00:00Magsisimula na ngayong araw ang limang araw na working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore.
00:06Layo ng pagbisitang ito, napalawaki ng kooperasyon pagdating sa digital technology, green economy, smart infrastructure, artificial intelligence, at renewable energy.
00:16Dadalori ng Pangulo sa 24th Forbes Global CEO Conference.
00:20Ang detalya tungkol dyan mula kay Clazel Pardilia, live mula sa Singapore. Clazel.
00:28Rise and shine, Dayan! Rise and shine, Pilipinas!
00:32Andito po ako ngayon sa isa sa mga pinakasikat na entertainment at retail belt dito sa Singapore.
00:39At ngayong araw, Dayan, nakatakbang bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungo rito sa Singapore para sa limang araw
00:48na working visit.
00:49Ito yung ikalawang beses na magtutungo si Pangulong Marcos dito sa Singapore ngayong taon.
00:56Simbolo ng matibay at lalo pang lumalalim na relasyon ng Pilipinas at Singapore lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan, pamumuhunan,
01:06depensa, at people-to-people ties.
01:13Ininditahan ni Singaporean Prime Minister at Minister for Finance, His Excellency Lawrence Wong, si Pangulong Marcos.
01:21Nakatakbang magpulong ang dalawang leader para paigtingin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Singapore.
01:28Palawakin ang kooperasyon pagdating sa digital technology, green economy, smart infrastructure, artificial intelligence, at renewable energy.
01:38Dadalo rin ang pangulo sa 24th Forbes Global CEO Conference.
01:43Itepresenta ng Presidente ang mga investment opportunities sa mahigit 470 business leaders ng Singapore at ng buong mundo.
01:53Inaasahan ang magkakaroon ng one-by-one dialogue ang Presidente, kay Forbes Media Chair and Editor-in-Chief, Steve Forbes.
02:00Ibibida niya ang oportunidad ng bansa pagdating sa digital technology, AI, advanced manufacturing, energy, at healthcare.
02:10Dayan, bibisita rin ang pangulo sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute upang mapalawak pang kaalaman ng Pilipinas pagdating sa
02:18nuclear research, safety, at regulation.
02:21Makatutulong ito sa long-term planning ng Pilipinas para masiguro ang energy security ng bansa.
02:27Inaibitahan din ni Prime Minister Wong ang pangulo ng bansa sa isang hapunan sa Formula One ng F1 Singapore Grand
02:34Prix 2026.
02:35Sari ito ng mga karera sa larangan ng motorsports, malaking international gathering ng business leaders, investors, diplomats, at government leaders.
02:44Kaya magandang pagkakataon ito para isulong ang ating business interests at mapatatagpang ating partnerships sa mga world leaders.
02:52Narito ang pahayag ni Undersecretary Claire Castro, ang palace press officer.
02:59Ang punta po talaga ng pangulo dito e para sa mga investments, sa mga trade na maaaring kahit pa ng
03:10pangulo para sa ating bansa.
03:12Yun talaga yung una niyang mga activity.
03:16Nakaraang taon, Diane, papalo sa 9.27 billion US dollars ang economic trade ng Pilipinas at Singapore.
03:23Sa unang bahagi naman ng 2026 galing sa Singapore, yung pinakamalaking foreign investment commitments na inaprobahan ng Philippine Board of
03:32Investments sa halagang 3.15 billion pesos.
03:37Diane, ayon sa report ng foreign affairs, lalong mahalaga yung oportunidad na makapunta rito si Pangulong Marcos dahil magtatapos na
03:45rin yung pagiging chairman ng Pilipinas sa ASEAN at ililipat na yung mga tungkulin sa Singapore kaya importante na magkaroon
03:56ng maayos na coordination at alignment sa mga priority ng ASEAN.
04:01Yan na muna ang pinakahuling balita mula rito sa Singapore. Balik dyan sa studio, Diane.
04:07Maraming salamat, Clazel Pardelia Live mula sa Singapore.