00:00Tamang-tama sana sa Super El Migno, ang original na operational date ng Kaliwa Dam.
00:07Ang problema, nausugyan ng tatlong taon dahil sa mga problema.
00:12Kabilang ang loan na pampondo sana sa proyekto.
00:17Nagbabalik si Maki Pulido.
00:22Sa kabila ng mga protesta ng mga katutubong Pilipino,
00:26natuloy ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam Project sa kabundukan ng Rizal at Quezon noong 2023.
00:33Kaliwa Dam Project ang sinasabing sagot sa kakulangan ng malinis na tubig sa Metro Manila
00:38dahil hindi nasapat ang tubig mula sa Angat Dam.
00:42600 million liters per day ang kapasidad nito
00:45at kayang maghatid ng 2,400 million liters per day sa mga water treatment facilities sa Rizal.
00:52Huling bahagi ng 2026 target matapos ang construction ng 12.2 billion peso dam
00:58at dapat sana'y operational na sa unang bahagi ng 2027.
01:04Tamang-tama sana dahil ito ang panahon na tatamaan tayo ng Super El Migno
01:08kaya't makakaranas ang malaking bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila,
01:13ng matinding tagtuyot.
01:15Pero sa halip na 2027 operational date, 2030 na ang bagong target
01:21dahil sa ngayon, sabi ng MWSS o Metropolitan Water Works and Sewerage System,
01:27nakahinto ang proyekto dahil sa kawalan ng pondo.
01:30Nagkaproblema raw kasi ang loan agreement sa China Exim Bank
01:34kaya nahinto ang pagpupondo para sa Kaliwa Dam Project.
01:37Nagkaroon po ng problema po sa loan po natin sa China
01:40so hindi na po in-extend po ng ating pausap po from the China Exim Bank
01:45yung ating loan kaya po nagkaroon po tayo ng mutual termination po dito po sa ating kontrata.
01:52Nabanggit din yan sa report ng Commission on Audit.
01:55Nagkulang daw sa pondo dahil hindi na isumite ng MWSS sa tamang petsa
01:59ang request for extension nang mawalan na ng visa ang loan agreement noong May 1, 2025.
02:05Dahil daw sa oversight na ito, umabot sa mahigit 7 billion pesos na civil works ang hindi mapondohan
02:13kaya hindi nabayaran ang nasa 400 million pesos na bill ng kontraktor.
02:18Hinihingan namin ang reaksyon ng MWSS tungkol dito.
02:22Sabi ng MWSS, mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water na ang magtutuloy ng proyekto.
02:29Hinihingi pa namin ang pahayag ng Maynilad at Manila Water maging ng Malacanang kaugnay nito.
02:34Yung ating pag-finance po ng itong proyekto na ito, it will be shared equally by Maynila din Manila Water.
02:40Supportive naman po sila na sila na po yung mag-finance po nitong proyekto.
02:43Napuna na ng COA ang pagkaantala ng proyekto noong nakaraang taon.
02:47Sa report nito, as of December 31, 2025, sa halip daw na 54.62% completed na ang proyekto,
02:55nasa 26.25% pa lang.
02:58Nasa kategorya ng araw ito na at-risk level 2 critical ng Department of Economy, Planning and Development
03:05o humaharap sa mga matinding problema at pagkaantala ang implementasyon.
03:10Dagdag ng COA, isang dahilan ng pagkaantala ang pagtutol ng LGU ng Infanta
03:15at Provincial Government ng Quezon kaya't hindi makagalaw ang mga heavy equipment.
03:21Naantala rin daw ang pagdokumento sa pagpayag ng mga katutubo na mapaalis sila mula sa kanilang lupain.
03:27Makipulido na katuto, 24 oras.