Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 2) Update sa 2026 Asian Games; Inatake sa puso habang nagpo-protesta; Mga alegasyon ni Gracioso, atbp


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naghain ng not guilty plea sa kasong Graf ang ilang isinasangkot sa manumalyang flood control project sa Bulacan na kapwa
00:08-akusado ni dating Congressman Zaldico.
00:11Kabilang dyan si dating Department of Public Works and Highways o DPWH Engineer Bryce Hernandez.
00:18At nakatutok si Maki Pulido.
00:22Maliban sa mga kaso, dasa di umano'y manumalyang P289M flood control project sa Nauhan, Mindoro Oriental.
00:30May malversation at graft cases din laban kay dating ako, Bicol Partylist Representative Zaldico.
00:36Dahil naman, sa di umano'y P77M ghost flood control project sa Balagtas, Bulacan.
00:43Sa mga akusado, wanted pa, sinako, at dalawa niyang staff na sina John Paul Estrada at Mark Texay.
00:49Kaya mga nabasahan lamang ng sakdal kaninang umaga ay mga dating opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office.
00:57Kabilang sa kanila si Bryce Hernandez, na co-accused din ni dating Sen. Bong Revilla dahil naman sa isa pang
01:04di umano'y P92M ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
01:09Binasaan sila ng sakdal kaninang umaga dahil sa di umano'y P77M riverbank project sa Balagtas, Bulacan na idineklarang 100
01:18% completed noong May 2, 2025.
01:21Pero wala naman umanong na itayong proyekto.
01:24Not guilty ang inihain plea nila.
01:27Nauna na silang naghain ng not guilty plea sa kasong malversation, kaugnay ng proyektong ito sa Sandigan Bayan 4th Division.
01:34Makipulido na katuto, 24 oras.
01:37Tuloy ang panaghoy ng mga tsuper na isa sa pinaka-apektado ng mahal na presyo ng langis.
01:44Higit pa nga ang inabot ng isa, matapos siyang atakihin sa puso sa gitna ng protesta ng Pison sa Kaloocan.
01:53Nakatuto si Gabriel Gonzalez.
01:59Malakas at tila wala pang iniinda sa katawan ang 78 anyos na si Elmer Cordero
02:05nang sumama sa unang araw ng protesta ng grupong Piston sa Monumento Kaloocan kahapon.
02:11Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.
02:14Hirap na siyang huminga at kritikal ang lagay ngayon, matapos atakihin sa puso sa kasagsagan ng Welga.
02:20Bigla na lang daw kung sumikip yung dibdib at nawala na po siya ng malay.
02:26Hindi po siya nagsabi na masama yung pakiramdam niya, basta umupo na lang daw po siya.
02:31Posible rin daw na pinalala pa ng ibang sakit ni Tatay Elmer ang kanyang kalagayan ngayon.
02:36Ang una niya pong iniinda ay yung sakit na po sa likod.
02:41At napag-alaman ko rin po na may asma siya.
02:44Ang sabi po ng nakausap kong nurse, parang komplikasyon na po yun sa puso at saka yung sa asma niya.
02:53Kabilang si Tatay Elmer Cordero sa tinaguri ang Piston 6 o ang 6 na miyembro ng grupo na inaresto at
03:00ikinulong noong 2020.
03:02Matapos silang maghilos protesta na ayon sa pamahalaan ay labag sa quarantine protocol noon.
03:09Isa rin siya sa mga nawala ng trabaho noong pandemia.
03:11Kalaunay iniurong ang reklamo laban sa Piston 6.
03:16Limampung taong naging jeepney driver si Tatay Elmer.
03:20Ayon sa grupo, inspirasyon siya sa lahat ng mga kasapi dahil sa kanyang masidhing kagustuhang isulong ang karapatan ng mga
03:27choper.
03:28Nakakonfine sa Calocan City Medical Center si Tatay Elmer.
03:32Gabriel Gonzalez nakatutok 24 oras.
03:37Pinakante ang mala tunnel na komunidad sa ilalim ng Osmeña Highway sa Maynila.
