00:00Siniseryoso ng National Security Council ang informasyong iprinisinta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
00:07na nakatanggap umano ng pera ang isang Philippine-based company na iniuugnay sa pamilya ng bise.
00:14Sa testimony ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Ronel Bonaventura,
00:19sinabi nitong nakatanggap ng mahigit 300 milyong piso mula China at Hong Kong
00:25ang asawa ng bise na si Attorney Manassas Cartio.
00:28Nitong biyernes naman, inilahad ni dating senador Antonio Trillanes IV na nagpasok umano ng milyong-milyong piso ang China
00:37sa foundation ng bise at sa kumpanya ni Cartio.
00:40Ayon sa National Security Advisor, kailangang sumailalim sa maingat, malalim at responsabling pagsusuri ang iniulat ng mga transaksyon.
00:51Patuloy rin daw na aatasa ng NSC ang intelligence at investigative agencies na makipag-ugnayan sa mga institusyon ng gobyerno
01:00para suriin ang implikasyon nito sa national security.
01:04Nauna na rin kinondena ng Chinese Embassy ang umunoy gawa-gawang naratibong nagpasok ng pondo ang China
01:12sa isang particular na political faction sa Pilipinas.
01:16Kinikayat din nila ang mga Pilipinong may kinalaman sa nangyari na tigilan ang aniray political manipulation
01:23at huwag isangkot ang politika sa Pilipinas sa ugnayan ng dalawang bansa.