00:00Gumuho naman ang isang bahagi ng bahay sa Binondo, Manila.
00:03Lima ang sugatan.
00:05Balita ng ating di Jomera Presto.
00:09Biglang gumuho ang bahagi ng isang bahay sa Sevilla Street,
00:12baragay 272, Binondo, Manila.
00:14Mag-aalas 9 kagabi,
00:16nagtakbuhan ng mga tao.
00:18Ang ilang nagtitinda ng palamig,
00:20nabagsakan ng mga debris at natrap.
00:22Isa sa kanilang 50 anyos na si Aling Dolores.
00:25Kung baga yung kumalang doon sa may palamigan,
00:31tinatawag ako ng manugang ko na para daw may bumabaksak.
00:34Sabi niya, mamaya, yun na yun, bumaksak na nga.
00:37Ayon sa Manila Police District,
00:39kabilang sa mga nasugatan ang isang lalaking 14 anyos at 29 anyos na babae,
00:44ay naman sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Department,
00:47lima ang nagtamu ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.
00:51Ipinagpasalamat naman ang barangay na hindi ganun karami
00:53ang nasugatan sa nangyari,
00:55lalo't mataong lugar ang pinangyarihan ng insidente.
00:58Lalo na pagdating po kasi ng 7pm to 7.30pm po talaga,
01:02daanan po yan ng estudyante.
01:04Talagang punong-punong po yung kali na yan
01:06pagdating po ng ganun oras at sawa ng Diyos.
01:09Buti nga, at hindi ganun oras nangyari yung aksidente.
01:12Ayon pa sa barangay,
01:14walang tao sa loob ng nasabing bahay
01:15nang gumuho ang bahagi nito.
01:17Inaalam daw ngayon kung posibleng may kinalaman sa pagguho
01:20ang itinatayong bahay nakatabi ng gumuhong bahay.
01:23Nag-apply naman ng permit before,
01:25nung mga 5 months ago pa po.
01:26Old houses po yung itsura niya eh.
01:28So more than 50 years na rin po yung itsura nung bahay po.
01:32Ayan yung dalawang palapag na bahay
01:33na bahagyang gumuho kagabi.
01:35Dito yan sa bahagi ng Sevilla Street.
01:37Sa mga oras na ito ay hindi mo na pinadadaanan
01:40sa publiko at mga motorista
01:41itong kahabaan ng lugar.
01:43Yan ay para masiguro ang kaligtasan ng publiko,
01:45lalo na sa posibilidad na mas lalo pang gumuho
01:48itong nasabing bahay.
01:49Nakatakda rin nga inspection din ngayong araw
01:51ng Manila Engineering Department.
01:52Itong ang nasabing bahay
01:53para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
01:56Sinusubukan pa ng GMA News
01:58na makuha ang pahayag na may-ari ng bahay.
02:00Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.