03:41Halos limampung pamilya mula roon ang inilipat sa pabahay sa Bulacan.
03:46Pero naasaan ang iba pa?
03:48Alamin sa pagtutok ni Bea Pinlak.
03:54Nitong Mayo lang nang masilip natin ang buhay na buhay na ilalim ng Osmeña Highway sa San Andres sa Malate,
04:00Maynila.
04:01Pag pinasok kasi ang tila tunnel na isa't kalahating metro lang ang taas at wala pang isang metro ang lapad.
04:08Okay, sorry po, sorry po.
04:12Tabi-tabi ang mga nakatira na kumpleto sa mga appliance at konektado sa linya ng kuryente at tubig.
04:18Bakante na yan ang pasukin ko kanina.
04:20Bagaman bakas ko pa rin, ang peligro ng pagtira nila rito.
04:24Ganito po kasi kep at kadelikado yung mga bahay na tinitirhan ng halos sandaang pamilya sa may Osmeña Highway malapit
04:32pa sa Estero sa Maynila.
04:33Gawa sa light materials yung kanilang mga bahay na nasa ilalim pa ng tulay kaya lubang peligroso lalo na tuwing
04:39maulan.
04:40Inabutan ko namang naglilipat na ang mga residente ng dating Malatano community.
04:46Naranasan ko na sunugan kami tapos baha pa.
04:50Minsan pag ako lang may isa sa bahay, umiiyak ako kasi wala akong kasama eh, lalo pag Pasko.
04:56Naiiyak ako, ano ba yan?
04:59Ano, siyempre aahon kami sa taas kasi yung tubig talaga abot hanggang ganyan.
05:05Inaano ko yung kuryente, baka makuryente kami.
05:08Kanina, sumama ako sa biyahe nila papuntang San Ildefonso, Bulacan,
05:13kung saan nagihintay ang tila maagang pamasko, ang permanenteng pabahay ng gobyerno.
05:19Ngayong Pasko, baka kompleto kami. Masaya ang Pasko ko.
05:22Apat na putsyam na pamilya silang inihatid ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
05:28sa mga bago nilang kirahan.
05:30Kahit malayo ito, naku, sabi ko hindi, ano, titirhan ko talaga ito.
05:35Binigyan din ang bawat pamilya ng tig-10,000 piso at dagdag pang tulong tulad ng livelihood assistance.
05:41We will issue another set of cash relief assistance, another 10,000.
05:46Kasi nga, alam mo, pag ni-approve mo ang isang tao, pagdating niya doon,
05:50to jumpstart your life, panibagong tsaka muna naman yun.
05:53Bagaman hindi libre, ay mura ang pabahay.
05:56Isang taon muna silang walang babayaran.
05:59Pagkatapos, ay maguhulog ng 600 hanggang mahigit 2,000 pesos kada buwan sa loob ng 30 taon.
06:06Pero hindi pa lahat ay nakalipat.
06:08May 35 pamilya pang ipinagrerenta muna ng gobyerno habang tinatapos pa ang lilipatan nilang bahay.
06:14Bago magpasko rin sila target mailipat.
06:17Yung paglilipat kasi ng mga 84 na pamilya, hindi siya simpleng bagay kung gagawin.
06:23Isipin rin natin yung point of view nila na dito na sila tumira, dito pinanganak yung iba, dito tumanda.
06:29So yung mindset ting, medyo mahabang proseso yun.
06:33At para matiyak na hindi na muling matitira ng tunnel,
06:37isasara na ang lagusan papasok matapos gibain ang matinirhan sa ilalim.
06:41Nakausap na natin yung mga barangay dito, barangay opisyalis na kumingin na rin tayo ng tulong,
06:46nabantayan itong lugar na hindi na mabalikan pa.
06:49Nakikipag-ugnayan din ang Manila City Hall sa MMDA para matiyak yan.
06:53Bay up and lock, nakatutok 24 oras.
07:02Naghahanda ng impeachment court, ang prosecution at ang defense sa marathon hearing simula bukas.
07:09Lunes hanggang biyernes na kasi ang paglilitis at pinahaba pa ang oras.
