Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 3, 2026


- VP Sara Duterte, wala sa hearing kaugnay sa hinihinging P785.204M budget para sa 2027 ng kaniyang opisina | House Appropriations Committee Vice Chairman Alvarez: Walang confidential funds ang OVP sa 2027

- DOH, binigyan ng DBM ng P354B budget para sa 2027; malayo sa hiling nilang P837B | DOH: PhilHealth, DOH hospitals, at pag-upgrade ng health facilities, apektado ng pagtapyas sa 2027 budget

- Ilang lugar sa Mindanao, nababalot na rin ng haze na posibleng galing sa wildfire sa Indonesia

- Mahigit 1,400 ektarya ng sakahan sa Casiguran, apektado ng tagtuyot; iba pang sakahan, hirap sa patubig

- Pagpapatupad ng TRO sa dagdag na P85 sa daily minimum wage hike sa NCR kahit hindi pa nababayaran ng petitioners ang P10B bond, kinuwestiyon ng ilang labor groups

- Fil-Am singer H.E.R., shinare ang kaniyang jeepney ride experience sa Manila | H.E.R., nag-explore sa iba't ibang lugar sa Metro Manila


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:16The GMA News
00:30Ito na ang mga unang balita.
00:34Wala si Vice President Sara Duterte sa pagdinig para sa mahigit 785 million pesos budget na hinihingi ng kanyang opisina
00:42para sa 2027.
00:44Mas mababa ito kaysa sa mahigit 889 million pesos na budget nito ngayon taon.
00:49Si OVP Chief of Staff Suleika Lopez ang kumatawan sa opisina matapos mag-abiso si Vice President Duterte na hindi
00:56siya pupunta sa budget hearing.
00:58Sa kamara, binibigyan ng parliamentary courtesy ang Office of the President at Office of the Vice President.
01:04Ibig sabihin, wala nang magtatanong sa komite at sa plenaryo na hihimayin ang budget.
01:09Ayon sa OVP, ilan sa mga programang tututukan nila sa susunod na taon ay ang pagbibigay ng tulong at livelihood
01:15assistance sa mga pamilya, estudyante at komunidad.
01:19Sabi ni House Appropriations Committee Vice Chairperson Jose Alvarez, walang confidential funds ang OVP para sa 2027.
01:30Wala, nothing. Nothing.
01:33So it's up to the President kung bigyan niya ng confidential funds yung Office of the Vice President, that is
01:38his discretion.
01:42Hindi man lang umabot sa kalahati ng hiniling na pondo para sa 2027 ng Department of Health,
01:48ang inilaan ng Department of Budget and Management sa National Expenditure Program.
01:52Mula kasi sa mahigit 800 bilyong pisong hiling na budget, mahigit 300 bilyong piso lang ang inilaan para sa DOH.
01:59Pangaman ng ahensya, maaapektuhan nito ang pagsagot ng PhilHealth sa bill na mga miyembro at operasyon ng mga DOH hospital.
02:06May unang balita si Bea Pinlak.
02:12Ang mga banta ng kalikasan at masamang epekto ng mga aktibidad ng tao, dagdag sa mga dati ng banta sa
02:19kalusugan ng mga Pilipino.
02:21Mataas pa naman ang target ng Department of Health na ibinahagi sa pagtalakay sa kanilang budget.
02:26To make the Filipinos among the healthiest people in Asia by 2014.
02:31Kailangang simulan agad ang mahakbang para maabot yan.
02:34Kaya humihingi ang health department ng 837 bilyon pesos na pondo.
02:40Pero ang inilaan lang ng Department of Budget and Management batay sa National Expenditure Program ay 354 bilyon pesos.
02:47Kabilang sa natapyasan ang budget para sa PhilHealth,
02:50na mula sa P376 bilyon peso request, ay pinaglaanan lang ng P74 bilyon pesos.
02:58Your expected benefit payout for indirect contributor next year is P244 bilyon.
03:08Sir, it's 170 additional just to get us to break even point.
03:18And that's even assuming it's the same rate of utilization this year.
03:23Nabawasan naman ng halos 12 bilyon pesos ang budget nila sa operations ng mga DOH hospital.
03:29Napuruhan din ang pondo para sana sa pag-upgrade ng mga health facilities sa bansa,
