.
07:42Yung ating unang biktima po dito ay isang 8 years old.
07:47Yung ating pangalawa pong biktima po dito isang 15 years old.
07:52At base doon sa report nating nakalap po, nangyari po yung isidente, hindi lang po once kundi four times po.
08:00Yung pangatlong biktima po natin ay 9 years old po.
08:04Ayon pa sa pulisya, nangyari ang pangmumolestya umano sa loob mismo ng kanilang simbahan sa Marikina.
08:11Nagtitake advantage po siya sa mga minority edad po accordingly po.
08:14Lahat po ito ay accordingly nangyari po mismo doon sa loob mismo ng kanilang simbahan after na magkaroon sila ng
08:25preaching.
08:27Itinatanggi ng akusado ang mga paratang sa kanya.
08:30Ang laki-laki ng church eh.
08:32Kitang-kita yun.
08:33Ang luwag-luwag at maraming tao.
08:36Hinala niya, malalimang galit sa kanya ng mga magulang ng mga biktima at ilan pang miyembro.
08:41Personal na eh.
08:43Si galit.
08:45Forgive, then you will be forgiven.
08:47Forgive us all.
08:48As we forgive those who trespass against us.
08:53Nakakalukot lang, they are my friends.
08:55Nakaharap sa apat na counts ng kasong statutory acts of lasciviousness ang akusado.
09:01Na nakapiit ngayon sa Marikina City Police Custodial Facility,
09:05may inrekomendang piyansang 432,000 pesos.
09:09Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang kampo ng mga biktima.
09:12Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
09:21Webes latest, star of the new gen Jillian Ward is back.
09:26Months after ng kanyang mental health break.
09:30Binigyan daw niya ng time ang sarili para magpahinga.
09:34Sabi ni Jill, hindi niya hinayaang makonsume siya ng stress at pressure
09:38na posibleng mauwi sa burnout.
09:41Sa pagbabalik series naman niya,
09:43makakatrabaho ni Jillian si Marian Rivera
09:45sa Prime Video Original na Behind Closed Doors.
09:49Sa Supermom noong 2017,
09:51huli silang nagkatrabaho ng kanyang idol.
09:54And there's more sa mga ganap ni Jillian.
09:56Dahil mapapanood na ng fans ang first ever concert ni Jillian
10:00sa December 8.
10:04Tuloy na po, December 8.
10:06Tuloy na, tuloy na po.
10:07Tuloy na, tuloy na po talaga.
10:09And actually, masaya po kasi mas nakaroon ako ng time pa to rehearse.
10:13Mas ready na po talaga ako this time.
10:15Kasi nakapag self-reflect ako, nakapagpahinga ako.
10:19So, eto na.
10:20I'm back with the vengeance.
10:22I'm back with the vengeance.
10:25Ito na ang mabibilis na balita.
10:29Nagkasunog sa isang compound sa BF International Village sa Las Piñas kaninang umaga.
10:34Apektado riyan ang isang training center at bodega ng mga furniture.
10:38Damay rin ang ilang sasakyan.
10:39Isa ang naitalang sugatan matapos mahulugan ng debris.
10:43Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang sunog bandang alas 7 ng umaga.
10:47Idiniklarang under control ang sunog.
10:49Patuloy pa kinaalam ng saang sanhin ng apoy at halaga ng pinsala.
10:56Arestado ang limang lalaking sangkot umano sa pambubugaw sa Lapu-Lapu, Cebu.
11:00Sa magkahawilay ng operasyon sa barangay Pontaing Ganyo at barangay Panjak,
11:04apatapot isang babae kabilang ang sampung minor de edad ang narescue ng mga otoridad.
11:09Base sa investigasyon ng National Bureau of Investigation,
11:12ginagawa ng mga suspect ang pambubugaw online.
11:16Karamihan daw sa mga customer ay mga dayuhan at lokal na turista.
11:20Sumasa ilalim na sa counseling ang mga narescue ng mga kababaihan,
11:24habang ang mga minor de edad nasa pangangalaga ng DSWD Region 7.
11:29Mahaharap sa kaukulang reklamo ang limang suspect.
11:32Ayon sa isa sa kanila, nagsisisi siya sa kanyang nagawa.
11:36Tumanggi namang na magbigay ng pahayag ang iba pa.