07:14Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
07:19Nagdesisyon ng impeachment court kagabi na kansilahin ang paglilitis ngayong araw.
07:24Para sa tinawag nilang strategic procedural pause bilang paghahanda sa marathon sessions,
07:31simula bukas hanggang October 15.
07:33Kung dati lunes hanggang miyerkules lang ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
07:39magkakaroon na rin ang pagdinig sa Webes at biyernes.
07:43Pinahaba rin ang oras ng trial, mula alas 10 ng umaga hanggang alas 6.30 ng gabi.
07:4911 days kasi tayo straight at the prosecution and defense also requested na kailangan mag-prepare sila heavily.
07:59Request nila, so unlike before na until 2 o'clock hapon makakare-prepare ka,
08:04ngayon wala ka ng preparation.
08:06Kung matapos kami ng 7, dapat prepared ka na for the next day.
08:09Kausap ko rin si presiding officer na kailangan mag-prepare yung prosecution and defense.
08:14Marathon na itong 11 days na.
08:15Kahapon, humarap sa impeachment court ang kapatid ng vice na si Davao City Mayor Baste Duterte.
08:22Sinabi niyang hindi niya alam na kasosyo ang kanyang ate sa kumpanyang binigyan ng City Hall ng labing siyam na
08:30kontrata.
08:31Binatikos ni Palace Press Officer Claire Castro ang sagot na ito ni Mayor Duterte.
08:36Pero ang isang mayor, hindi po maaaring basta masabi na walang alam, hindi inaalam, o walang pakialam.
08:47Kapag may nakikita ka na ng mga kakaiba na pangyayari sa iyong nasasakupan, hindi pwedeng magtulog-tulugan.
08:56Ilang taon na po ba siyang mayor? Delikado ito kung gagaw-meeting din ito ng iba mga mayors para sabihin,
09:04hindi ko alam.
09:05Susunod na uupo sa witness stand, ang mga kinatawa ng Register of Deeds sa Davao City at Samal at opisyal
09:12ng Anti-Money Laundering Council at dating Sen. Antonio Trillanas IV.
09:17Ayon kay Chua, may next batch pa sila ng witness pero masasabing malapit na silang matapos sa pagpepresenta ng ebidensya
09:25sa Article 2 o umano'y hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara.
09:30De-desisyonan na rin nila ngayong linggo kung magpepresenta pa sila ng ebidensya para sa Article 3 o bribery.
09:38Magde-desisyon kami this week kung ipe-present pa namin if we will still pursue the bribery or yung Article
09:503 or we will drop it.
09:52At saka para dun sa defense din, eh makapaghanda rin sila.
09:56Sinabi naman ni House Prosecution Legal Spokesperson Benjamin Tulosa na nakatanggap siya ng admonition o babala mula sa impeachment court,
10:06kaugnay sa pagkokomento sa merito ng impeachment case.
10:10Nire-respeto raw niya ang desisyon ng korte.
10:14Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.
10:18Makakapuso, sigurado ng madaragdagan ang labing-walong medalya ng Pilipinas sa 2026 Asian Games.
10:25May chance ang makagold o silver ang boksingerong si Carlo Paalam dahil sa panalo niya kanina.
10:31Tsak na rin may medalya si Alex Iala na pasok na rin sa semifinals pati po ang kopono natin sa
10:38Women's Beach Volleyball.
10:39Live, last in Japan, nakatutok si JP Sobya.
10:43JP!
10:48Emil, mga kapuso, dumikit man sa first set ang laban kanina ni Alex Iala.
10:52Sa huli, nanaig pa rin po ang Filipina tennis ace at nanalo nga po sa quarterfinals.
10:57At sa boxing naman, eh gaya nga yung nabanggit, isang panalo na lang.
11:00Ang kailangan ni Carlo Paalam para sa pag-asa makakuha ng ginto dito sa Asian Games.
11:09World champion lang naman ang kailangang lagpasan ni Tokyo Olympic silver medalist Carlo Paalam
11:14para umabante sa finals ng men sa 55-kilogram boxing division ng 20th Asian Games.