03:33na binigyan lang ng 14.5 bilyon pesos,
03:37imbis na ang hiling nila na 29 bilyon pesos.
03:41Baka madelay ng konti dito sa target,
03:44unless nga po ma-reinstate natin yung ating hinihinging allocation.
03:48Paano naman masosolusyonan ng DOH ang problema sa mga programa nito,
03:52gaya ng MAEFIP o Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients
03:57na tila na bahiran na umano ng palakasan ng mga politiko.
04:01Obviously, it's still very much politicized.
04:05Moving forward, we're already looking at how to create a rules-based e-MAEFIP procedure po.
04:13Para nga po, direct link doon na po mag-apply yung pasyente.
04:16Ang MAEFIP po is we envision na should be for outliers,
04:20yung talagang malalaki pong mga taso na hindi po sapat yung field health.
04:25And that is the way it should be.
04:27First payer po ang field health, then second payer po ang MAEFIP.
04:31Apektado pati ang budget para sa maintenance and other operating expense
04:35sa National Center for Mental Health na bumaba ng mahigit 300 milyon pesos.
04:40Kasama pa naman sa ginagastusan ang crisis hotline nito,
04:43na parami ng parami ang natatanggap na tawag.
04:47Ito ang unang balita.
04:49Bea Penlac, GMA News.
04:53Nababalot na rin ang haze ang ilang lugar sa Mindanao
04:55na posibleng galing din sa wildfire sa Indonesia.
04:58Kabilang sa mga apektadong lugar ang Coronadal, South Cotabato.
05:02Sa datos ng DNR Environmental Management Bureau,
05:05nakapagtalaro ang kahapon ng Acutely Unhealthy na Air Quality Index
05:09sa kategory na Fine Particulate Matter o PM2.5.
05:14Unhealthy for sensitive groups naman.
05:16Ang air quality sa Zamboanga City,
05:18Cagayan de Oro City at Dawao City.
05:20Kasama rin sa mga lugar na apektado ng haze ang Midsayap, Cotabato.
05:24Ang PM2.5 ay uri ng polusyon na may mas manipis pa sa buhok ng tao.
05:31Nagmumula ito sa ibinubugan ng mga sasakyan,
05:33industrial emissions, power plants, wildfire at iba pa.
05:40Kung binabaha ang maraming bahagi ng luson,
05:43natutuyot naman ang mahigit 1,400 ektare ang sakahan sa kasiguran Aurora.
05:49Ayon sa Municipal Agriculture Office, dulot ito ng mainit na panahon.
05:53Ang iba pang ektare naman ay hindi magamit dahil hirap daw sa patubig.
05:56Pinangangabahan tuloy na maapektuhan ng supply at demand
05:59sa kasiguran sa mga susunod na buwan dahil sa naranasang tagtuyot.
06:04Nakikipagugnay na ang lokal na pamahalaan sa National Government
06:06para makahingi ng tulong para sa mga apektadong magsasaka.
06:13Inwestyo ng ilang labor groups ang pagpapairal pa rin sa temporary restraining order
06:17sa pagpapatupad ng dagdag na 85 peso sa daily minimum wage sa Metro Manila.
06:23Sa isinagawang public hearing ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board kahapon,
06:27iginiit ng ilang grupo na hindi pa nababayaran ang dalawang kumpanyang nagpetisyon para sa TRO
06:34ang nirequire sa kanila ng PASIG Regional Trial Court na 10 billion peso bond.
06:39Ang kay Department of Labor and Deployment Regional Director Atty. Roy Buenafé,
06:44alamin nila kung ano na ang status ng kaso
06:46at kung hindi pa nga nakapagbabayad ng bond ang dalawang petitioner.
07:04So, Miss Jika, sinair ni Filipino-American singer Her ang kanyang jeepney ride experience sa Maynila.
07:19May pusa?
07:22Kita excitement kay Her habang nakatanaw sa bintana ng jeep kasami niya sa biyayang kanyang Forgotten Island co-star na
07:28si Liza Soberano.
07:30Wow, grabe. Bukod sa jeep na enjoy rin si Her sa pagsakay sa e-trike,
07:34mag-explore sa iba't ibang lugar sa Metro Manila at pagkain ng ilang putahing Pinoy.
07:40Nasa Pilipinas si Her para sa Manila, press top ng kanilang pelikula na tumatalakay sa Filipino culture.
07:48Hi, Her!
07:49Cute! Enjoy!

Recommended