Skip to playerSkip to main content
Isang certified developmental pediatrician lang ang meron kada 43,000 na bata.

Ganyan kalaki ang kakulangan ng developmental pediatricians sa Pilipinas. Sa maraming lugar, wala ni isang clinic na puwedeng mapuntahan ang mga batang may autism, ADHD, Down Syndrome at iba pang developmental disabilities.

Ano nga ba ang epekto ng kakulangan ng dev ped sa ating bansa? Alamin sa report ni Dano Tingcungco.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May mahigit 5 milyong batang may disability sa Pilipinas as of 2025
00:05ayon sa datos ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM-2.
00:10Sa bilang na yan, halos 400,000 lang ang naka-enroll sa mga public school noong school year 2024-2025.
00:19At mahigit kalahati riyan ang kulang o walang formal diagnosis mula sa doktor.
00:25Sa buong bansa kasi, sa 5 milyong batang may special needs,
00:30119 lang ang Certified Developmental Pediatricians.
00:34Ibig sabihin, may isang doktor lang sa kada 43,000 na batang may disabilities.
00:40Malaking tulong sana ang pagpapalawig ng gobyerno sa benefit package ng PhilHealth para sa mga batang may special needs.
00:47Pero dahil kulang na kulang ang bilang ng mga devpeds sa bansa,
00:52posibleng maraming bata rin ang hindi mapakikinabangan ang beneficyo ng PhilHealth.
00:58Ano nga kaya magiging epekto ng kakulangan ng developmental pediatrician sa Pilipinas?
01:09Ang developmental disability ay kondisyon kung saan ang isang individual ay may impairment sa aspetong pisikal, mental, lengwahe at sa
01:17behavior.
01:18Ilan sa mga karaniwang uri nito ay Autism Spectrum Disorder, ASD, Intellectual Disability, Attention Deficit Hyperactivity Disorder, ADHD, at Down
01:29Syndrome.
01:31Ang mga batang may ganitong uri ng kondisyon ay ina-assess ng developmental pediatrician.
01:36Saka sila sasa sa ilalim sa occupational, speech, behavioral at iba pang uri ng therapy.
01:42Pwede yung tumagal ng ilang taon o di kaya'y panghabang buhay depende sa pangangailangan ng isang pasyente.
01:49Hindi basta-basta ang gastos dito.
01:52Sa mga private clinic, umaabot sa 2,500 pesos hanggang 7,000 pesos ang initial consultation.
01:59Ang session naman sa occupational therapy, speech therapy o behavioral therapy ay nasa 1,000 pesos hanggang 3,000 pesos
02:07kada oras sa private therapy centers at clinics.
02:10Mas mura ang sigil sa public hospitals pero mahaba ang pila.
02:14Posibling linggo hanggang ilang buwan ang bibilangin para matingnan ng doktor ang isang bata at punuan din ang slots sa
02:21therapy sessions.
02:23Sa ilalim ng Z-benefit package ng PhilHealth, nasa 3,000 to 5,000 pesos ang sasagutin nila sa bill
02:30ng assessment at discharge assessment.
02:325,000 pesos naman ang sa kada set ng therapy na may hanggang 10 sessions.
02:38Sa 2026 State of the Nation address ni President Bongbong Marcos, inanunsyo niya ang pagpapalawig sa benepisyong yan.
02:46Gagamihan din natin mula sa 60 hanggang 150 ang bilang ng therapy session na sakop ng PhilHealth.
02:55Ang problema, bukod sa may malaking kakulangan sa bilang ng developmental pediatrician sa bansa,
03:0114 facilities lang nationwide ang nagbibigay ng Z-benefit package para sa children with disabilities as of June 2026.
03:09Sampu dito ang nasa Luzon at merong tig dalawa sa Visayas at Mindanao.
03:15Sa mga nasa Luzon, lima rito ang nasa Metro Manila at hirap maabot na mga nasa probinsya.
03:227 region ang wala ni isang accredited facility.
03:27May option naman ng mga magulang na magpakonsulta sa mas mahal na private clinics.