11:19Tinalo niya via split decision si Mahmood Sabirian mula sa Kazakhstan
11:23para sa pagkakataong sumuntok para maka-silver o maka-gold pa nga.
11:28Yan ay kumagagapi niya rin si Rui Yamaguchi ng Japan sa biyernes.
11:47Sa tennis naman, pasok na sa semifinals kaya tiyak ng may medalya sa women's singles
11:53si Pinay Tennis Ace Alex Iala matapos talunin si Joanna Garland ng Chinese Taipei sa score na 7-5, 6
12:00-0.
12:00Nauna nang sinabi ni Alex na ang goal niya ay maiuwi ang ginto para sa Pilipinas.
12:06Napaiyak si Garland matapos ang laban niya kay Iala.
12:09I think it's understandable that everyone's here to win, everyone is giving their best.
12:16I think she should be proud of reaching the quarterfinals.
12:19I think we are good friends and I think that that's what I remember her for the most is being
12:26a good person.
12:27Batid din ni Ayala na buong Pilipinas ang nakatutok sa kanya at umaasang maiuwi niya ang ginto.
12:33I mean, when I'm on court, it's me and the ball and the court.
12:40And at the end of the day, being a professional tennis player and a competitive tennis player,
12:46you know, losing comes, you have to understand that losing is part of the job and losing is always a
12:50possibility.
12:51That's why, you know, that's what makes tennis so difficult.
12:54That's what makes tennis so exciting.
12:56The only thing is that you never know what's gonna happen and you can't let your guard down.
13:02So, you know, I think that also contributes to, you know, my pursuit for excellence and my pursuit for the
13:08best version of myself.
13:10Gaya sa kanyang mga laban sa iba't-ibang kompetisyon,
13:13tama ang Iala minya hanggang dito sa Land of the Rising Sun.
13:17Let's go! Alex! Let's go!
13:20Go, Alex! Fight, fight, fight! Para sa Pilipinas!
13:24Go, go for gold, Alex! We're cheering for you at hanggang sa finals pag mananood kami sa'yo.
13:31Let's go, Alex! Para sa bayan! Laban!
13:35Sa Women's Beach Volleyball, pasok na sa semifinals ang Team Pilipinas matapos talunin ang host country sa loob ng dalawang
13:43set.
13:43Nilaban namin, pinag-pray din namin ng sobra na sana makuha namin to sa pinaghirapan namin ng ilang buwan.
13:51Pinaghandaan po namin at nagtrabaho po kami, nanood po kami ng mga videos nila para po malaman po namin kung
14:00ano po yung mga dapat namin gawin sa laro po.
14:09Sa pole vault, ibinahagi ni Asian Games 2-time gold medalist at ang reigning pole vault king ng Asia na
14:16si E.J. Obiana,
14:17ang kanyang naramdaman habang pinatutugtog ang lupang hinirang sa awarding ceremony.
14:22That's poetic. Yeah, I was like, might just be the right one because like competition was training, awarding ceremony was
14:29training us.
14:32How do you say, kind of wraps the whole thing in a little bit more of a romantic way.
14:36It's like they enjoy this moment, you never know if this is gonna happen again.
14:39This is, you know, a once-in-a-lifetime opportunity.
14:43And I, you never know.
14:46The next Asian Games is a long time and this might be the last Asian Games.
14:51Mas malapit ang Los Angeles Olympics sa 2028, kaya natanong kung ito ba ang next niyang target.
14:58For sure, if I'm healthy, God willing, I qualify in all these things, I don't see why not.
15:06And as long as I'm having fun, I think I'm gonna keep jumping.
15:11Sa athletics pa rin, panalo ng bronze ang pambato natin si Victoria Bosong.
15:15Sa women's 800-meter run, sa oras na 2 minutes and 5.34 seconds.
15:21My main mission, obviously, gold is one thing.
15:24But, you know, being an inspiration for the younger generation is really like what I want to do in my
15:29career.
15:30And so to be able to do that, fulfilled no matter what.
15:38At, Emil, mga kapuso, katatapos-tapos nga lang ng laban ni Alex kanina.
