00:02Nagsimula ng maghanda si Tatay Dante na binipisyaryo ng Project Lawa at Binihi ng Department of Social Welfare and Development
00:09o DSWD Bicol dito sa Ligaspo City dahil sa banta ng Very Strong El Niño.
00:14Ang strategiya niya, maglagay ng sapat na daanan ng tubig na mabilis na susuporta sa mga pananim.
00:20Ang pinagkukunan kasi ng supply ng tubig para rito, direkta sa bukal mula pa sa paanan ng bulkang mayon.
00:25I-maintain namin yung pagpasok ng tubig dito, dapat malinis palagi yung waterways, tapos yung mga, hindi naman kasi naubusan
00:35ng tubig yung river, marami ang tubig sa river, hindi yan, imposible yan magubas yan.
00:41Sa tala ng DSWD Bicol, mayroon ng 118 established lawa sites at 185 established pinhi sites sa anim na probinsya
00:51ng regyon.
00:51Sa ilalim ng programa, nakatoon ang Project Lawa sa pagpapalakas ng water access sa pamamagitan ng small farm reservoir, water
00:58harvesting at iba pang water conservation measures.
01:01Habang itinataguyod naman ang Project Binhi ang food security sa pamamagitan ng communal gardens at climate resilient crops.
01:08Dahil dito, umabot na sa siyam na libong binipisyaryo ang naservisyuhan kung saan nasa 78.3 million pesos ang naipamahaging
01:16pondo.
01:16Bukod dito, nakaposisyon na rin ang standby funds at stockpile ng ahensya para sa maaapektuhan ng El Niño.
01:23Ang Field Office 5 ay mayroon pong kabuo ang 353 million po na standby funds and stockpile.
01:31So, of Bicol Region's warehouse capacity na umabot po ng 502,000, mayroon po tayong 308,000 family food packs
01:42na nakastore.
01:43Sa pamamagitan ng Project Lawa at Binhi ng DSWD Bicol, mas napapalakas ang access sa tubig at food security ng
01:50mga binipisyaryo upang mas maging handa ang kanilang mga taniman sa panahon ng tagtuyot.
01:56Ang maagang paghahanda rito sa Bicol Region ay pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. na pagtibayin at
02:03pabilisin ang pagpaplano at pagtugon sa El Niño.
02:06Mula rito sa Albay para sa Integrated State Media. Gary Carillo ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.