00:00Nagpaalala sa publiko ang Department of Trade and Industry
00:03kaugnay sa pagbili ng mga peke o substandard na mga produkto online.
00:06Kasunod yan ang dumaraming reklamo mula sa mga customers sa online platforms.
00:11Dahil din dyan, kumihiling ang DTI ng dagdag budget para tugunan ang mga reklamo.
00:16Narito ang aking report.
00:20Sa pagdilig ng Senate Finance Subcommittee,
00:23nagpapasaklolo na ang Department of Trade and Industry para sa dagdag na budget.
00:26Dumarami na raw kasi ang customers sa online platforms at dumarami rin ang mga natatanggap nilang reklamo.
00:4821.6 million pesos daw ang kanilang kailangan para matugunan ang dumaraming reklamong kanilang natatanggap
00:54kaugnay ng e-commerce transaction.
00:56Inasang dadami pa raw ito ngayong magpapasko.
00:59Bahagi rin daw ng Consumer Protection Drive ng Kagawaran ang information campaign
01:03dahil batid nilang maraming consumer ang hindi nakakaalam kung saan magre-reklamo.
01:08Tulad ng negosyanteng si Baby Ruth, nitong Mayo lang.
01:11Nawalan daw siya ng 11,000 piso matapos makakaltasan ang kanyang e-wallet
01:15dahil sa isang transaksyong hindi naman daw niya ginawa.
01:18Sa polis at sa e-commerce platform daw siya lumapit pero kung saan-saan siya itinuturo.
01:22Eh wala, hindi ko na nahabol po yung 11K. Sikat na lang para mapabalik.
01:28Pati mga nabibili online na peke o kay substandard.
01:31Pinalalagpas na lang daw ni Baby Ruth. Abala lang daw kasi sa oras.
01:35Palagay niyo marami kayo katulad mo na hindi alam kung saan magre-reklamo pag may ganitong nangyari?
01:40Sigurado po ako ng marami kasi dito nga po sa amin, sa lugar namin, dami na po dito na-scam.
01:46Halos lahat po kami sa harap ng Agham Road. Na-scam na po kami dito lahat.
01:52Payo ng DTI kahit online binibili ang mga produkto, tiyaki na may Philippine Standard o PS Marks sa mga ito.
01:58At kung imported, siguro yung meron itong imported commodity clearance o ICC stickers.
02:03Kung may reklamo sa mga nabiling produkto, huwag daw itong palagpasin at agad tumawag sa DTI hotline na 1DTI o
02:111384
02:12o kaya ipuntahan ang kanilang DTI consumer care portal.
02:15Rafi Tima, nagbabalita para sa GMA News.