11:43Sa gitna ng posibleng epekto ng El Niño sa bansa,
11:46sinabi ng Metropolitan Water Works and Sewery System na huwag magpanik
11:50dahil hindi raw magkakaroon ng krisis sa tubig sa Metro Manila.
11:54May mga alternatibo raw na pagkukunan ng tubig bukod sa Anggat Dam
11:57na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa NCR.
12:00Balita natin ni Bernadette Reyes.
12:05May at maya ang dating ng mga namimili ng mga balde at drums
12:09sa tindahang ito sa Quezon City.
12:11Naniniguro lang daw sila.
12:13Mahirap pag marami pa naman kami.
12:16Naninigurado lang kasi hindi rin natin alam kung ano yung panahon.
12:19Mga baka biglaan na lang, mawalan ng tubig.
12:24Siyempre kasi may mga bata sa bahay so dapat mayroong reserve.
12:27Halos two weeks na po kami, napakarami po, dinadagsapo ng tao.
12:31Dahil sinasabi po ng Super El Nino po, yung mga tao po,
12:35kung baga sa ano, naghahanda na po.
12:36Ayon sa Metropolitan Water Works and Sewerage System
12:39o MWSS Regulatory Office, hindi kailangang magpanik.
12:44I think the President is saying is that is for outside Metro Manila.
12:47I can guarantee na wala pong water service crisis
12:50this coming Super El Nino.
12:52Handa po ang Manila Water at Maynilad.
12:54Hindi po magkakaroon ng water crisis.
12:57Noong 2022 pa raw, sinimulan ang mga paghahanda
13:00para sa Super El Nino.
13:02Worse na worse po ito, probably water service interruptions,
13:06but there will still always be water at the tap within 24 hours.
13:10So they don't need to go pimpila balde sa labas po.
13:12Sabi ng Manila Water, isang malaking aral sa nagdaang El Nino
13:16na huwag gumasa sa iisang water source.
13:192019, anggat lang yung source natin.
13:22So we learned from that, na mahalaga na to be water secure,
13:26kinakailangan na mag-develop tayo ng karagdagan pang mga water sources.
13:31So ngayon, hindi lamang anggat ang pinagkukuna natin.
13:34Kabilang Anila sa na-develop na water sources,
13:37ang Cardona Water Treatment Plant na kayang magbigay ng 110 million liters per day.
13:43Ang East Bay Project naman, tapos na ang Phase 1
13:47na nakapagbibigay ng hanggang 50 million liters per day.
13:51Mayroon ding Wawa Antipolo Water System na nakakapagbigay ng 80 million liters per day.
13:57Inaasahan din ang dagdag na water supply sa susunod na buwan
14:01mula sa Kaisakat Water Treatment Plant.
14:04Ang Maynilad naman, nag-upgrade na rin daw ng mga pasilidad
14:07at malaki na rin ang nabawa sa non-revenue water.
14:10Pero nagtuturo rin sila sa publiko ng paraan
14:14para makatipid tulad ng pag-ipo ng tubig mula sa aircon
14:17na maaari-anilang gamitin pang buho sa banyo.
14:22Kasabay ng pagsisiguro na may sapat na supply ng tubig,
14:25ang panawagan ng MWSS Regulatory Office at ng water concessionaire
14:30na maging maingat at responsable ang mga consumer sa paggamit ng tubig.
14:35They don't need to hoard anything.
14:38Kailangan po natin talaga is responsible use.
14:40Ang Department of Social Welfare and Development o DSWD
14:45ipinakita ang aparato na makatutulongan nila sa paglinis ng tubig.
14:49Nandito na yung filter head, nandito na yung drill bit, nandito na lahat.
14:54Maaari rin daw inumin ng tubig na nasala gamit ang naturang filter.
14:58Cheers!
14:59Cheers!
15:02It's just like drinking any drinking water.
15:05Okay!
15:07Pagtitiyak ng DSWD, ligtas inumin ng tubig na dumaan sa filter base
15:11sa sertifikasyon mula sa Department of Health.
15:14Matagal rin anila itong ginagamit sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.
15:19Pero patuloy raw ang paghahanap ng mga alternatibong mapagkukunan ng supply ng tubig,
15:24lalot ang epekto ng El Niño, aabot hanggang kalagitnaan ng susunod na taon.
