Skip to playerSkip to main content
Lumakas ang halaga ng piso kontra dolyar kasunod ng anunsyong ceasefire sa pagitan ng Amerika at Iran.


Sa unang pagkakataon nitong nakalipas na dalawang linggo, bumalik na ‘yan sa P59 level.


Mararamdaman ba ni Juan ang epekto niyan?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lumakas ang halaga ng piso kontra dolyar kasunod ng anunsyong ceasefire sa pagitan ng Amerika at Iran.
00:08Sa unang pagkakataon itong nakalipas sa dalawang linggo, bumalik na yan sa 59 peso level.
00:15Eh mararamdaman ba ni Juan ang epekto niyan?
00:18Nakatutok si JP Sorian.
00:23Kasunod ng pag-anunsyo ng dalawang linggong ceasefire sa pagitan ng Amerika at Iran,
00:27ang halaga ng piso kontra dolyar lumakas mula sa 60.33 kahapon.
00:32Nagsara ang palitan ngayong araw sa 59.43 kada dolyar.
00:36Ngayon lang muling bumalik sa 59 peso level ang palitan sa loob ng dalawang linggo.
00:42Ang pagbawi ng piso kontra dolyar, good news sa pangkalahatan sa ekonomiya ng bansa.
00:47Dahil kalaunan mas mura ang mga inaangkat ng Pilipinas gaya ng langis, pagkain at mga hilaw ng materyales.
00:53Dahil dito, nababawasan ang presyo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin o infresyon.
00:59Bukod dito, mas lumalakas ang purchasing power o yung kakayahan na mga Pilipinong gumili ng imported goods.
01:05Eh kasi net importer tayo eh, at ang ginagamit natin pang import ay dolyar.
01:11Mamimili tayo ng dolyar, gamit natin ang piso.
01:16So kung mataas ang presyo o mataas ang palitan ng piso kontra dolyar,
01:24eh mataas din ang presyo ng mga ini-import natin dito.
01:29Pero pagka bumaba naman ang palitan ng piso kontra dolyar,
01:35makakabuti yan doon sa ating importasyon.
01:38Pero huwag daw asahan na maramdaman agad ang epekto ng pagbawi ng piso kontra dolyar
01:43sa presyo ng produktong petrolyo, pati na rin sa ilang bilihing nagtaas na.
01:47Ang problema natin, pagka pataas, magbilis.
01:51Pagka pababa, maraming mga dahilan, maraming argumento,
01:56katulad ng petrolyo, sinasabi nila,
02:00eh ang batayan yan is yung replacement cost.
02:04Yung current price sa world market,
02:06kahit na binili nila ng mas mababa noong isang buwan,
02:10wala pa sa, walang $100 per barrel yun.
02:14Ang tinitingnan nga natin para mga nasa 60 level ang bilihan ng oil,
02:24kada barilis.
02:26Pero ngayon nasa modern $100 na.
02:28Kanina bumaba sa $100,
02:31hindi agad natin makikita ito sa merkado.
02:39Kung meron man daw apektado sa pagbawi ng piso
02:42ay ang mga may hawak ng dolyar
02:44o yung mga ipinapadala na mga OFW
02:47sa mga kaalak nila sa Pilipinas.
02:49Hindi ito makakabuti doon sa may mga hawak na dolyar
02:52dahil mas mababa ang palit.
02:54So makikita agad nila na pagka nagpunta sila sa bangko,
02:58mas mababa ang makukuha nilang kapalit ng dolyar
03:01na ipinapalit nila sa mga bangko.
03:04JP Soriano, Nakatutok 24 Oras.
Comments

Recommended