00:00Lusot na sa Senado ang panukalang magbabawal sa mga edad 17 pababa na gumamit at magkaroon ng social media accounts.
00:09Pero may pagtutol sa ilang nilalaman yan ang isang grupo. Nakatutok si Ivan Mayrin.
00:19Hanggang bago magpandemia, pilit sanang nililimitahan ni Elie Serre ang paggamit ng gadget at pagka-expose sa social media ng
00:26kanyang mga anak.
00:26Yun nga lang dahil kinilangang mag-online klasong pandemya. No choice na ika nga.
00:33Di man daw siya nagkukulang sa paggabay at pagpapaalala.
00:36Pero hindi pa rin niya maiwas sa mag-alala kung ano yung influensyang napupulot sa social media ng mga anak
00:40na ngayon 18, 14 at 8 years old na.
00:44Nababalita naman yung mga addictions sa mga gaming, tapos yung mga hindi pa dapat nararapat na pinapanood ng mga gaya
00:55po ng edad nila.
00:56Sa survey ng UP Center for Integrative and Development Studies sa 177 public schools sa bansa na inilabas kayong taon,
01:05halos 99% ang gumagamit ng internet para sa gawain sa paaralan.
01:10Lampas 98% ang ginagamit ng internet para sa pakikipagchat.
01:14At mahigit 97% o halos lahat nakakapanood ng mga video sa internet.
01:21Kaya naman pabor daw si Elie Ser.
01:22SB number 2424 is approved on third reading.
01:26Sa pagpasa sa ikatlong pagbasa ng panukalang Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces o Smart
01:34Kids app sa Senado kahapon.
01:36Sa ilalim nito, bawal magkaroon at gumamit ng social media account at mga maituturing na high-risk digital platforms ang
01:43mga batang edad 17 pa baba.
01:45Kailangang higpitan ng mga platform ang kanilang age verification systems.
01:49Hindi naman saklaw ng pagbabawal ang email service, private messaging services, educational platforms at news services na kalimitan ginagamit sa
01:58pag-aaral.
01:59Para din naman po yan sa kapakanan ng mga kabataan, para po magkaroon po ng malimit yung exposure nila.
02:08Kasi minsan yung mga kabataan po, hindi pa nila masyadong, ano eh, kayang i-handle yung sarili nila, yung discipline
02:17din nila kayang maging consistent.
02:19Ang mga lalabag na local at international digital platforms, mapapatawa ng kaso administratibo at multa na mula 5 hanggang 20
02:26milyon pesos.
02:27Pag hindi nagbayad, pwede silang i-ban.
02:31Pero sino ang pagmumultahin o parurusahan kung tulad sa kasalukuyan, walang opisina o kinatawan man lang ang mga platform dito
02:38sa bansa?
02:39We agree that there should be platform accountability, we're pushing for that.
02:43We agree that there should be age verification kasi kailangan yan para doon sa age-appropriate content.
02:49Philippine presence was there, so lahat sila kailangan na mag-register sa Pilipinas.
02:53Ang mga magulang na mapapatunayan nagpabaya, may parusa rin sa ilalim ng panukala.
02:595 hanggang 20,000 pesos o community service.
03:02Dito, may pagtutol ang Save the Children Philippines na aktibong isinusulong ang regulated access at hindi ang pag-ban na
03:09nakabasis sa edad.
03:10Hindi rin daw dapat maliitin ang kakayahan ng mga kabataan na paikutan lang ang mga paghihigpit.
03:15Paano naman yung magulang na nagtatrabaho?
03:19Paano yung...
03:20May parusa din po sa kanila?
03:21Yes, kaya nga.
03:22At paano yung maraming magulang na mas magaling ang anak sa social media?
03:26Hindi lang naman kasi enough that we have a law na nagsasabi na bawal yung ganito.
03:32Kailangan din natin tingnan.
03:34Paano natin ito mai-implement?
03:36Ang mungkahi ng Save the Children Philippines sa halip na ipasa sa magulang ang obligasyong magbantay,
03:42dapat ang mga digital platform na mismo ang maglagay ng mga safety features sa kanila mga app.
03:47Unly scrolling, yung messaging na maririt sila ng unknown people kasi doon ang nangyayari yung grooming.
03:55Like yung algorithms, dapat kinamonitor ni platform yun para hindi feed ng feed yung kung anong pumapasok doon.
04:04Yung mga gano'n na features.
04:07Tapos, highest privacy setting on default.
04:10Ang versyon ng panukala sa kamera pumasa na sa second reading pero sa ilalim nito,
04:15labintatlong taong gulang pababa ay pagbabawal gumamit at magkaroon ng mga pinagbabawal na social media platform at digital services.
04:22Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.