15:29D-ENR at MWSS ay nag-activate na ng 61 decommissioned deep wells
15:36upang madagdagan ang supply ng tubig sa Metro Manila.
15:40Pinabibilis ang pagtatapos ng Kaisakat Water Treatment Plant sa Upper Wawa Dam.
15:46Matatapos ito sa November 2026.
15:49Madagdagan ito, or rather magdadagdag ito ng 160 million liters per day ng tubig.
15:57Bernadette Reyes, nagbabalita para sa GMA News.
16:06Dinigang tila katuwaan sa loob ng isa sa mga cubicles sa Quezon City Hall.
16:11Ayon sa netizen na nagpost, nag-celebrate ng birthday ang isang staff ng police clearance team sa gitna ng trabaho.
16:17Akala raw niya ay saglit na kantahan lang pero sabay-sabayan niyang kumain ang nanghanda mga empleyado.
16:23Kaya naantala raw ang pagproseso ng mga dokumento sa gitna ng mahabang pila.
16:28Bandang 11.40am hanggang 12.30pm umano ang insidente ayon sa netizen.
16:33Ayon sa Quezon City Police District, nire-relieve na ang hepe ng kanilang police clearance team sa City Hall.
16:39Sa inisyal na investigasyon, totoo raw na may birthday at kanta noon pero hindi umano nagtagal.
16:45Salitan daw ang lunch break ng mga empleyado kaya hindi naman tumigil ang pagproseso ng dokumento.
16:51Katunayan sa mga oras na tinukoy ng netizen, halos 30 police clearance daw ang na-issue ng mga empleyado.
16:57Pinapareview na ang CCTV footage sa opisina.
17:00Sasampahan daw ng reklamong administratibo ang mapapatunayang lumabag.
17:08Magsasagawa ng inspeksyon sa karagatan ng BIFAR at PCG para bantayan ang mga paglabag sa mga batas at panuntunan sa
17:15pangingisda.
17:16May ulat on the spot si Oscar Oida.
17:19Oscar!
17:23Yes, Raffi, nagsanib bwersa na nga ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Philippine Coast Guard
17:30para labanan ang mga paglabag sa panuntunan pangisda sa karagatan.
17:36Formal yang inanunsyo sa isang send-off ceremony sa Pierre 13, South Harbor, Manila
17:40ng kanilang Joint High Seas Boarding and Inspection o HSBI.
17:46Gamit ang BRP Teresa Magbanwa, isasagawa ang misyon sa loob ng humigit-kumulang 30 araw.
17:53Inaasa ang magsisimula ang aktual na inspeksyon sa karagatan sa October 23.
17:57Sa ilalim ng operasyon, aakyat at sisilipin ng mga sinanay at otorizadong inspektor
18:03ang mga sakyan pangisda upang matukoy kung may mga nangyayari bang paglabag
18:08sa mga bataas at panuntunan sa pangisda.
18:11Layunin din itong pangalagaan ang mga isda kabilang ang tuna
18:14at matiyak ang responsabling paggamit ng yamang dagat.
18:18Ang BIFAR ang tutulong sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa pangisda
18:23habang magbibigay naman ang PCG ng sasakyan at suportang pangkaragatan.
18:28Inaasa ang sa pamamagitan nito, mas mawapalakas ang pagbubantay sa karagatang
18:33mga pangalagaan ang kabuhayan ng mga manging isda.
18:38Raffi?
18:40Maraming salamat, Oscar Oida.
18:44Kaukay na ba sa paghahanda sa El Niño at iba pang usapin?
18:46Kausapin natin si Engineer Wilhelm Quianco,
18:49ang Operations Department Manager ng National Irrigation Administration.
18:53Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
18:57Magandang umaga po, Sir Raffi.
18:59Opo, ano na po yung mga pagandang ginagawa?
19:01Sa balitang tanghali.
19:02Opo, ano na po yung ginagawa ng ehensya para sa mga magsasaka
19:04para hindi sila mapuruhan po ng El Niño?
19:08Ang NIA po ay proactive ang approach natin sa pag-tala,
19:15pag-ano natin sa El Niño.
19:19Hindi na po natin inaantay na dumating yung tagtuyot.
19:22Meron na po kaming early planning.
19:25Yun po ang importante.
19:29Meron po kaming, sa ngayon po may ginagawa kaming El Niño Watch dashboard
19:33para ma-monitor po natin yung level ng ating mga dams.
19:38Yung water level po natin sa ating mga dams.
19:41And then, yung ating pag-meeting sa ating mga farmers
19:49para sa ating water delivery schedule.
19:52Ito po ay ginagawa bago ang planting season.
19:58And then, tinuturoan din po natin sila ng water conservation technique,
20:03yung alternate wetting and drying technique po.
20:07Ito po ay nakakatulong na makabawas ng halos 38% ng konsumo ng tubig.
20:17And then, nag-prepare din po tayo ng ating mga solar pumps para augmentation
20:23in case na merong mga lugar na hindi aabuti ng ating tubig galing sa ating mga dams.
20:31And of course, meron din po tayong mga incoordination po sa other government agency,
20:41yung pagtatanim po ng drought-resistant variety ng rice,
20:47or yung ating mga other crops po na hindi masyadong kailangan ng tubig.
20:54Para sigurado po natin mayroon pa rin mapagkukuhanan ng pagkabuhayan ng ating mga farmers
21:01in case na dumating talaga yung malalang El Nino.
21:05Sa inyo po bang plano, magbabawas kayo ng tubig ngayon pa lang sa erigasyon,
21:10or naka-plat yan kung bagat hanggang kailan po kayo magtatagal itong tubig sa ating mga dams
21:15para sa erigasyon?
21:17Asa ngayon po, para sa ating major dams, ang pantabangan at saka magat,
21:22hindi pa po sila nagre-release ng tubig dahil nagbago po tayo ng ating cropping calendar.
21:30Ngayon po may mga nagtatanim na hanggat may ulan pa.
21:35So ang pantabangan po, magre-release pa po ng water mga December pa eh.
21:41So sapat po yung tubig nila para umabot hanggang sa first quarter ng 2027.
21:52Ano pong ginagawa niyong paghahanda kapag tumindi po yung sitwasyon?
21:54Sinasabi niyo nga, may mga nagtatanim na ngayon.
21:57May mga alternative ho ba kung talagang tumindi at hindi na umulan?
22:01Huwag naman sana.
22:01Pero may mga isolated rain showers pa rin po.
22:03Yun na lang inaasahan ngayon ng ating mga magsasaka.
22:06Opo, opo.
22:08Yun nga po, nakaschedule naman ang ating water delivery.
22:11Informed po dito ang ating mga magsasaka.
22:14So planado po talaga yan na nakahanda po yung ating mga field offices para dyan.
22:23At coordinated din po ito sa ating mga other government agencies.
22:29Okay, wabangan po natin at makikipagunayan po kami sa inyo.
22:33Dahil nasa inyo po ang aming servisyo ng ating programa para ma-inform yung ating mga magsasaka
22:40tungkol sa paghahanda po ninyo sa Super El Nino.
22:43Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
22:46Maraming salamat po, Sir Rafi.
22:48Yan po si Engineer Will Nantiyako ng National Irrigation Administration.
22:58Ipinunto ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi nag-object ang defense team
23:03sa pag-uwidro ng tatlong articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
23:10Nagbigay lang sila ng manifestation but the team did not make any objection.
23:17Kasi parang nakikita natin nagsisi.
23:19Sinesisi nila niyong prosecution or parang sinisisi nila yung senator judges.
23:23Pero kung babasahin mo lahat at pakikinggan mo at mapapanood mo yung buo na hearing,
23:31wala tayo na dinig na objection.
23:33Ang objection, may hinihiling ka na ino-objectan mo na ma-withdraw yung tatlong articles of impeachment.
23:42Hindi sila nag-object.
23:45Pahayag yan ni Castro sa panayam ng unang balita sa unang hirit ng matanong tungkol sa impeachment trial ng Vice.
23:51Iginate ni Castro na hindi rin daw nakikialam si Pangulong Bongbong Marcos at ang Malacanang sa impeachment trial.
23:57Itong Martes nang tanggapin ang impeachment court ang pag-withdraw ng prosekusyon sa tatlong articles.
