00:00Horas na ma-transmit na ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte,
00:06agad daw itong aksyon na ng Senado ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano.
00:11May babala rin ng ilang mababatas kung hindi agad gugulong ang impeachment.
00:15Balitang hatid ni Tina Pangaliban Perez.
00:21Kasabay ng pagpapalit ng liderato sa Senado ay ang botohan sa Kamara
00:26kaugnay ng impeachment ni Vice President Sara Duterte.
00:30Kinagabihan, formal nang naendorso ng Kamara sa Senado ang Articles of Impeachment.
00:36Pero hanggang ngayon, hindi pa ito naipadadala sa Senado.
00:40Nakausap ko ang ating SecGen at sila ay nagaantay na lamang kung kanino sila makikipag-coordinate.
00:48Kasi may change sa leadership.
00:51So normally pag may change sa leadership, nagpapalit yan ng mga SecGen, nagpapalit ng Sergeant at Arms.
00:58Wala patay sa Senado.
01:00Actually, as of now, wala pang in-communication from the House.
01:06Ayon kay House Secretary General Celoy Garafil, kasalukuyang nagre-reproduce ang HOR Secretariat na mga kopya ng Articles of Impeachment
01:16para sa Senado.
01:18Aabot daw ang mga ito sa ilang libong pahina.
01:21At kasalukuyang pang pinagsasama-sama at sinicheck para matiyak na akma ito sa inaprubahan sa Kamara.
01:28Sa oras na tanggapin ng Senado ang resolusyon nagtatakda ng Articles of Impeachment,
01:34sabi ng ilang kongresista, kailangang mag-convene agad ito bilang impeachment court.
01:39Pero apektado kaya ito ng pagbabago sa liderato ng Senado?
01:44Ano mo ba ang balak nila ng bagong majority sa proseso ng impeachment?
01:49Karamihan, ng majority of 13 ngayon ay mga pro-Duterte.
01:54Sinasabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na ito'y walang kinalamang sa impeachment baga marami ang nagdududa sa timing.
02:06Pero sa akin naman po, bigyan po natin, bigyan natin siya ng pagkakataon na patunayan na ito'y walang kinalaman.
02:17Sabi ni Senate President Alan Peter Cayetano, a-aksyonan daw agad ng Senado ang Articles of Impeachment kung maita-transmit
02:26ito,
02:26dahil tungkulin nila ito sa ilalim ng saligang batas.
02:30Kung kaya natanggap niyo yung impeachment, mag-convene kayo immediately?
02:33Fourth week.
02:34To the next day, sir?
02:35To the next day.
02:36So, I consulted also Sen. Soto. Sabi niya, proses, ibigay muna sa committee rules.
02:42So, we will do what has to be done and there won't be delays.
02:46Umaasa rin daw siya na makakapag-all-member caucus para mapag-usapan ng iba't ibang issue kabilang ang impeachment trial
02:54ng vicepresidente.
02:56Si Senadora Risa Ontiveros, hindi raw nawawala ng pag-asang may mararating ang impeachment sa Senado.
03:02Gusto ko pong sabihin sa mga kababayan na naidismayasan ang nangyari muna kahapon.
03:08Basta, hindi tayo tumiklok noon at hindi rin po tayo titiklok na yun.
03:13Hindi ko pa alam in terms of the numbers, pero ito nga yung panawagan ko sa liderato, bagong liderato sa
03:19Senado at sa aming lahat.
03:21Though we may disagree with each other on certain issues, dapat malinaw yung katapana namin sa Constitution.
03:28Si Sen. Robin Padilla naman, na nooy nagsasabing tututulan ang pag-convene ng Senate Impeachment Court,
03:34sinabi na ngayong mayorya na siya tuloy ang impeachment sa Senado sa kabila ng pagpapalit nito ng liderato.
03:41Hindi, mamatay yun dahil ang konstitusyon malinaw.
03:49Ang sabi ng konstitusyon, pag ginala sa amin yun, kailangan kaming mag-convene.
03:56Pero bilang legislators, pwede kami magsalita.
04:01Bilang mga ako, bilang PDP laban, bilang alay ng vice president, pwede ako magsalita as legislator.
04:10Nagbabala naman ang ilang kongresista kung hindi agad magko-convene ang Senado.
04:15Kahit sino ang magiging leaders ng Senate, klaro naman ang ating konstitusyon.
04:21Basta't napadala yung Articles of Impeachment sa Senado, they must immediately conduct a trial.
04:28Once the impeachment court convenes, they are bound by the Constitution.
04:31And the Constitution says conduct a trial.
04:34It does not give an option to the Senate to dismiss the case outright.
04:39Ang posibleng hindi agad makapagsagawa ng paglilitis, oras na mag-convene ang Senate Impeachment Court,
04:45dahil may mga preliminary steps pa raw na pwedeng gawin.
04:49Pero may babala si Delima.
04:50Because the act of convening and conducting trial is a ministerial duty, as can be seen from the Constitution,
05:03wala silang option, wala silang discretion, prerogative, o kapangyarihan na huwag itong gawin.
05:10So dapat gawin nila yan.
05:12Ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, o CBCP, hinikayat ang Senado na ipagpatuloy ang impeachment proceedings.
05:20Anila, ang pagpapaliban sa trial ay ang pagpapaliban sa hustisya para sa mga Pilipino at sa Bise.
05:28Ang kampo naman ni Vice President Sara Duterte, sinabing nire-respeto nila kung sino man ang liderato ng Senado.
05:36We respect the Senate. Kung sino man ang ating mga angang-angliderato, we expect fairness.
05:43At syempre po, alam naman natin na ang Senado ay really 24 independent republics,
05:50and we have always believed that they will decide based on the evidence presented to them.
05:56Kumpiansa naman ang depensa na kaya nilang banggain ang mga ebidensya ng Kamara
06:00para patunayang walang ginawang impeachable offense ang Bise.
06:04Yung mga ebidensya na yan, unang-una, hindi yun in-attach sa mga impeachment complaints.
06:11Yung mga ebidensya na yan ay nakuha lang through the compulsory processes ng House Committee on Justice.
06:18May mga ebidensya rin umano ang depensa, pero tumangging sabihin kung may ilalabas silang testigo.
06:25Hindi ko muna sasabihin siguro sa ngayon kasi we want to keep things close to our chest,
06:31especially since legal strategy yung pinag-uusapan.
06:34Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments