00:00Dahil sa tumaas na generation cost,
00:03nahila pataas ang singil ng Meralco ngayong buwan.
00:05Abang nga naman sa Nobyembre kung mararamdaman na mga customer
00:09ang inuutos na refund ng Energy Regulatory Commission.
00:13May unang balita si Bernadette Reyes.
00:1932 centavos per kilowatt-hour ang itataas sa singil ng Meralco ngayong Oktubre.
00:24Katumba siya ng 64 pesos na dagdag singil sa mga kumukonsumo
00:28ng 200 kilowatt-hour kada buwan.
00:30Ang mga ordinaryong mamamayan gaya ni Marisa,
00:33wala ng choice kundi mag-adjust.
00:36Binabawasan nila ang paggamit sa ilaw at electric fan
00:39para kahit papaano eh makamenos sa bayarin.
00:42Nagbawas-bawas nga ako rito pero dalawang daan lang na binawas ito.
00:45Pero ang natipid, mapupunta lang pala sa dagdag singil.
00:49Sana naman huwag naman nila pataasan ng pataasan palagi
00:52kasi ang mga tulad naming mahihirap, kawawa.
00:55Buti sana kung mga tulad kami mayayaman talaga.
00:58Na kumikita talaga kami, isang kain, isang tukak.
01:01Sabi ng Meralco, mas mataas na generation cost
01:03ang pangunahing dahilan ng taas singil.
01:05Isa raw kasi sa mga supplier ng kuryente
01:08ang gumagamit ng liquefied natural gas
01:10na mataas ngayon ang presyo.
01:12Nananatiling mataas ang presyo
01:14dahil sa patuloy na krisis sa gitnang silangan.
01:20Dagdag pa rito ang paghina ng piso laban sa dolyar.
01:24Pero sa Nobyembre, posibi raw bumaba ang bill
01:27kapag ipinatupad na ang 2.64 billion pesos
01:31na ipinababalik ng Energy Regulatory Commission o ERC
01:34sa mga customers sa loob ng 6 na buwan.
01:37The implementation will be starting the November billing month.
01:40Once we receive the order, then titignan namin yung nilalaman nito
01:50at implement namin yung magiging content ng naturang order.
01:56Samantala, inapurbahan na ng Energy Regulatory Commission
02:00ang panibagong average distribution rate ng Meralco
02:03na 1 peso and 48 centavos per kilowatt hour.
02:06Mas mababa ito sa hirit ng Meralco na 2 pesos and 34 centavos per kilowatt hour.
02:12Dahil dito, ayon sa Meralco,
02:14maipatutupad na nila ang mga programa
02:16para sa modernisasyon ng distribution network
02:19na mas nagpapabuti sa serbisyo ng kuryente.
02:22Ito ang unang balita.
02:23Bernadette Reyes, GMA News.
02:25GMA News.