24:02Binawi ang articles of impeachment tungkol sa misuse of confidential funds at grave threats na nauna nang tinalakay.
24:10Una nang binawi ng prosekusyon ang pagtalakay sa Article 3 o bribery sa Department of Education.
24:17Sa pagbabalik na impeachment trial sa November 9, isang article na lang ang tatalakay ng defense team,
24:22ang Article 2 na tungkol sa unexplained wealth ng Vice.
24:29Bukot sa mga polis at school guards, magpapatrolyan na rin sa paligid ng mga eskwelahan ang mga barangitanod bilang dagdag,
24:35siguridad.
24:36Narito ang aking report.
24:43Ito ang gustong makita ng mga opisyal ng DEPET at DILG saan nila'y bagong normal sa mga eskwelahan.
24:52Kung gaano kabilis kumilos ang mga estudyante, mga school officials at mga otoridad sakaling makapasok sa mga eskwelahan ang isang
24:59active shooter.
25:01Dito sa Bangkal High School sa Makati, nakalatag na raw ang kanilang protokol.
25:05Para lalo pang mapaigting ang siguridad ng mga eskwelahan sa buong bansa, lumagda sa isang memorandum of agreement ang DEPET
25:11at DILG.
25:12Sa ilalim nito, aalalay sa mga school security guard ang mga barangay tanod para magbantay sa school perimeter.
25:18Paglilinaw ng DILG, hindi papalitan ng mga tanod ng mga security guards sa pulis siya pero dadalasan nila ang kanilang
25:24pagpapatrolya.
25:26Dadagdagan din ang presensya ng mga pulis.
25:28We allow them to patrol our schools, to do visits para makita rin nila paano makatulong yung barangay.
25:36Higit na mahalagaw manong prevention, kaya kasabay ng drill, magiging malaking bahagi na rin ng kaagapay program ng DEPET
25:42ang pagtuturo sa mga magulang tungkol sa dark web at pakikitungo sa mga anak.
25:47Ang unang intensyon ng kaagapay para sa academics lang pero ngayon, mas importante na yung mas magandang relasyon sa pamilya
25:54at saka sa komunidad.
25:55Babala ng DILG, mas marami ng panganib sa internet, lalo na ang mga nihilistic websites.
26:01Doon natututo ang bata na mag-iba ang isip, mag-iba ang larangan, mag-iba ang kanilang atikain.
26:08Nangyari na po tatlong beses.
26:10Si Selly, official ng Students, Parents and Teachers Association, batid daw na iba na talaga ang panahon ngayon.
26:16May hirag ngayon may GC, doon mo makikita na meron palang nangyayari na sa kanila yung mga bata na nagtatalo
26:23-talo na pala.
26:24Pero ngayon, medyo ang maliwanag para sa amin kasi natutulungan kami kung paano namin sila i-handle.
26:31Panawagan niya sa mga kapamagulang mas maging aktibo sa buhay ng kanilang mga anak at kanilang mga aktibidad sa eskwelahan
26:38para mabawasan ang karasan sa kanilang pangalawang tahanan.
26:43Rafi Tima nagbabalita para sa GMA News.
26:50Patuloy na nagpapagaling si Poplio XIV kasunod ng operasyon para tanggalin ang maliit na mod na nodules sa kanyang baga.
26:57Ayon sa Vatican Press Office, nakakakilos at nakakakain na ng maayos ang Santo Papa sa kanyang hospital room.
27:04Normal din ang lumabas na resulta sa blood tests at chest x-ray ng Santo Papa matapos ang operasyon.
27:11Kahapon, pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagliang Misa sa St. Peter's Square para sa paggaling ni Pope Leo XIV.
27:18Binasa niya rin ang homily na inihanda mismo ng Santo Papa.
27:27Natagpuan patay at nakasilid sa sako ang isang babaeng limang araw na wala sa Talisay Negros Occidental.
27:33Ayon sa pulisya, isang tanod ang nagsumbong sa kanila kaugnay sa sako na natagpuan ang dalawang trabahador ng manukan.
27:40Doon din sa manukan nagtatrabaho bilang labandera ang 33 anyos na biktima.
27:45Nang kausapin ng pulisya ang dalawang trabahador, kaduda-duda raw ang kanilang pahayag.