15:42Pero alam mo, pahinga lang ng konti.
15:44Pero sasabak siya muli sa isa pang match.
15:46Ito naman po sa doubles naman po ngayon sa second round.
15:48Kasama po ang kanyang ka-teammate at kaibigan na si Shira Rivera.
15:52At, syempre, umaasa po ang mga Pilipino dito na may uuwi ni Alex ang ginto.
15:57So, pati na rin po yung mga iba pa nating mga atletang lalaban dito sa Asian Games.
16:01At yan muna ang latest bilang bahagi po ng Philippine Olympic Committee Media at JMA News.
16:06Balik muna sa'yo, Emil.
16:07JP, saglit lang ha.
16:09Sino at anong bansa ang makakatapat ni Alex Iala sa semifinals match?
16:18Nako, Emil, to be determined pa yan.
16:20Depende pa yan sa magiging resulta ng mga nagaganap na laban at magaganap na laban bukas.
16:23Pero ang tiyak, magagaling po ang mga makakalaban din ni Alex at mga top-seeded players din po dito sa
16:31Asian Games, Emil.
16:32JP, ikaw ay nakakaintindi ng lawn tennis.
16:34At tiyak ako, napanood mo na maglaro itong si Alex Iala.
16:37Ang tanong eh, yung percentage at yung pag-asa na siya'y makaginto.
16:42Gaya ni na Carlos Yulo at EJ Obiera.
16:45Kamusta, JP?
16:50Kung pagbabasihan ang sagot ng mga sports analysts tungkol dyan, napakalaki ng kanyang chance.
16:55Kasi siya ang top-seeded player dito sa Asian Games.
16:58Karamihan po sa mga mas matataas na o mas top-seeded pa kesa kay Alex sa ibang bansa ay hindi
17:05po lalahok dito sa Asian Games.
17:06Sila po ay nagpatuloy sa kanilang mga WTA competitions.
17:09Pero ang isa po sa mga inaasahang posibleng makalaban po ni Alex dito ay si Zhang Shui,
17:16isa po nga three-time Grand Slam doubles champion at nanalo sa 2019 Australian Open.
17:22Siya at ang pambato ng Kazakhstan, ang isa sa mga potential na makalaban po ni Alex Iala,
17:29ang Philippine Tennis Ace ng bayan.
17:31Emil.
17:32Maraming salamat, JP Soriano.
17:36Nasa tamang taawiran pero naaksidente pa rin?
17:40Hindi na lang multa kundi mas mabigat na parusa ang gustong ipataw sa mga driver na makakadisgrasya sa pedestrian lane,
17:49kabilang ang otomatikong pagbawi sa lisensya.
17:53Nakatutok si Von Aquino.
17:59Nagpedestrian lane naman ang babaeng ito sa Quezon City nang mabundol siya ng isang dire-diretsyong sasakyan.
18:06Ang nakabanggang driver, tumakas.
18:09Nasa tamang taawiran din ang magkakatrabahong ito sa Antipolos City nitong Agosto.
18:14Pero hindi pa rin sila hinintuan at inararo pa nga ng isang kotse.
18:18Kaya dalawa sa kanila ang nahagip at sugatan.
18:22Sampung minuto pang nakipaghabulan sa pulisang suspect na napag-alam ang empleyado pa mismo ng Land Transportation Office o LTO.
18:30Kung tutusin kasi, dapat nagbabagal ang mga nagmamaneho pagdadaan sa pedestrian lane, may tumatawid man o wala.
18:38May mga kusa namang humihinto nang tumawid ako sa ilang pedestrian lane kanina.
18:43Pero hindi lahat ganyan.
18:44Ayon sa LTO, dahil sa dumaraming kaso ng pagkamatay ng mga tumatawid sa pedestrian lane at pangaharas sa kanila,
18:51ipinababalangkas na ni LTO Chief Marcos Lakanilaw ang kautusan upang bawiin ang lisensya ng mga motoristang masasangkot sa mga aksidente
18:59sa pedestrian lane.
19:01Dapat hindi yung mga fines. Dapat dito drastic.
