00:01Inagpapaliwanag ng Land Transportation Office Region 5 ang isang motorcycle rider na nanulak ng kapwa rider sa Goa Camarines Sur.
00:09Batay sa video, sumemplang ang biktimang tindero ng ice cream sa gilid ng Fuentebella National Highway matapos itulak.
00:17Ayon sa Goa Police, nasugatan sa kamay ang 50 taong gulang na biktima.
00:22Nagharap sa presinto ang ice cream vendor, ang nanulak na rider at dalawa niyang angkas.
00:26Paliwanag ng nanulak na rider, iniharang lang daw niya ang kanyang kamay dahil didikit daw masyado sa kanya ang motorsiklo
00:34ng biktima.
00:35Nagkasundo ang magkabilang panig matapos mangako ng nanulak na sasagutin niya ang pagpapagamot ng biktima.
00:42Batay sa show cause order ng LTO Region 5, hindi lang panunulak ang paglabag ng rider.
00:48Pinagpapaliwanag din siya kung bakit dalawa ang kanyang angkas at pareho pang walang suot na helmet.
00:54Sinuspindi ng 70 araw ang lisensya ng nanulak na rider.
00:58Nilagay rin sa alarm status ang kanyang motorsiklo.