27:51Kalaunan, umamin ang mga trabahador sa krimen.
27:54Sasalaysay sa pulisya ng isa sa kanila, pinalo niya ng kahoy ang biktima ng hindi siya pahiramin ng isang libong
28:00piso.
28:01Pagkatapos sinakal daw niya at ng kanyang kasama ang babae at pinagsamantalahan.
28:07Dagdag ng pulisya, umamin din ang dalawa na gumagamit sila ng iligal na droga.
28:12Nahaharap ang dalawang inarestong trabahador sa reklamong murder.
28:16Tumanggi silang magbigay ng pahayag sa media.
28:25Patong-patong na reklamo ang inarekomendan ng National Bureau of Investigation
28:29labas sa kontraktor ng flood control projects sa Davao City na Genesis 88 Construction Incorporated.
28:35Yan ang Calcification and Use of Falsified Documents, Malversation at Paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
28:43Ang rekomendasyon ay kasama sa mga dokumentong isinumintin ng NBI sa DOJ,
28:48kaugnay sa embistigasyon nila sa apat na flood control projects na hawak ng Genesis 88.
28:53Napansin ang NBI na pinapalitan lang ang mga petsya,
28:56geotagging information at itsura ng larawan para daw makakubra ng bayad sa iba't ibang river projects.
29:02Ang ibang mga larawan, meron pang mga petsyang wala sa kalendaryo tulad ng February 29, 2023 at February 30, 2023.
29:12Batay sa impormasyon ng GMA News Research, top flood contractor sa Davao Region ang Genesis 88.
29:18Nakakuha ito ng 7.3 billion pesos na halaga ng kontrata sa Davao City na karamihan ay flood control projects.
29:26Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang panig ng Genesis 88 kaugnay sa mga obserbasyon ng NBI.
29:42Celebrating their fifth wedding anniversary, si Sparkle star Glyza de Castro at mister na si David Rainey.
29:50I-pinote ni Glyza ang ilang highlights ng kanilang married life.
29:54Sabi ni Glyza, five years ago ay kinasal siya kay David na itinuturing niyang amazing man.
30:01Shinare niya ang larawan ng handwriting ni David mula sa kanilang Japan trip last year.
30:06Hiling ni David magkaroon sila ng dalawang baby.
30:09Ngayon, expecting na sila sa kanilang first baby.
30:13Grateful si Glyza kay David na sabi niya ay kasama niyang tatanda, mga ngarap, bubuo ng pamilya at paulit-ulit
30:20niyang pipiliin.
30:21October 2021, ang unang ikinasal si Glyza at David sa Ireland.
30:26January 2023, sinagawa ang ikalawang wedding sa Pilipinas sa Zambales.
30:33Nag-tipon-tipon ng ilang business, government at civil society leaders mula sa Pilipinas at ASEAN para sa Sustainability Summit
30:42ng United Nations Global Compact Network Philippines.
30:46Kabilang sa mga tinalakay ang ilang training at learning resources para magamit sa pagtugon sa epekto ng Super El Nino,
30:55gaya ng kakulangan sa supply ng tubig na nakakaapekto rin sa mga negosyo.
30:59Iprinisinta ni UN Global Compact Asia-Pacific Regional Head Neha Das ang isang digital portal na makatutulong sa mga kumpanya
31:10sa pagsisimula ng water management.
31:13Binanggit naman ni UNGCN Singapore Executive Director David Fogarty ang mga inisyatibong may kaugnayan sa water security.
31:22Sinabi naman ni Global Compact Network Philippines Chairperson Melissa Bergel de Dios na matitiyak ang sapat na supply ng tubig
31:31kung responsable ang paggamit nito.
31:34Moderator ng event, si GMA News Personality, Maris Umali.
31:42So to the ordinary person on the street,
31:46sustainability is making sure that there will be water from your tap
31:50if there is a responsible management of water usage.
31:55There will be managed costs for electricity
32:00if people, if producers start to look for renewable sources of energy
32:05because that's supposed to lower your costs.
32:15Huli kam sa Danau, Cebu.
32:17Isiniksik ng lalaking ng sarili papasok sa bintana ng isang gadget shop sa barangay Sabang.
32:23Mabilis niyang tinuntiriya ang mga cellphone at iba pang gadget.
