00:00Target sana maging operational ang Kaliwa Dam sa 2027 na sakto sa inasahang epekto ng Super El Niño.
00:07Pero batay sa report ng Commission on Audit na urong ang target operation sa 2030 matapos magkaproblema sa loan sa
00:14China.
00:15Balitang hatid ni Maki Pulido.
00:21Sa kabila ng mga protesta ng mga katutubong Pilipino, natuloy ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam Project sa kabundukan ng Rizal
00:29at Quezon noong 2023.
00:32Kaliwa Dam Project ang sinasabing sagot sa kakulangan ng malinis na tubig sa Metro Manila dahil hindi nasapat ang tubig
00:39mula sa Angat Dam.
00:40600 million liters per day ang kapasidad nito at kayang maghatid ng 2,400 million liters per day sa mga
00:48water treatment facilities sa Rizal.
00:51Huling bahagi ng 2026 target matapos ang construction ng 12.2 billion peso dam at dapat sana'y operational na
00:59sa unang bahagi ng 2027.
01:01Tamang-tama sana. Dahil ito ang panahon na tatamaan tayo ng Super El Niño, kaya't makakaranas ang malaking bahagi ng
01:10bansa, kabilang ang Metro Manila, ng matinding tagtuyot.
01:14Pero sa halip na 2027 operational date, 2030 na ang bagong target dahil sa ngayon, sabi ng MWSS o Metropolitan
01:23Water Works and Sewerage System, nakahinto ang proyekto dahil sa kawalan ng pondo.
01:28Nagka-problema raw kasi ang loan agreement sa China Exim Bank, kaya nahinto ang pagpupondo para sa Kaliwa Dam Project.
01:36Nagkaroon po ng problema po sa loan po natin sa China, so hindi na po in-extend po ng ating
01:42pausap po from the China Exim Bank yung ating loan, kaya po nagkaroon po tayo ng mutual termination po dito
01:49po sa ating kontrata.
01:50Nabanggit din yan sa report ng Commission on Audit. Nagkulang daw sa pondo dahil hindi na isumite ng MWSS sa
01:57tamang pecha.
01:58Ang request for extension nang mawalan na ng visa ang loan agreement noong May 1, 2025.
02:04Dahil daw sa oversight na ito, umabot sa mahigit 7 billion pesos na civil works ang hindi mapondohan.
02:11Kaya hindi na bayaran ang nasa 400 million pesos na bill ng kontraktor.
02:17Hinihingan namin ang reaksyon ng MWSS tungkol dito.
02:20Sabi ng MWSS, mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water na ang magtutuloy ng proyekto.
02:27Hinihingi pa namin ang pahayag ng Maynilad at Manila Water maging ng Malacanang kaugnay nito.
02:32Yung ating pag-finance po ng itong proyekto na ito ay it will be shared equally by Maynila din Manila
02:38Water.
02:39Supportive naman po sila na sila na po yung mag-finance po nitong proyekto.
02:42Napuna na ng COA ang pagkaantala ng proyekto noong nakaraang taon.
02:46Sa report nito, as of December 31, 2025, sa halip daw na 54.62% completed na ang proyekto,
02:54nasa 26.25% pa lang.
02:57Nasa kategorya ng araw ito na at risk level 2 critical ng Department of Economy, Planning and Development
03:04o humaharap sa mga matinding problema at pagkaantala ang implementasyon.
03:09Dagdag ng COA, isang dahilan ng pagkaantala ang pagtutol ng LGU ng Infanta
03:14at Provincial Government ng Quezon kaya't hindi makagalaw ang mga heavy equipment.
03:19Nantala rin daw ang pagdokumento sa pagpayag ng mga katutubo na mapaalis sila mula sa kanilang lupain.
03:27Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA News.