00:24Joseph Morong
00:30The prosecution believes it has presented sufficient evidence for Article 2 to stand on its own.
00:41All in po tayo dito.
00:44Hindi na apat kundi iisa na lamang ang pagbubotohan sa Senate Impeachment Court na Article of Impeachment laban kay Vice
00:51President Sara Duterte.
00:52Ito ang katatapos lamang talakay na tungkol sa umunay hindi maipaliwanag na yaman ng vice, kasunod yan ang pagbawi ng
00:59prosekusyon sa tatlong Articles of Impeachment.
01:02Kaugnay sa umunay maling paggamit ng confidential funds, grave threats sa umunay pagbabanta sa buhay ng Pangulo, First Lady at
01:10dating yung Speaker at ang hindi pa natatalakay na panunuhul umano sa mga opisyal ng Department of Education.
01:15We believe that evidence is substantial and compelling and warrants the respondents' removal from office for culpable violation of the
01:27Constitution and betrayal of public trust.
01:31Dahilan din ang prosekusyon makatitipid ng pondo at oras dahil mapapakiklina ang paglilitis.
01:37Pero reklamo ng depensa nitong 38 na araw ng paglilitis narinig na ng Korte at publiko ang mga testigo at
01:44ebidensya kaugnay sa mga binawing akusasyon sa grave threats at paggamit ng confidential funds.
01:50At hindi patas kung hindi mabibigyan ng kaparehong pagkakataon ng depensa na pasinungalingan ng mga lumabas sa Korte.
01:57We believe that the resulting process would bear the unmistakable characteristics of a mistrial, a proceeding in which the fundamental
02:08balance between accusation and defense has been so seriously compromised.
02:15Mistrial ang tawag kapag hindi makapagbigay ng hatol ang isang Korte dahil sa isang pagkakamali.
02:21Matapos kumonsulta sa iba pang Senator Judge saka ibinaba ni presiding officer Chisnes Cunero ang kanyang desisyon.
02:27Sabi niya, withdrawn with prejudice ang dalawang articles so hindi na maaaring i-file muli sa 20th Congress.
02:33Congress must never be light-handed or nonchalant in initiating and prosecuting articles of impeachment.
02:40Impeachment is not a charge that may simply be filed, pursued through the presentation of evidence and thereafter withdrawn without
02:49the respondent's consent.
02:51Dahil dyan, hindi nakasama sa pagbubotohan ng Articles 1, 3, and 4.
02:55Hindi na rin kailangan magharap ng ebidensya ang depensa kaugnay sa tatlo.
02:59Hindi na rin daw saklaw ang tatlo ng Rule 18 o yung subjudice sa ruling,
03:03kaya hindi na bawal magsalita ang mga partido tungkol sa merito ng mga ito.
03:07Sabi niya, Scudero, ito ay para maging malaya si Vice President Duterte na talakayin ang kanyang panig sa mga nilaglag
03:13na article.
03:14Pero inalmahan nito ng depensa.
03:16In the ordinary parlance, ang FFA, a free-for-all, a free-for-all type of accusing the respondent anywhere
03:33and everywhere.
03:35So we actually object to the abandonment of Rule 18.
03:39Kaya nagmosyon si Pangalina, gusto raw kaya ng kampo ng Vice na ibalik ng impeachment court ang subjudice sa rule.
03:45If they feel strongly about it, I have no problem reconsidering the ruling on Rule 18, Mr. President.
03:53Aka iba sa inyo hindi gulat, no? Pero ako po gulat.
03:56We should give the defense time to decide how they want to react.
04:01Just because mabilis na nagdesisyon ng prosecution.
04:04I'm very uncomfortable with that.
04:06Kung baga sa suntukan, sinuntok nyo na yung defense, then sasabihin nyo, to save time, huwag na kayong gumante.
04:13Sabi ng prosecution, maaaring gumamit ng ibang platform ang vice para maihayag ang panig niya.
04:18Kaugnay sa articles 1, 3 at 4, bagay na pinalagan din ang depensa.
04:22Does the prosecution really want the respondent na puta lang ang respondent sa Facebook?
04:31And where else?
04:34Matapos nilang sirain ang vice-presidente sa harap ng publiko.
04:45At ngayon ang sasabihin ay tutulungan ng taong bayan para mamadali ang proseso.
04:51The statement of the prosecution that the defense may consider other platforms
04:58is actually taken from the regular practice of the respondent herself.
05:04That instead of appearing in person before the impeachment court,
05:10she is stating a lot of things which have direct relation to the trial during press con.
05:17Sa huli, sabi ni Escudero, may tatlong linggong break naman ang impeachment court.
05:21Hihindayin daw ng korte ang formal na posisyon ng kampo ng vice tungkol dito
05:25at saka magdedesisyon sa mosyon ni Pangilinan kahit naka-reses sila.
05:29Itutuloy ang trial sa November 9.
05:32Bago pa ang mga pangyayaning ito sa impeachment court,
05:35nakapagkomento si Vice President Duterte
05:37tungkol sa naon ng pagbawi ng prosecution sa artikulo Cognize of Bribery.
05:41Aniya, pinapakita nito na wala raw ebidensya sa mga akusasyon laban sa kanya.
05:46Lumalabas na ano lang talaga ito.
05:49Parang accountability ko no.
05:54Paninira, todo-todong araw-araw na banat at paninira
05:59at swerte na kung matanggal si Sara Duterte.
06:04Kayon man, itinuturing na raw niyang isang biyaya ang paglilitis.
06:08Dahil diyan ay makikilatis at mas scrutinize na ng mga tao
06:14yung mga katanungan nila sa pagkatao ko.
06:18Joseph Maurong, nagbabalita para sa GMA News.
06:22Sa isang pahaya ngayong umaga, binatikos ng kampo ni Vice President Sara Duterte
06:26ang perang ginasto sa pagtalakay sa Articles of Impeachment
06:29na iniatras ng prosekusyon.
06:32Sabi ng tagapagsalita ng Vice na si Atty. Paolo Panelo
06:34na sa 25 milyon pesos daw ang gastos ng Senado sa kada araw ng paglilitis.
06:40Kaya sa 20 trial days ng Articles 1 at 4
06:43na sa kalahating bilyong piso raw ang nasayang lang.
06:47Hindi pa raw kasama dyan ang umano'y matnasayang na pasweldo
06:50sa mga kongresistang membro ng prosekusyon,
06:52bayad sa mga abugado, pati na rin sa media
06:55at content creators na ginamit para siraan umano ang bise.
06:58May nasayang din umano'ng kaba ng bayan
07:00sa tinawag nilang mini-trial sa Kamara.
07:03Ang pag-withdraw umano sa tatlong Articles of Impeachment
07:06ay isang injustice at pagkait ng due process sa bise.
07:10Tanong ni Atty. Panelo,
07:11bakit hindi umano'ng galit ang mga membro ng mayoria sa Senado?
07:14Gayong mas malaki pa umano'ng perang sinayang ng prosekusyon sa paglilitis
07:18kesa sa confidential funds na sinasabing ilustay ni Vice President Duterte.
07:23Susubukan pang kunin ang pahayag ng prosecution team at Senate Majority,
07:27kaugnay nito.
07:28Sampai jumpa.