32:27Iniabot niya ang mga ito sa mga kasabwat niyang nasa labas.
32:30Mabilis ding lumabas ang lalaking nakapula.
32:32Ang isa niyang kasama, may dinadampot pa sana pero nagmamadali ni silang tumakas.
32:37Halos 800,000 pesos na halaga ng paninda ang kanilang natangay.
32:42Pagkatapos niyan, isa pang tindahan ng gadget ang minuubad ni nila sa kaparehong lugar.
32:47Halos 3 million pesos na halaga naman ng paninda ang ninakaw nila.
32:51Naa-aresto na ang dalawa sa mga suspect na walang pahayag.
32:55Inutugis pang walo pa nilang kasama,
32:57kabilang ang apat na napagalamang menor de edad.
33:03Umiiral na ang dagdag na 42 pesos sa sahod ng minimum wage workers sa Central Visayas.
33:09Simula kahapon, 582 pesos na ang minimum na arawang sahod sa mga Class A areas sa rehyon.
33:16542 pesos naman para sa mga lugar na classified bilang Class B.
33:20Kahit nasa ilalim na ng Negros Island Region ang mga probinsya ng Negros Oriental at Siquijor,
33:25sakop pa rin ang mga ito ng wage order.
33:27Paalala ng doli sa mga employer, sumunod sa ipinatutupad na taas sahod.
33:32Una ng binatikos ng Trade Union Congress of the Philippines ang omento na tinawag nilang kulang at nakaka-insulto.
33:42Nagsampan ng reklamong cyber libel si GMI Anchor at host Arnold Clavio laban sa isang nagpakilalang dating bodyguard ni Zaldico.
33:50Dahil dahil sa pagkangkusan ni Mario Seniza Jr. na isa umunod si Clavio sa mga media personality na nakatanggap ng
33:56pera ang paper bag na may lamang pera.
34:00Inahayag ni Seniza ang elegasyon itong Hunyo sa isang press conference.
34:04Sinisika pa siyang kunan ng pahayag kaugnay sa reklamo.
34:07Ayon kay Clavio, hindi ito paghihiganti kundi para malaman ng katotohanan lalo na naapektuhanan niya ang kanyang pangalan bilang isang
34:15mamamahayag.
34:24Kahon-kahong frozen meat products ang nasamsam sa isang checkpoint sa Baggao, Cagayan.
34:29Karga ito ng isang closed van.
34:31Aabot sa 300 kilo ang mga nakumpiskang karni ng baboy na walang kaukulang dokumento galing Isabela ayon sa Baggao Information
34:38Office.
34:39Nauna nang may naharang din na kahon-kahong iligal na karni sa isang barangay checkpoint.
34:43Pag titiyak ng Baggao Agriculture Office, tuloy-tuloy ang kampanya nito para maiwasang makapasok sa kanilang bayan, ang African Swine
34:51Fever.
34:55Arestado sa San Simon, Pampanga ang dalawang Chinese national matapos mabisto sa isang warehouse sa mga hindi reyestradong laundry fabric
35:02softener.
35:03Nagkakahalaga ang mga yan ng mahigit isang milyong piso.
35:05Batay sa embestigasyon, bukod sa hindi reyestrado ang mga produkto, ay wala ring license to operate ang kumpanya mula sa
35:13Food and Drug Administration.
35:15Mahaharap sila sa kaukulang reklamo. Wala silang pahayag.
35:21Arestado ang isang senior citizen sa Montilupa dahil sa panggagahasa umano sa isang batang babae.
35:27Ayon sa suspect, hindi na niya kayang gawin ang iminibintang dahil sa kanyang kondisyon.
35:31Balita hatid ni Emil Sumangil, Exclusive.
35:41Naglalaro lang ang limang taong gulang na si Krishna.
35:44Hindi niya tunay na pangalan kasama ang kanyang lola na nagtitindaraman ng ulam di kalayuan
35:49sa bakanting lote na ito sa Montilupa City noong araw ng linggo.
35:53Nang biglaraw, mawala ang bata.
35:56Dali-dali raw sumaklolo ang ilang kapitbahay at ilang saglit pa.
35:59Naringat lang po ako ng konti daro nagtitinda ako eh.
36:03Nagtaka lang ako ng ulam.
