00:00Umaapela ang mga local pork producer na ibalik ang dating taripa sa mga inaangkat na baboy
00:06dahil malaking pasakit daw ito sa kanilang industriya.
00:10May hakbang na ang Department of Agriculture.
00:13At nakatutok si Bernadette Reyes.
00:17Sa monitoring ng Department of Agriculture,
00:20umaabot na sa P380 kada kilo ang kasim,
00:23hanggang P450 kada kilo naman ng liyempo sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
00:28Mabuti pa rito sa Marikina Public Market.
00:30Mas mura ang bentahan na naglalaro sa P260 hanggang P320 sa kasim,
00:35P280 hanggang P350 naman sa liyempo.
00:38Pero hindi pa rin daw yan afford ni Carmelita.
00:41Sasahog na lang kasi hindi mo naman pwedeng ulamin ng sangulaman lang kukonte.
00:49Mahal nga po.
00:50Ayon sa National Federation of Hog Farmers Incorporated,
00:53hindi raw dapat ganito kataasang presyo
00:56dahil mababa naman ang live weight ng baboy.
00:58Kung tutusin, live weight price na P120 ngayon,
01:02plus P120,
01:052.40 lang.
01:07Kahit na P250 sa merkato,
01:09meron P350.
01:10So sino kumikita?
01:12Ang panawagan ng pork producers,
01:14ibalik na sa dating level ng taripa sa imported na baboy
01:17dahil hindi naman daw nakatulong ang pagbaba nito
01:20para mapamura ang presyo ng baboy.
01:22Habang pinapatagal raw ito,
01:24lalo raw nanganganib na mag-collapse ang local hog industry.
01:28Kung maaari nga raw,
01:29itigil na muna ang pork importation
01:31hanggang makabawi ang local hog industry.
01:33In spite of mababa yung tarip,
01:36hindi bumaba yung retail price.
01:38Dapat kinayos ng government yung value chain na.
01:42Hanapin yung sinong may problema dun sa chain na yun.
01:48Ayon sa Department of Agriculture,
01:50nagsumiti na ng two-phase proposal sa Tariff Commission
01:53para unti-unting taasan ang taripa sa imported pork.
01:57Pero pag ginawa ito,
01:59aminado ang DA na posibleng magkaroon ng dagdag
02:01na halos limang piso kada kilo
02:03sa presyo ng imported pork.
02:05Posible rin maapektuhan nito
02:07ang presyo ng processed meat
02:08tulad ng hotdog at luncheon meat
02:10na gumagamit ng imported na karne.
02:12Para hindi gaanong maapektuhan,
02:14pinag-aaralan din ang DA
02:15na bigyang priority ang meat processors
02:17sa minimum access volume
02:19kung saan mas mababa ang taripa sa importasyon.
02:21Pinag-uusapan na rin ang DA
02:23at Department of Trade and Industry
02:24ang mga hakbang para maprotektahan
02:26ng local pork producers
02:28habang iniiwasan ang malaking pagtaas
02:30sa presyo ng mga karne.
02:32Nasubmit na yung proposal
02:33para maibalik ulit
02:34yung tariff scheme nga
02:38back to its original level.
02:39Kaya lang hindi mo dapat biglayin nga.
02:41Siniguro naman ang DA
02:42na sapat ang supply ng baboy
02:44ngayong holiday season.
02:45Aabot para sa 170 days
02:47ang supply ng baboy
02:48base sa local production at importation.
02:51Bernadette Reyes,
02:52Nakatutok, 24 Horas.
02:56nasubmit
02:58You