03:32Ang kaso maging ang bilang na mga yan limitado rin.
03:38155 clinics lang nationwide ang developmental pediatric clinics na accredited ng Philippine Society for Developmental and Behavioral Pediatrics.
03:47Halos kalahati niyan ang nasa Metro Manila.
03:51May 24 sa Calabarzon at 18 naman sa Central Luzon.
03:57May mga lugar nga na iisang clinic lang ang nagseservisyo sa buong regyon.
04:04Suwerte pa kung ganun dahil ang karaga at barm wala talaga ni isang developmental pediatric clinic.
04:12Gano'ng kalaking tulong sana mga developmental pediatric clinics sa mga batang may disabilities?
04:18Ayon sa mga eksperto, kung hindi madadiagnose agad ang isang batang may developmental disability,
04:25posibleng maapektuhan ang hanyang pag-aaral at kanyang quality of life.
04:28Kung mas maaga ang diagnosis at intervention o therapy,
04:33mas malaki ang tsansa niya makapamuhay ng normal sa hinaharap.
04:37Men's doctors have already proven na early interventions in the best way.
04:40Kasi po, syempre ang bata po, kumaga nagsisimula pa lang po yung skill acquisition nila.
04:46So, talagang napakaganda pa ng maging trajectory nila if we start the intervention really.
04:51Kasi in our practice, we have what we call neuroplasticity,
04:55kung saan mas madaling magmaturuan yung bata, ganyang malamulta yung kanilang brains,
05:01na maka-absorb pa sila ng mga skills, mga learnings nila as early as possible.
05:06Nagiging problema rin sa mga eskwelahan ang kawalan ng maayos na diagnosis
05:10ng isang batang may developmental disability
05:13dahil hindi nabibigay sa kanya ng mga guro ang nararapat na approach sa pagtuturo.
05:19Sa mga public school kasi, isinasa ilalim sa Special Needs Education o SNED
05:24mga batang may developmental disability na hindi pa kayang sumabay sa ibang mga estudyante.
05:30We are a very big condition right now.
05:33So, hinahanapan pa rin po talaga ng formal diagnosis.
05:36Kung hindi po ma-evaluate yung bata,
05:39yung mga schools po talaga ay iinag-inag lang po yung nakakala
05:42kung ano po talaga yung mga hinahalap na red flags.
05:46Is it just normal kulit?
05:48Is it just normal likod?
05:50Or is it a sensory causal solution?
05:51So, marami pong maapektuhan
05:53kasi hindi rin po alam ng mga features.
05:57Ang formal diagnosis ng isang bata ay makakatulong din sa mga guro
06:02sa paggawa ng Individualized Education Plans o IEP.
06:06Ginagamit itong basihan para ma-adjust ang pagtuturo sa isang bata
06:10depende sa kanyang kakayahan.
06:12Pero paglilinaw ni Richard,
06:15so, bagaman pinakamainam pa rin konsultahin ang developmental pediatricians
06:19dahil sila ay mga espesyalista,
06:21may ibang health professionals namang pwedeng mag-diagnose
06:24ng isang batang may senyales ng developmental disability.
06:28Hindi lang naman po ang developmental pediatricians
06:30ang pwedeng mag-diagnose ng neurodevelopment recommendations.
06:35Yung well-being pediatricians,
06:36yung mga pediatric neurologists,
06:39mga pediatric psychiatrists,
06:41pwede po sila mag-assess noon.
06:43Tuloy pa rin ang pangangalampag ng EDCOM 2
06:45at ng ilan pang mga grupo
06:47para matulungan ng gobyerno
06:49ang mga batang may special needs.
06:50Sana raw ay magkaroon ng sapat na pasilidad
06:54na makakapagbigay ng abot-kayang serbisyo
06:57para sa mga may developmental disability
06:59dahil ang kanilang kondisyon ay hindi basta-basta
07:02at ang gastos talaga namang mabigat sa bulsa.
07:06Ako po si Dana Tingkungko para sa GMA News.
07:20www.arkand asked for more information in kanilang punga.com
07:24M

Recommended