19:05Dinaan lang namin sa legal para mas maayos lahat. Pero hopefully itong mga araw na ito matatapos namin, ilalabas namin
19:15yan.
19:16Dadaan pa rin naman Anya sa proseso ang revocation ng lisensya.
19:20Bigyan ang due process, magpaliwanag, pero revoke na yan.
19:24Ang bagsak niya ang revocation na.
19:25Automatic po.
19:26Oo.
19:26Sang-ayo naman dito ang ilang pedestrians tulad ni Ananyel na kuminsan takot na raw tumawid kahit sa pedestrian lane.
19:34Meron pa rin sa akin na hindi huminto.
19:36Oo. Ano ginawa mo?
19:38Ako na lang din po yung huminto. Ako siya yung pinagbigyan ko. Kahit ako na yung tumatawid.
19:42Sa pedestrian lane?
19:43Opo.
19:44Ang ilang nakausap naming driver may hiling sa LTO.
19:47Favor naman sa ganun ma'am pero sana investigahan muna ng maigi bago tanggalan ng lisensya kasi kawawarin yung driver
19:53na mawawalan ng hanap buhay.
19:54Kapag predestrian, kailangan talaga huminto ka. Pagbibigyan mo yung tumatawid.
20:00Pero kung kanyang babawian ka agad, isang pagkakataon palang magkasala ka, pang hindi naman tama yun. Diba?
20:08Von Aquino, Nakatutok, 24 Oras.
20:16Ibinasura ng Korte Suprema ang tatlong petisyon na kumwestyon sa interpretation ng impeachment court sa kailangan boto
20:23para makonvict si Vice President Sara Duterte.
20:26Sa isang press briefer, sinabi ng Supreme Court na nakabase ang kanilang pagbasura sa mga petisyon sa procedural grounds
20:33o yung may kinalaman sa sinusunod na proseso, kakulangan o lack of standing at free maturity o masyadong maagang pag
20:40-file.
20:40Matatandaan noong September 23, idinalog sa Supreme Court ang desisyon ng impeachment court
20:46na isa-isang tabi ang naunang ruling ni Presiding Officer Jesus Cudero na labing-aning na boto ang kailangan para
20:52makonvict ang bise.
20:54Nakabase ito sa two-thirds ng lahat ng kasalukuyang naupong senador.
20:58Pero sa bagong ruling ng impeachment court, nagpasya itong huwag bilangin ng mga senador na hindi makakalahok sa araw ng
21:04butuhan
21:05kaya maaaring bumaba ang bilang ng two-thirds of votes para makapag-convict.
21:10Patuloy naman naming inihingaan ang pahayagang kabo ng bise tungkol dito.
21:14Bukod sa mga hinatiran umanon niya ng pera, dinetalye rin ang nagpakilalang tauhan ni dating Speaker Lord Alan Velasco
21:22sa kanyang affidavit kung saan galing ang pera.
21:25Galing umano ito kina dating Congressman Zaldico at Congressman Miro Kimbo
21:30at pera ng mga diskaya at iba pang kontraktor.
21:33Nakatutok si Darlene Kai.
21:40Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ang mga aligasyon ni Rodulfo Gracioso Jr. sa kanyang sinumpaang salaysay.
21:46Sa kanyang sworn affidavit na ibinigay ng NBI sa GME News,
21:50sinabi ni Gracioso ang nagpakilalang dating head security ni dating House Speaker Lord Alan Velasco
21:55na ilang ulit daw siyang inutusan ng kanyang boss Alan na mag-deliver ng mga maleta ng pera sa ilang
22:01politiko.
22:02Sa isang bahagi, pinanggit ni Gracioso na noong 2020 kabilang sa pinanggagalingan ng perang hawak ni Velasco
22:09ay mula kina dating Congressman Zaldico at Marikina 2nd District Representative Miro Kimbo.
22:14Narinig daw niya kay Kimbo na ang pera galing umano sa mga kontratista ng DPWH kabilang sina Curly at Sara
22:21Diskaya.
