00:00Umakyat sa 7.2% ang inflation rate o antas ng bilis ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo sa
00:09bansa noong Setiembre.
00:11Kabilang sa mayambag dyan ang pagmahal ng ilang pagkain, pati renta, singil sa kuryente, petrolyo at pamasahe.
00:20Nakatutok si Marie Zumal.
00:25Naiyak na lang ang 55 years old na si Nanay Bebyan, cancer survivor na panghabang buhay na mga gamot at
00:32check-up.
00:32Lalo kasing bumibigat ang gastusin sa pagmahal ng bilihin.
00:367.2% ang inflation rate o bilis ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo nitong Setiembre, mas mabilis kumpara
00:43noong Agosto.
00:44At lalong malayo kumpara noong September 2025.
00:48Sa sobrang mahal ng bilihin, parang di mo na alam kung paano mo ba budgetin yung kinikita.
00:53May maintenance ka pang binibilis, parang ang hirap. Ang ating nalang lakas kay Lord.
00:58Pero mas lalong ramdam yan ang 30% na pinakamahihirap na sambahayan.
01:02Dahil mas mabilis ang pagmahal ng mga ginagasto sa nila, 9% ang ramdam nilang inflation.
01:08Kapag tumaas ang presyo pero hindi sumasabay ang kita, bumababaraw ang purchasing power ng mga mamamayan.
01:16March 2023, huling umabot sa haros ganitong level ang inflation.
01:20Nitong Setiembre, pinakamalaking ambag ang pagmahal ng bigas, isda at gulay dahil sa masamang panahon.
01:27Mataas yung ating food inflation, yung food inflation natin actually ay nasa 6.8% for all income households.
01:36Malaki rin ang ambag ng pagmahal ng renta, singil sa kuryente at LPG.
01:41At ang gasto sa transportasyon dahil pa rin sa pagmahal ng petrolyo.
01:45Ayos sa Department of Economy, Planning and Development o DepDev, supply-driven ang inflation.
01:51Ibig sabihin, konti kasi ang supply kaya nagmamahal.
01:54Kaya pinalalakas daw ang produksyon at pag-iimbak ng mga pagkain,
01:58pati ang pagkahatid nito para hindi maapektuhan ng masamang panahon.
02:01Solusyon din umano ang pagsuspindi sa excise tax sa LPG at kerosene.
02:06Pag-extend sa limitasyon o secondary price cap sa Visayas at Mindanao grids
02:11para mapababa ang singil sa kuryente.
02:13Pagsulong ng libreng toll sa mga highway na dinadaanan ng mga truck
02:16na nagbabiyahin ng agricultural produce.
02:19At ang rollout ng unang commercially approved African swine fever vaccine sa bansa
02:23para ma-stabilize ang supply ng karning baboy lalo na sa papalapit na kapaskuhan.
02:28Bilang paghahanda rin sa Super El Niño, minamadali na rao ng gobyerno
02:33ang pagbili ng mga produktong agrikultural,
02:35pagkapalawig ng food and cold storage facilities
02:38at pagsasagwa rin ng cloud seeding operations sa mga lugar na apektado na ng tagtuyot.
02:44Mariz Ungali na Kututok, 24 Horas.