36:05Habay na kuha na pala ng matanda yun ang apo ko.
36:10Sa loob ng electric bike na ito natagpuan, kasama ang isang lolo na taga-kabilang sityo.
36:17Ang apo ko po ay nakaharap doon sa matanda at nakalilis po ang short niya.
36:22Galit na galit po.
36:27Pinagsasampal ko po yung matanda.
36:29Agad nanadakip ng Montilupa Police ang 74 anyos na suspect.
36:34Kapag nares po ng ating suspect, inais po natin ng reklamo ng biktima.
36:40So represented po siya ng kanyang nanay mismo.
36:44And then sa ngayon na inquest na rin po siya for violation of Republic Act 8353 or the Anti-Rape
36:51Law.
36:51Masakit po talaga sobra. Lalo na pag dinidinig ko po yung salaysay nung anak ko sa mga nangyari sa kanya
36:59nung araw na yun.
37:00Alam ko hindi pa rin po agad mawawalain sa kanya.
37:03Sobrang ingat po namin dyan. Lagi naman po namin niyang kasama.
37:07Ayon sa suspect, nastroke na siya. Hindi na niya kayang gawin ang binibintang dahil sa kondisyon niya.
37:14Hirap nga kung magkilos-kilos na eh. Hindi na kung makaano.
37:20Makulong po siya. Hindi na makalabas. At yung kamag-anak niya sila parang galit sa amin.
37:28Wala pong areglong mangyayari. Kahit anong pakiusap po ang yan sa akin, hindi po talaga ako urong.
37:35Pagbayaran mo lahat ng ginawa mo, kulang pa yan.
37:38Gusto ko nga mag-ano na lang kami, mag-usap eh. O hingi na lang ako ng manin.
37:50Emil Sumangin, nagbabalita para sa GMA News.
37:59May panibagong crossover na mapapanood sa GMA Afternoon Crime.
38:04Nakatakdang mag-guest, si Delivery Boy star Will Ashley sa Born to Shine.
38:11Makakaeksena niya rito ang bida ng series at kapwa Sparkle star na si Zephanie na gumaganap as Jenny Sika.
38:19Kumusta naman kaya ang pagtatagpo nila? Yan ang dapat abangan.
38:24Sa lunes naman, world premiere na ng GMA Afternoon Prime na Delivery Boy pagkatapos ng Born to Shine.
38:39Ang mga bata, mabilis at makapit ang mga kamay niyan. Ano man ang mahawakan.
38:46Gaya ng isang Pinoy baby sa Abu Dhabi, UAE na parabang claw machine.
38:52Ang 9-month-old na si Baby Mavis, todo kapit sa manibela ng sinakyang mini toy car sa isang mall.
39:00Clingy yarn.
39:02Sinubukan siyang kuhanin ni Daddy Jet pero ayaw niyang bumitaw.
39:06Kwento ni Mami Hughes Cooper Francesca Garcci Torrena Fajardo.
39:09Sumakses naman sila nang madistract ang bata.
39:12Sa halos 400,000 ang views na ng video dahil sa eksena ng Baby Mavis na...
39:18Pang main character!
39:22Ang cute!
39:23Baby, yes. Ang cute-cute.
39:25Ay, talaga naman nakaka-relate ako dyan.
39:28Pero ang tanong, binili ba nila yung toy after?
39:31Naman naman hindi na binitawan eh.
39:33Inuwi na yan.
39:35Pag mga ganyan talaga, mahirap talaga.
39:37So alam na na yung Baby Mavis yung technique kung paano...
39:41Oo, wag kang bibitaw, baby.
39:43Parang pag-ibig lang din yan eh no.
39:44Wag kang bibitaw.
39:45Wag kang bibitaw. Hanggang kaya mo, wag kang bibitaw.
39:49Bibigay rin yan si Daddy.
39:51Mauuwi. Ay, nakong bumitaw.
39:55At yan pong mainit na balita ngayong tanghali.
39:5771 araw na lang. Pasko na.
40:00Grafi Tima po.
40:01Kasama niyo rin po ako, Aubrey Karampera.
40:03Ito ang GMA News.
40:04Walang kinikilingan, walang pinaprotektahan.
40:05Noon at ngayon, servisyong totoo.

Recommended