22:21Minsan daw, nang mag-pick up siya ng pera mula kay Kimbo,
22:25nakita niyang kasama nito ang yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
22:30May pagkakataon din umano na nang mag-pick up siya ng pera sa bahay ni Ko,
22:34nakita niya roon si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara.
22:38Noong 2021 din daw, nagpa-approve sila ng isang General Pipino ng mga proyekto sa Region 8
22:44sa tanggapan ng DPWH at Budget Department.
22:46Tinanong daw siya ni General Pipino ng rate ng SOP.
22:50Ang sabi raw ni Velasco kay Gracioso, 25% ang all-in na porsyento para sa tinatawag na SOP
22:57at babayaran ito in advance.
23:00Sinisikap ng GMA News na makuha ang pahayag ni Nako, Kimbo, Alcantara,
23:05mga Diskaya at iba pang nabanggit ni Gracioso.
23:07Pero nauna nang itinanggi ng kampo ni Velasco ang mga aligasyon ni Gracioso
23:11at sinabing wala itong basihan.
23:14Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
23:19Sinisikap po namin makuha ang pahayag ni na Congressman Niro Kimbo,
23:23dating DPWH District Engineer Henry Alcantara
23:26at ang mag-asawang kontratistang sina Curly at Sara Diskaya,
23:31gayon din ang mapang nabanggit ni Gracioso,
23:34kaugnay sa mga aligasyon laban sa kanila.
23:36Pero wala pa silang tugon sa ngayon.
23:45Mag-aapat na buwan na mula nang yumanig ang magnitude 7.8 na lindong
23:51na sinunda ng habagat.
23:53Pero hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga naapektuhang taga-gland sa Sarangani.
23:59Bilang tulong handog ng GMA Kapuso Foundation,
24:03ang libreng serbisyong medikal para sa mahigit isang libong taga roon.
24:12Sa isang bakanting lote, malapit sa dump site na ng tayo,
24:18ng tent, ang mga residente ng barangay Mudan sa bayan ng gland.
24:23Nasira kasi ang kanilang mga bahay dahil sa hagupit ng habagat noong Hulyo.
24:29Yun nga lang, nagkakasakit na sila doon.
24:32Basura, makasimod may sabaho sa basura.
24:34Pero sige lang, antusun lang na mo, wala pa may balay, reliquation site.
24:39Kadalasan po ang presentation ng mga patient,
24:41pagka respiratory naman po, airborne,
24:44sa ilitin po ng panahon, bigla po umuulan dito.
24:47Kaya matapos ang ating Operation Vianian sa GLAN,
24:51hatid naman natin ang serbisyong medikal.
24:54May libreng konsultasyon sa mga doktor
24:56mula sa Provincial Health Office ng Serangani,
25:00Municipal Health Office ng GLAN
25:02at Philippine College of Occupational Medicine,
25:05Southern Mindanao Chapter.
25:07May laboratory tests din, ultrasound,
25:11a tooth extraction,
25:12sa ilalim naman ang kapuso-kalusugan konsulta.
25:16When matroma, depression gets in,
25:19when loneliness and depression and uncertainty and fear sets in,
25:23the immune system goes down, tuloy-tuloy na siya.
25:27It is really a priority, no?
25:28Nagbigay rin tayo ng mga gamot at vitamins.
25:31May libreng gupit pa.
25:34Since 2019, partners ang GMA Capuso Foundation
25:38at at Emper Foundation
25:40na parehas na ang layunin ay makatulong
25:44at tumulong sa mga nangangailangan.
25:47Yung mga tao, walang bahay,
25:50they're more prone to infections.
25:54That's why,
25:55meron naman tayong kapuso-kalusugan caravan,
25:59which is our roving medical mission.
26:03Sa mga nais,
26:04tumulong maaari po kayong magdeposito
26:06sa aming mga bank account
26:07o magpadala sa Cebuana Loanier.
26:10Pwede rin via QR code ng Gcash
26:12at PalawanPay
26:13o mag-donate online sa
26:16G-Bayanihan,
26:17Globe Rewards
26:18at Metro Bank Credit Cards,
26:20Lazada at Shopee.

Recommended